Chapter 1

0 0 0
                                    

Promise

Gumising si Fleur ng maaga dahil may pupuntahan daw sila ng kanyang the best of friend, hindi niya alam kung anong pakulo ni Jax ngayong araw ng Sabado. Wala naman siyang plano kaya pumayag nalang siya sa gusto ni Jax na pumunta ng Bukidnon para mag sight seeing daw.

Pagod na pagod pa ang kanyang katawan sa kakagawa ng requirements para sa pesteng major subjects ay este minor na nagfefeeling major kung maka high ang standards.

"Walang hiyang Jax! Bakit ba kasi kailangan 6:30 a.m. kailangan na naming umalis papuntang Bukidnon eh!!!" Sigaw na reklamo ni Fleur sa kanyang kwarto. Nang bumusina na ang sasakyan ni Jax ay napabuntong hininga nalang siya.

Dali daling nag bihis si Fleur. Napiling isuot niya ang pink na spaghetti top, maong na jumper shorts at vans na black dahil gagala lang naman sila.

Pagkakita niya kay Jax ay binigyan niyo ito ng nakabusangot na mukha. "Best 'wag kang KJ at just go with my plans!!!" Excited na tugon ni Jax. "Wala na akong magagawa no!" Sagot ni Fleur na unti unting ngumiti, nakakahawa naman kasi itong pagkabatang energy ni Jax eh.

Nag text si Lauchlan kay Fleur "What's your plan for today?"

Fleur:
Sasama kay Jax mag unwind.

Lauchlan:
Saan nga?

Hindi na nireplyan ni Fleur si Lauchlan. "Best, anong ngiti 'yan ha?" Nakakalokong tanong ni Jax dahil pangiti ngiti si Fleur sa pagtetext. Fleur just rolled her eyes at nauna ng pumasok sa sasakyan.

Nakarating sila sa Bukidnon ng pasado 8 o'clock a.m. at sinimulan ang paggala ng breakfast.

Nang tumawag si Lauchlan ay sinilent niya ang phone at nagpatuloy kumain.

Nagtext na naman ng sunod sunod si Lauchlan.

Lauchlan:
Where are you?

Lauchlan:
Reply Fleur, damn it!

Lauchlan:
I promise I will not go there, wherever you are, so just answer me.

Fleur:
Nasa Bukidnon, peste ang kulit mo ha!

Lauchlan:
Good, you replied already. Just be safe okay? I'm not there to take care of you.

Kinikilig nanaman si Fleur sa nababasa at nagpasyang i off nalang ang kanyang cellphone para makapagconcentrate sa paggala.

"Jax 'san nanaman tayo?" Katatapos lang nilang mag breakfast at dahil si Jax ang nag-aya kaya siya rin ang magplaplano sa whole day activities nila.

"Mag bungee jumping tayo best!" Excited na excited na tugon ni Jax. "Fine." Bored na bored talaga si Fleur dahil pabalik balik niya na itong nagawa noon, kaya hindi na bago sa kanya ang feeling na parang nawawalan ng laman ang tiyan mo pag nag bubungee jumping. Pagkatapos noon ay nag zipline sila at nagpasyang maligo sa pool ng resort na tinutuluyan. "Hayyy, this is the feeling I crave for. The feeling of peace and relaxing in a beautiful place like this." sabi ni Fleur kay Jax at sumang-ayon lang ito sa kanya.

Nagswimming lang sila buong maghapon at kumain narin sa pool side ng lunch at nag jacuzzi na naman sa terrace ng room nila noong mag susunset na.

"Best, how are you?" Tanong ni Jax ng may halong concern sa kanyang tono. "I'm fine." sagot naman ni Fleur. "Pati yung feelings mo, fine na?" Tanong nanaman ni Jax. "Yes, I guess I've got it all figured out." Mapayapang tugon ni Fleur. "If you are ready to share, I'm here to listen." Sabi ni Jax, ng biglang may nagring na phone at napatingin silang dalawa sa magkatabing phones nila at kay Jax pala ito kaya nagpaalam si Jax para masagot ang tawag ni Levi.

Naiwan si Fleur sa jacuzzi at nagpasyang matulog muna dahil 8 p.m. pa daw ang dinner time nila ni Jax.

Nung tapos na sila mag dinner ay nakatulog na kaagad sila sa kani kanilang king size bed sa kwartong kinuha ni Jax para sa kanilang dalawa.

Natutulog na siya ng tumunog ang kanyang phone at nakitang si Lauchlan iyon. Sinagot niya iyon.

"I miss you." Sabi ni Lauchlan pagkatapos ng mahabang katahimikan at dahil ang tagal magsalita ni Lauchlan ay nakatulog nalang si Fleur at hindi na narinig ang sinabi ng lalake.

Pagkagising ni Fleur ay nagtaka siya bakit naka on pa ang call nila eh samantalang 5 a.m. na at 11 p.m. pa noong tumawag si Lauchlan sa kanya, kaya nilagay niya ito sa kanyang tainga at narinig ang mumunting hilik ni Lauchlan sa kabilang linya kaya binaba niya na ang tawag.

Ang sweet naman ni Lauchlan may pa call call pa hanggang umaga, nasa isip na turan ni Fleur.

Dahil Sunday na ay umuwi na sila pagkatapos ng buffet breakfast sa restaurant ng resort.

"Busog na busog ako best!" Sabi ni Fleur. "I'm happy dahil naisipan ko itong short period na vacation natin." Nakangiting sabi ni Jax. "Ako rin." At umuwi na sila.

Pagdating ng bahay ay nagpasya siyang pumunta ng simbahan para umattend ng misa.

Nang may makita siyang pamilyar na bulto sa likuran ng inuupuan niya sa simbahan ay nag alburoto ang kanyang puso at pinilit niyang baliwalain iyon.

"Hi, may I sit beside you?" Bati ni Lauchlan noong tumabi kaagad ito sa kanya kahit di pa siya sumagot ng oo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No inhibitionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon