Crexus stripped off his white dress shirt and strode into his spacious walk-in closet. Nasa adjoining room iyon ng kanyang executive office. The cool, mosaic walls of the room welcomed him. Nakalinya sa kanan ang kanyang formal coats and polo shirts na inayos sa magkakaparehong klase at kulay. Sa isang malaking drawer ay iba't-ibang disenyo ng kurbata. Sa ibabang eskaparate ay mga sapatos niya at sa salaming eskaparateng nasa pinakagitna ng silid ay naka-display ang iba't ibang mamahaling relo.
Tinapunan niya ng tingin ang gusot sa pupulsuhan at muling sumimangot. He hated the tiny crease. Kung tutuusin ay hindi naman siya inaano ng maliit na gusot at halos hindi na nga mahahalata iyon. Pero naiinis pa rin siya.
Hinubad ni Crexus ang damit at maayos na tinupi bago inilapag sa laundry bin sa isang tabi. Inabot niya ang naka-hanger na kulay puting polo shirt at isinuot iyon. Ah, better. Clean and crease-free. He stalked out of the room and into the kitchenette. Kumuha siya ng whiskey at nagsalin sa mababang baso bago bumalik sa executive desk. Hanggang isang baso lang ang limitasyon niya. One glass. Period.
He quit drinking too much three years ago. The last time he drowned himself in alcohol, he wound up naked next to a woman in bed. Ang mga sumunod na pangyayari ay naging napakabilis para sa kanya. One minute, this woman was sprawled naked on the bed, the next minute she was gone. Forever. Hindi niya alam kung ikatutuwa niya iyon o ano. Halu-halo ang emosyong dumaloy sa dibdib niya.
Napabuga siya ng hangin at sinimsim ang alak.
May pagkakataon bang naging mabait si Crexus Santa Maria? May isang yugto naman ng buhay niya na lumambot ang kanyang puso. Three years ago, he started to care for someone. A woman. Kay Heliconia Tuason. Yes, Heliconia was the daughter of Frederick Tuason but she was also the love of his life. Nakilala niya ito sa advance Christmas celebration ng SMCE na ginanap sa unang araw ng Disyembre. May aasikasuhin ang ama niya sa U.S. kaya in-advance nito ang selebrasyon para sa pasko.
Crexus fell in love with her the moment their eyes met. Sa unang segundo palang ng pagtatagpo ng kanilang mga mata ay kakaiba na kaagad ang nadama niya para rito. He knew the moment he looked her in the eye that she wasn't going to be just a passing fancy. There was something in her russet eyes--a special glow. He saw a drizzle of naughtiness and a touch of sweetness in her eyes.
Sui generis!
The woman was standing next to an enormous 12 ft. Christmas tree, tilting her head up so she could see the giant star on top. She was just so elegant and eloquent. Auburn hair tied up in a loose bun with soft strands hanging at each side of her heart-shaped face. Skin so pinkish and glowing. White gold necklace embracing the woman's delicate neck and the subsued light in her teardrop pendant shone against her chest. Nakahantad din ang kurba ng maganda nitong katawan dahil sa suot na pulang night gown na hapit sa katawan. Her legs beneath the soft fabric would be slim and milky and flow like forever. Mahahabang binti na nagtatapos sa isang pares ng black strappy heels.
Hindi na niya pinakawalan si Heliconia matapos niyang makipagkilala rito. The strong emotion he felt for her at first sight was too special to just ignore. Whirlwind ang nangyari. Walang ligawan, basta na lang nagkaintindihan. He was happy all because of Heliconia, his sweetest flower. Pero sa lahat ng kuwento hindi mawawala ang kontrabida at sa kaso nila, si Belladonna Tuason iyon, Heliconia's evil twin sister. Kagaya ng bulaklak na Belladonna ay nagtataglay din ng lason ang dalaga. Lasong mabangis at nakamamatay. He was poisoned by her and her poison stayed forever in his bloodstreams. And there's no cure for it.
"Daddy is marrying her off to Yarrick, a family friend. Don't worry, he's a good man. Sigurado akong hindi niya pababayaan si Coni." Dinig pa rin ni Crexus ang litanya ni Belladonna na tila kasasabi lang nito iyon sa kanya kahit na ang totoo'y tatlong taon na ang lumipas.
Kumuyom ang kamay niya. Tinanong niya si Belladonna kung bakit gustong ipakasal ng ama nito si Heliconia sa lalaking sinasabi nito. "Because I asked for it. I want you for myself, Crexus. Sa akin ka. Hindi ka puwedeng mapunta sa iba kahit na sa kakambal ko pa at nakahanda akong gawin ang kahit na ano makuha ka lang. Aagawin kita sa kanya." Her eyes were dreamy, sparkling even. Titig na titig ito sa kanya na tila nangangarap ng kaharap. Alam niyang may gusto sa kanya si Bella. Halatang-halata iyon sa awtomatiko nitong pamumula tuwing mapapatingin siya rito. Akala niya ay harmless crush lang iyon, hanggang sa naging agresibo na ito sa layuning paghiwalayin sila ni Coni.
And the witch succeeded.
Napahigpit ang hawak ni Crexus sa baso ng alak. Nang mga panahong iyon ay ang ama niya pa ang may hawak sa kompanya at kaibigan nito si Frederick Tuason. Sinubukan niyang itanan si Heliconia pero hindi maganda ang kinalabasan n'un. Dumiin ang pagkakakuyom niya sa kamaong nakapatong sa armrest ng upuan, tagusan ang tingin sa salaming pader na nakamasid sa siyudad. The city lights disappeared as his mind dwelled back in time, three years ago on Christmas eve...
"Coni, hindi ka puwedeng magpakasal sa iba! I'll fight for you! For us!" Kausap niya ang nobya sa telepono. Dama niya ang tensiyong gumagapang sa leeg at panga niya.
Hindi kaagad tumugon ang dalaga. Bumuntong-hininga muna ito. Mahaba at mabigat. It scared the f*ck out of him. His throat constricted and his grip tightened around the phone. "Please, don't break up with me. Not because of this. Not ever! I won't let you! We'll get through this, trust me."
"I-I don't know, Crex..."
F*ck, the woman sounded unsure, confused and scared. He was sure her voice broke. Hindi niya alam kung anong pananakot ang ginawa rito ng ama at ng kakambal. "No, Con. We're not ending us. Hindi ako papayag. I know this isn't easy. Pero, pakiusap, huwag mo naman akong sukuan," samo niya. "I will protect you from them, from anything. There is nothing you have to be afraid of. Nandito lang ako."
"Pero si Bella... mahal ka niya. Lagi siyang umiiyak. Lagi niyang sinasabi sa akin kung gaano ka niya kamahal. Kung ano ang kaya niyang isakripisyo para sa 'yo... Hindi ko alam kung kaya ko siyang saktan... She's my twin."
"I don't care, Con!" Halos mapudpod ang bagang niya sa pagkikiskisan. Tukod langit ang pagkamuhi niya kay Belladonna dahil sa ginagawa nitong panggugulo sa relasyon nila ng nobya. Bella was so desperate. She cried, begged, and stalked him like a fool. Hindi nito matanggap na si Heliconia ang gusto niya. "Wala akong gusto sa kakambal mo. Ikaw ang gusto kong makasama. Ikaw."
Isang buntong-hininga ulit ang narinig niya sa kabilang linya.
"Magkita tayo. Itatanan kita. If I have to marry you now, gagawin ko. I will marry you. Be my wife, Heliconia." Crexus fisted his already tousled hair. Ilang daang beses na niyang pinaraanan ng mga daliri ang magulong buhok. "Kapag kasal na tayo, wala na ring magagawa ang daddy mo."
"O-okay..." sang-ayon ni Heliconia matapos ang mahabang sandaling pananahimik.
Nabunutan siya ng tinik. Tinapunan niya ng tingin ang orasang nakasabit sa pader. It's 10 minutes past 12 midnight. "Magkita tayo ngayon. Remember our rest house in Tagaytay? I'll meet you there. Ako na ang bahala sa lahat." Solo nila ang rest house dahil umuuwi sa pamilya nito si Nanay Lucing, ang caretaker nila tuwing pasko. Nadala na niya minsan doon ang nobya para daluhan ang kaarawan ng matanda na hindi na iba sa kanya.
"N-natatakot ako, Crex..." she croaked.
"Shhh, don't be. I won't let anything or anyone ruin us, I promise you that," determinado niyang sambit.
"Sige," she sighed. "I'll see you in a while."
"Thank God. Drive safely."
"I will, thanks. You, too. Ibababa ko na 'to. Baka magising pa si Daddy at Bella."
"Wait! Con, hihintayin kita."
"Dadating ako."
He waited. Waited for hours. Naubos na niya ang tatlong bote ng alak pero wala pa rin si Heliconia. He was beginning to think na naharang ito ng ama at kakambal. "Damn it!" he cursed. Tinabig niya ang mga boteng nakapatong sa kitchen island. Gumulong ang mga iyon sa lamesa bago tuluyang nahulog at nabasag. Nagkalat ang mga bubog sa sahig.
Tumayo si Crexus para lumabas ng rest house. Susugod siya sa bahay ng mga Tuason. Kukunin niya si Heliconia kahit sapilitan pa. Pagtayo niya ay bumagsak din siya uli sa upuan. "Fuck beers." Naparami ang nainom niya. He really needed to stop drinking beer whenever he was tense. Walang naidudulot na maganda katulad na lang ngayon, paano siya susugod sa bahay ng mga Tuason kung ni hindi siya makatayo nang tuwid? Nanlalabo na din ang paningin niya.
He groaned. Nangangapang tinungo niya ang silid. He will rest a little, tapos ay magkakape siya para mahimasmasan. Hinubad niya ang T-shirt at inihagis sa couch bago walang ingat na inilatag ang katawan sa malaking kama. Wala pang tatlong minuto niyang nailalapat ang likod sa higaan ay umawang na ang pinto. He squinted his eyes. Madilim sa loob ng kuwarto at tanging liwanag mula sa bilog na buwang nakasilip sa awang ng bintana ang nagsisilbing ilaw kaya hindi niya maaninag ang mukha ng pigurang nakatayo sa pintuan ngayon. He could only see the small yet curvy figure of a woman and the flimsy fabric that clung to her curves.
Hinila niya ang sarili paupo at isinandal ang likod sa headboard. "Heliconia?" He opened his arms urging her to come to him. "You came..."
Tumikhim ang babae. "Y-yes." Pumiyok ito at halata ang bahagyang panginginig. "O-oo, nandito na ako."
Nangunot ang noo niya pagkarinig sa boses nito. Her voice sounded different. Mas magaan, mas kahalihalina. "I knew you would..." sambit niya, itinataboy ang isang bagay na nagsusumiksik sa likod ng utak niya.
Nang ipaloob nito ang maliit na katawan sa nakabuka niyang mga braso ay kakaibang init ang nadama niya. Tuluyan na niyang binalewala ang pag-aalinlangan. Her kind of warmth was tempting. Init na humihikayat sa kanyang lalo pang tuklasin ang hiwaga nito. Her scent was also different--cocktail and sweet appetizers.
Nahibang na siya at nawalan ng kontrol sa sarili. He wanted to consume her and consume her he did. Sinakop ng mainit niyang palad ang batok ng dalaga kasabay ng pagbaba ng kanyang labi sa labi nito. He groaned. God, the woman tasted sweet. Her tongue tasted clean and candy sweet, urging him to suck the wetness of it. Napaungol siya. Malakas ang pagpulso ng mga ugat niya sa katawan na ang babaeng kapiling ang hinihiyaw. Nilaliman niya pa lalo ang halik...
BINABASA MO ANG
Possessive 1: ENSLAVED (PUBLISHED - Bookware)
Romance**⚠️PREVIEW ONLY⚠️. Full story is available at shopee.ph, lazada, ebookware.ph, bookwarepublishing.com, NBS, Expressions, and Pandayan** Three years ago on Christmas Eve, ibinigay ni Belladonna ang buong puso at katawan kay Crexus Santa Maria. Pero...