Chap. 2: Moving In

4 0 0
                                    

Today ay back to school na ako.

It's been a month since the engagement. At nagpaplano na rin sina ate para doon.

First day pa lang ay bwiset na bwiset na ako. Pano ba ay late na pala ako.

7:30 am nga pala ang sched, pero ang sabi sa akin ay 8 am. Kailangan ko pa pumunta sa vfa para kumuha ng admission slip.

At tignan mo nga naman ang tadhana, pagkarating ko doon ay isang maamong mukha abg sumalubong sa akin. Nakakainis.

Sino pa ba, edi the one and only, Chance De Villa.

Sirang-sira na ang araw ko. At dito pa yata ito mag-aaral? Naku lang talaga!

"Uhm, Ms. Vargas, 'di ba sa 4A ka?" tanong ni Miss Avalo pagkatapos niya iabot ang admission slip

"Opo, bakit po?" tanong ko naman

"Tutal eh magkaklase na rin kayo, ikaw nalang magsama sa kanya patungo sa classroom niyo, okay? Marami pa kasi akong gagawin." tukoy niya sa lalaki sa likod ko na nakaupo sa couch sa harap ng table niya sa office

"Sige po, miss." sabi ko at nag-bow na at umalis

Naririnig ko ang mga yapak niya sa likod ko senyales na sumunod siya.

Nakarating na kami sa room. Pwede pala ang transferee sa first section? Eh transferee siya e.

"Good morning, miss. Sorry I'm- we're late." sabi ko

"It's okay. Wala naman tayong gagawin today, nag-introduce lang ang sarili niyo sa class. Hindi kasi kayo lahat familiar sakin, miss... Hanley Colette Vargas? Take your seat", sabi ni miss habang tumitingin sa list na hawak niya at umupo na ako sa tabi ng kaibigan kong si Ri-ri, "As for you, uhm, mr.. Chance Andelle De Villa... kaano-ano mo si Madame Rianette?" tanong ni miss, sino 'yon?

"Aunt ko po." mahinahon niyang sabi

Heto namang mga classmate naming babae nagbubulungan na patili.

"Ang cute naman niya!" girlmate 1

"Ang hot niya kyaa!" girlmate 2

"Kaso aunt pala niya si madame, awwtsu." pagirlmate

"Ri, sinong madami?" tanong ko sa kaibigan kong nakikitili rin

"Ay gaga! Madami? Silent 'e' 'te! Madame!" pagcocorrect niya sa akin

"Eh sino nga 'yon?" tanong ko ulit

"Dito ka ba talaga klase mo? Baka sa section C ka? Si Madame Rianette lang naman po ang principal ng highschool department!" sabi niya sabay turo sa noo ko, yung para bang binatukan pero isang daliri lang

"Ahh ganun ba... 'di naman ako nakikinig kapag sa mga ganun e." pagdadahilan ko

"Ikaw pa, eh pinakasalan mo na yata ang mga libro mo kaya puro ka basa."

Bigla naman tumahimik at may mga sinabing pointers si miss. First day na first day may research paper na kailangan gawin.

"Han, sabay tayo gumawa assignment ha?" sabi ni Ri habang kumukopya sa board

"Sige. Ako lang naman yata mag-isa mamaya. Aalis sina mama kasama sina ate." sabi ko

"Ayos!!" ngiting-ngiti niyang sabi

Ang bilis lang ng oras dahil puro activities ang nangyari sa bawat class. Papunta na kami ni Ri sa amin.

Naglakad lang kami. Five-minute walk lang naman siya. Nasa loob kasi ng village ang mismong school.

Diretso na agad kami sa room ko. At nagpahatid kay ate-manang ng makakain para sa aming dalawa ni Ri.

Si ate-manang lang ang natira sa mga maid dahil sinama nina mama ang iba.

May guard sa labas pero syempre, hihintayin pa nun sina mama.

So it's just the three of us tonight.

"Magkakilala pala kayo ni Chance De Villa? Kayo ba? Swerte mo girl!" rinig kong sabi ni Ri habang nakatutok sa laptop niya

"Ha? Never! Sa akin lang inihabilin ni miss kasi transferee, baka maligaw." depensa ko

"Uuuuy! Defensive!" pamimilit niya

"Defensive ka diyan. Siya yung sinasabi ko sa'yong umiinom ng 'di kaya." sabi ko habang sumusulat na sa notebook ko

"Siya si puke guy?! HAHAHAHAHAHAHAHA!" tawa with matching roll - over niya

"Baka naman mtb kayo? Kasi tignan mo oh, pinagtagpo kayo ng tadhana." sabi niya pagkatapos ng makapigil hininga niyang pagtawa

"Mtb? Ang corny mo!"

Nagtawanan pa kami at nagkwentuhan nang mag-ring ang doorbell.

"Ang aga naman nina tita?" takang tanong ni Ri

"Oo nga." sabi ko

Naisipan naming bumaba ni Ri para salubungin sina mama

"Ay! Ma'am Hanley, may bisita po kayo." sabi ni ate-manang

"Weh? Eh, wala naman akong alam na inimbita ah," nakakapagtaka, akala ko sina mama na 'yon

"Ahh, papapasukin ko ba?" tanong ni ate-manang

"Hindi, ", natigilan si ate-manang, "Di joke lang. Hehe. Sige po."

Naghintay naman kami ni Ri sa receiving area.

"Ms. Hanley Vargas?" tawag ng boses ng isang lalaki

Liningon ko naman at matamis na nginitian. Parang familiar siya... he looks like he's in his mid 40's pero gwapo, baka business partner ni papa.

"Hello po, uhm, business partner po ba kayo ng papa ko? Wala po kasi sila e." linapitan ko siya upang maimbitang umupo sa couch

"No. Actually, I'm a good friend of your mom. Nakalimutan mo na yata ako, hija. I'm Charles De Villa." paliwanag niya

Natulala nalang ako. Siya ang dad ni Chance, hindi ba? Anong kailangan niya?

"Ahh. I remember na po. This is my friend po, Arianne", 'di ko malaman kung paano ang posisyon ko dahil sa pagkabigla, "Ano po ang pinunta niyo rito? Wala po kasing nasabi si mama."

"Ah. We will be staying here for a while. Hindi pa kasi tapos yung construction ng home namin, you know naman siguro kasi na hindi talaga kami dito nakatira sa Pilipinas haha," ang cute ng tawa

",so, your mom volunteered na dito na muna raw kami nung son ko. If it's okay with you and your sister." paliwanag niya

"So, you're saying na you're moving in? Now? Today? This very moment? This very hour? This very minute? This very second?" walang tigil kong tanong

"Ayy, hindi naman ngayon talaga, hija. Siguro by next week. Gusto ko lang na approve din kayo ng ate mo, kaya ako pumunta ngayon." natatawa niyang sabi

Napabuntong hininga nalang ako. They'll be... moving in?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

300 Days of ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon