TAYO
Siya ang nagsimula ng kwento.
Ikaw ang pangunahing tauhan.
Ako ang dakilang extra.
Paano natin 'to mabubuo?
Paano natin 'to tatapusin?
Nagiging kumplikado pag pinag-iisipan ang susunod na tagpo.
Itigil na lang kaya?
Hindi naman ito ang gusto kong eksena.
Ano bang gusto ko?
Gusto kong simulan ang lahat ng ito sa tayo.
Napupuno na kasi ang papel na 'to ng siya at ikaw.
Bakit 'di ko simulan?
Paano ko sisimulan...
kung simula pa lang
walang tayo?