Chapter 1

37.5K 837 37
                                    

"You are fired,” matalim na asik ni Crexus Santa Maria, CEO at Presidente ng Santa Maria Chocolère Empire, sa namumutlang si Mr. Lozana na siyang kasalukuyang Assistant Manager ng Accounting and Payroll unit. Ibinagsak niya ang hardbound, makapal at kulay abuhing libro sa ibabaw ng mesa sa harapan mismo ng matanda upang bigyang diin ang desisyong pagsisante dito.
Nanginginig na napatitig ang matanda sa titulo ng libro, 'The Slave.' Isang regalo galing sa kakilala niyang manunulat. Hindi siya interesado d'un at hindi nakalista sa kalendaryo niya sa taong kasalukuyan o sa mga susunod pa ang kumuha ng alipin. What would he need a slave for? Para halikan ang mga paa niya? Women kissed his feet during foreplays so no thanks. Itatabi na lang dapat niya ang libro pero sa kung anong dahilan ay tila hinihigop siya ng larawan sa pabalat ng libro--isang babaeng naka-fetal position, yakap-yakap ang tuhod at nakahiga patagilid.
"S-sir, h-huwag n'yo po akong tatanggalin sa trabaho..."
Muling tumuon ang mga mata niya kay Lozana. Bilang CEO ay isang mukha lang ang ipinapakita niya sa mga tao--ang matigas at mabalasik na mukha. Kailangan niyang gawin iyon para sa kompanya, especially that Santa Maria Chocolère Empire (SMCE) was one of the world's leading companies in the chocolate business and the largest chocolate manufacturer in Southeast Asia. 
While the sugar coated chocolates of SMCE tasted divinely sweet, kabaligtaran naman niyon ang CEO ng imperyo. Crexus had not been blessed with even half a fraction of sweetness. He was born into money. Sex, power, and money were all that mattered. The man was callous and unsympathetic; striking fear into the hearts of the people around him.
Mas takot pa ang mga taong makasalubong siya kaysa makakita ng pugot na ulo. Nagbabadya ng walang katapusang kalupitan ang itim na itim niyang mga mata. Hindi siya nananakit ng pisikal. But the murderous glint in his eyes and his brutal words could slice through a person easily.
Crexus was no sugar. He was the kind of taste that stings the tongue. His heart was as dark as his eyes like bituminous coals. His face, however perfect and beautiful, did nothing to erase the fear of his clients and employees. Lalo na ngayon na kaliwa't kanan ang pangsisisante niya.
Si Mr. Lozana ay panlima na sa listahan ng mga nasisante sa trabaho sa buwang kasalukuyan. Nag-ugat ang lahat sa pagnanakaw ng pera ng mismong unit head ng Accounting and Payroll na si Mr. Tuason. Ang ikinagagalit niya pang lalo ay ang patuloy nitong pagtatago at hindi pagharap sa nagawang kasalanan. In effect, lahat sa unit nito ay napagbubuntunan niya ng galit. And Crexus Santa Maria wasn't the best person to aggravate.
Crexus had a very, very bad temper. Case in point, ang Disc Jockey na papasikat palang ay nalaos na. Nagkamali itong gamitin siyang paksa ng katawa-tawang usapan on air. Tinawag siya nitong 'Krampus,' the half-goat half-demon dahil sa pagiging allergic diumano niya sa pasko. The DJ said he was a demon so he showed him the demon in him. Gamit ang kanyang malawak na koneksyon ay nawalan ng sponsors at supporters ang istasyong pinagtatrabahuhan nito kaya nawalan din ito ng trabaho.
Walang pagmamadaling inayos ni Crexus ang silver necktie at kulay pilak ding cufflink malapit sa kanang pulso, at sumimangot nang makitang may maliit na gusot d'un. Idiniin niya ang hinlalaki sa parteng nagusot at aburidong kinuskos ang tela. Mananagot si Laleng sa kanya, ang personal na taga-plantsa ng mga damit niya. Alam na alam naman ng kasambahay na gusto niyang plantsado ang lahat, malinis at maayos. He had an obsessive need to put things in a perfect order. Ayaw na ayaw niyang nagugulo ang mga bagay o hindi umaayon sa gusto niya ang takbo ng mga pangyayari.
Itinaas ng binata ang mukha at itinuon ang itim na itim at malauwak na mga mata sa kaharap na nahuli niyang nakatitig din sa maliit na gusot. Taranta itong nagyuko ng ulo nang magtama ang mga mata nila. The old man was already constantly fidgeting in his chair since he sat there exactly 15 minutes ago, at nang sinabi niyang sisante na ito ay lumaylay ang mga balikat ng matanda. Nasa sisenta na si Lozana. Nakakalbo na ang tuktok ng ulo at puti na lahat ang natitirang kakarampot na buhok. Maliit ito pero bilog na bilog ang tiyan.
"S-sir, humihingi po ako ng isa pang pagkakataon. P-paano na ang pamilya ko? Maawa po kayo sa akin. Wala ho akong alam sa mga plano ni Tuason." Halos manikluhod na ang matanda na umahon sa upuan nito sa loob ng boardroom. Siya naman ay nanatiling nakaupo sa punong puwesto at malamig ang mga matang nakatitig kay Mr. Lozana. He felt nothing. Nothing at all, except for the harsh pounding of his heart. Wala siyang makapang awa para sa matanda.
"Exactly the reason why I'm kicking you out. Wala kang alam. Assistant Manager ka ng Accounting and Payroll unit. You're supposed to know what's going on! Paanong nakakulimbat ng malaking halaga si Tuason nang hindi mo nalalaman?"
Hindi nakasagot ang matanda. "Patawarin na ninyo ako sa aking kapabayaan, Sir. Nag-aaral pa ho ang mga anak ko. M-mahihinto po sila sa pag-aaral."
He sighed uncaringly. "Not my problem."
Namilog ang mga mata ng matanda. "Sir! Wala kang puso--"
"Leave now before I call the security," he cut him off. His words were acid. Sumusugat at nakakapaso.
Nanlumo si Lozana at bagsak ang mga balikat na lumabas ng boardroom. Hindi na rin siya nagtagal sa loob ng silid na iyon. Pagkalabas na pagkalabas niya ay awtomatikong nilamon ng katahimikan ang production floor. Mga kabadong pagtipa at nakatutulig na ingay ng panay tunog na telepono ang maririnig.
"Tititigan n'yo na lang ba iyan?" madilim ang mukha niyang tanong, nakatingin sa nag-iingay na aparato.
Naparalisa ang lahat.
"Someone answer that f*cking telephone! Now!" dagundong niya.
"Sorry, Sir!" Nag-unahan pa sa pagsagot sa telepono ang dalawang empleyado.
Napailing siya at paalis na dapat nang mahagip ng kanyang mga mata ang maliliit na gintong bells na may lasong pula sa hawakan na nakapatong sa mga mesa at ang Christmas greeting na nakasulat sa white board. His eyes bled. "Maligayang pasko sa lahat!" bigkas niya sa makapal na boses, nagsasalubong ang mga kilay. Of all the holidays in the world, he hated Christmas the most. Hindi siya naniniwala sa diwa ng pasko.
Mula pagkabata ay hindi siya minsan man naniwala kay Santa. Santa never existed. Reindeers and flying sleighs weren't real. Ni hindi niya in-attempt minsan man na magkabit ng medyas sa tsiminea ng bahay bakasyunan nila sa New York.
Ironically, may 'Santa' ang apelido niya--Santa Maria, at ayon sa mga magulang niyang kasalukuyang abala sa pagku-cruise ay kinuha ang pangalan niyang Crexus sa katagang Christmas, just because he was born on Christmas f*cking day! What a no-brainer. If people would ask him why he hated Christmas, isa lang ang sagot niya: Just because. Walang karumaldumal na pangyayari sa buhay niya ang ugat kung bakit ayaw niya sa pasko. Christmas was not his season. That's all.
Napahugot siya ng malalim na paghinga. Sino'ng niloko niya? Okay, maybe because Christmas was cold for him. Mahabang panahon ng taglamig. Noong bata pa siya ay ginugugol niya ang buong buwan ng Disyembre sa loob ng kanyang kuwarto, nagkukulong habang nangangaligkig sa lamig. He was cold and was so hungry for affection.
His parents seemed not to care about him. Ni hindi niya maalala kung nayapos ba siya ng mga magulang noong bata pa siya. Touch was an unusual thing for them. Nag-iisa siyang anak subalit walang panahon sa kanya ang mga magulang. Ipinanganak lang yata siya para may solong tagapagmana ang mga ito at hindi mapunta sa wala ang perang halos sambahin na ng mga magulang.
The Santa Maria's were rich, they had a 3-storey mansion yet the corridors were freezing and the halls were empty. Itinuro sa kanya ng mga magulang na sobrang importante ng pera at kapangyarihan. They said gold wins the war everytime.
And of course, because Christmas reminded him so much of a woman...
Ipinilig niya ang ulo upang alisin sa gunita ang imahe ng babae. "What are the stupid bells for?" he asked through clenched teeth. "At sino ang nagsulat ng Christmas greeting na iyan?"
Walang may nagsalita kaya kinailangan pa niyang ipukpok ang kamay sa pinakamalapit na desk. "Lahat kayo mga pipi? Answer me!"
"S-sir, ano kasi... m-malapit na pong mag-pasko. Christmas n-na po next month kaya... ahm... naisipin po naming magkabit ng kakaunting d-dekorasyon," pautal-utal na tugon ng isang naglakas-loob.
"I don't care and I don't do Christmas here! Kung hindi kayo sang-ayon sa mga patakaran ko, then you can start updating your resumes and get the f*ck out of here. Alisin at burahin n'yo ang mga iyan ngayon din. If I see one stupid bell or that foolish greeting before I leave the office tonight, lahat kayo mananagot sa akin!" he barked.
"Yes, Sir!" sabay-sabay na tugon ng lahat.
"Ahm, S-sir, excuse me po," nag-aalangang singit ng bagong HR Assistant. Namumutla ito at hindi siya matignan sa mata.
"What?" iritado niyang baling sa babae.
Inabot ng nanginginig nitong kamay ang dalawang piraso ng manipis na papel. "S-summon letter po mula sa labor. N-nagfile ng illegal termination si Mr. Dizon, ang nasisanteng payroll specialist--"
Pinukol niya ng matalim na tingin ang babae. Kilala niya si Dizon. Ito ang payroll specialist na sinisante niya bago si Lozana. "What am I supposed to do with that?"
"Ah, ano, Sir..."
"What?" istrikto niyang tanong.
Nagyuko ng ulo ang babae at kinutkot ang kuko. The gesture irritated him more. It annoyed him as f*ck. Gusto niyang hilahin at talian ng lubid ang kamay ng babaeng hindi makaimik para matigil lang iyon sa paggalaw.
He groaned, pissed-off. "Dalhin mo iyan sa Director ng HR unit and re-orient yourself with the rules and procedures!"
"Y-yes, Sir! S-sorry po. Sorry po talag--"
Sino si Santa Claus ang tanong sa akin ng aming bunso na naglalambing. Bakit pasko lamang naming kapiling at nagmamahal sa amin. Pakinggan mo bunso nang malaman mo si Santa Claus ay laging naririto--
Namutla ang kaharap. Mabilis nitong dinama ang bulsa ng suot na slacks at mabilis pa sa kidlat na in-off ang cellphone. "Sir, pasensya po!"
Naningkit ang kanyang mga mata. Christmas song ang ringtone nito? What the f*ck! "Umalis ka sa harapan ko. Ngayon din!"
Tumalima ang HR Assistant at halos madapa sa pagtakbo palayo.
Tumalikod siya at nag-iwan ng takot at pangamba sa puso ng mga naroroon. Dumerecho siya sa executive room at tinanaw ang 201 file ni Frederick Tuason na nakalapag sa lamesa. Gumalaw ang panga niya. Katulad ng pasko, malamig din ang puso ni Crexus. Pagbabayarin niya ang matanda sa kasalanan nito. Marami na itong utang sa kanya.

Possessive 1: ENSLAVED (PUBLISHED - Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon