"Ang aga ko naman ata dito sa campus." Kinausap ni Fleur ang kanyang sarili dahil 6 a.m. palang nasa eskwelahan na siya. Wala pa kasing tao kaya naisipan niya nalang mag surf muna sa web sa kaniyang cellphone.
Nang dumating ang kanyang bestfriend na si Jax Smith ay nagkwentuhan sila tungkol sa crush nitong bruhang Jax na si Levi.
"Best, nagtext sa akin kahapon si Levi my crush ba!" Kumikinang ang mata ni Jax habang nagkwekwento. "Ano ngayon?" Bored na si Fleur habang gamit ang cellphone na kinausap si Jax. "Well, inaya niya akong magdate Fleur!!!"
"Asus 'yon lang pala eh, then say yes" sabay irap. "Bitter ka lang dahil wala kang crush" banat ni Jax. "Hmmmp, ang dami ko kayang manliligaw kaya na e experience ko parin 'yang date date na iyan no!" Sabay walk out ni Fleur.
Pumunta siya ng cafeteria para kumain ng breakfast ng nakabangga niya ang tisoy na lalake, hindi siya humingi ng paumanhin pero nginitian lang siya ng lalake. Tuloy tuloy sa pag upo si Fleur sa cafeteria para makakain na. Tinabihan siya ng tisoy kaya inirapan niya ito at binilisan ang pagkain at nagmadaling pumunta sa room nila.
May bago daw silang classmate, iyon ang rumors sa kanilang classroom noong bumalik siya dito galing sa cafeteria, bigla nalang may pumasok na matangkad, matipuno, maputi at gwapong lalake kaya natahimik ang lahat.
Akala ni Fleur na teacher lang nila ito, dahil nga college na sila at uso ang fresh graduate na teacher, pero laking gulat niya nung umupo ito sa tabi ni Jax na bakanteng upuan kanina. "Ahhh classmate pala namin ito, totoo nga ang chismis na may bagong salta dito sa amin." Nasa isip ni Fleur.
Nakaraan ang ilang oras ng mapansin ni Fleur na panay ang titig ng bagong lalake sa kanya kaya inirapan niya ito ng harap harapan, pero tumititig parin ito sa kanya kaya hinayaan niya nalang ito at nagpasyang matulog sa klase dahil ang hina ng boses ng kanilang guro.
Lunch na kaya ginising siya ni Jax. At dumaldal na naman iro "Best, ang dali lang maka kuha ng friends ng bagong classmate natin no?" Sabi ni Jax. "Tama ka nga." At tumuloy na sila sa labas pero bago sila lumabas ay napansin muna ni Fleur na tumititig na naman ang gwapong classmate nila sa kanya, at doong moment niya rin naramdaman ang bilis ng tibok ng kanyang puso at ramdam na ramdam niya iyon kanina pa noong una niya itong nahuling nakatitig sa kanya kaso in denial pa siya kanina, ngunit ngayong nagtititigan sila ay hindi niya na into maipagkakaila pa.
Lumabas sila ng eskwelahan at sa mall kumain ng mag nag text sa kanya.
Unknown number:
Saan kayo nag lunch?Fleur:
Sino ito?!!Galit si Fleur dahil ayaw na ayaw niyang may nakakaalam ng number niya na hindi niya kakilala kaya nag tanong siya kay Jax kung kilala niya ba ang number na nagtext. "Baka si Lauchlan iyan dahil hiningi niya ang number mo kanina, noong tinanong ko naman sabi niya ay it's none of my business daw eh."
Nagtaka si Fleur dahil hindi niya kilala si Lauchlan. "Sino si Lauchlan???" Tanong niya kay Jax . "Yung bagong classmate natin." At halos himatayin sa lakas ng tibok ng puso si Fleur.
"Bakit mo binigay ang number ko?" Galit galitan na tanong ni Fleur kay Jax. "Hiningi niya eh." Sagot ni Jax. "Whatever Jax, next time don't do this again ha!" Galit pa rin na sabi ni Fleur. Nang tumunog nanaman ang cellphone niya.
Unknown number:
Lauchlan Cadhla. Just answer my damn question Fleur!Fleur:
Wala kang karapatang malaman kung nasaan man ako ngayon Lauchlan!!!
BINABASA MO ANG
No inhibitions
RomanceRaw feelings are the best things on Earth. Si Fleur Royce ay isang popular na babae sa kanilang eskwelahan dahil sa taglay niyang kagandahan, 'yon naman talaga kasi ang basehan kaya ka unang magkakagusto sa tao eh kaya 'yon, ang daming nagkakagusto...