CHAPTER 15

1.6K 51 9
                                    

A/N: Natakot ako sa banta ni @PenNigthDreamer hehehehe….

Papatayin daw ako ni Papa Zeal a.k.a ZERO pag hindi ko itinuloy to…

Kaya naman ang imagination ko lumipad… naloka ako sayo...

MARAMING THANK YOU PO SA MGA NAGBIGAY NG NUMBER NILA....

Ito na nga…

CHAPTER 15:

Baby Zero’s POV:

“Bakit nagsinungaling ka sa amin na wala kang naaalala. Bakit ka nagpapanggap?” I said to ate Azumi.

Nanlaki ang mga mata nya…

And I know she will deny it…

Pero alam ko na ang katotohanan…umpisa pa lang…

Pano ko yon nagawa? E kasi sabi ni author eh… (HEHEHEHE LOKONG BATA TO AH)

Alam ko na ang katotohanan nang nasa ospital pa lang sya…

“What are you saying?” she asked.

“Don’t deny it”

“What is your proof kung bakit mo nasasabi yan?” she asked.

“First nong nasa hospital tayo you mess my hair, kung totoo ngang may amnesia ka hindi mo yon gagawin instead tatanungin mo kung sino ako… but bigla mo lang yong naalala nang matapos mong guluhin ang buhok ko”

She smiled… “I found you so cute so I just want to annoy you kahit hindi pa kita kilala”

“Second, when I said about my information to that amnesia thing, hindi ka nagulat” isaid at nanlaki ulit ang mata nya sa gulat.

“Ang mga karaniwang tao magugulat sa sinasabi ng isang tulad ko na 3 year old lang… pero ikaw hindi ka man lang nabigla sa pinagsasabi ko tungkol don…Tell me why you did that? Bakit ka nagsinungaling sa amin? Bakit ka nagpanggap na may amnesia ka?” I said in my serious tone and expression because I really wanna know kung bakit sya nangpapanggap.

Nag-alis sya ng tingin sa akin at tumingin sa malayo.

Alam kong hindi nya sasabihin kaya pipilitin ko na sya.

“Wag na wag kang magsisinungaling sa akin Ate Azumi kung ayaw mong magsumbong ako kay Papa”

Hindi pa rin sya tumitingin sa akin.

“Nang araw na dinala nya ako sa ospital to see you, meron syang hidden agenda.

Ang malaman kung nagsisinungaling ka… pag-uwi namin he asked me about you Ate and I lied to him na sa tingin ko meron ka ngang amnesia kahit na alam kong nagpapanggap ka lang”

Tumingin sya sa akin at may namumuong likido sa mga mata nya.

Ngayon ko lang syang nakitang ganito.

“Ang rason kung bakit nagpanggap akong may amnesia ako ay dahil hindi ko kayang patayin si Whirl” she said in a mellow and sad tone.

Then yumuko na sya…

Ramdam kong pinipigilan nyang umiyak…

Ayoko na may isang taong malapit sa akin na umiiyak…

Nakakaawa sya.

“I can’t kill him because… I love him”

Ano daw?

“I love him Zero…” niyakap na ako ni Ate Azumi at nagsimula na syang humagulgul…

I FALL IN LOVE WITH THE KILLER (BOOK 3)Where stories live. Discover now