Chapter 1

902 6 0
                                    

Thyia POV

Student 1: Omg andyan na si Thyia..

Student 2: Oy tumabi kayo diyan dadaan si Ms. Thyia.

Napayuko na lang ako habang naglalakad pa-pasok ng Academy. Lagi na lang ganto yung eksena tuwing papasok sa Academy. Mag bubulungan sila pero ang lakas naman kala mo di ko talaga naririnig.

Student 3: Hay nako andito na naman yung pabida.

Student 4: Oo nga! Sikat lang naman siya kasi kilala yung pamilya nila.

At syempre hinding hindi mawawala ang mga improkritang mga bashers at judgemental na akala mo talaga kilalang kilala kana nila. Kaya ayokong ginagamit ang surname ko na Monroe dahil alam ko na ipang ja-judge lang nila to sakin. Na porke galing ako sa sikat na pamilya kaya ako nakapasok dito, na wala naman talaga akong skills na kahit ano.

Napa-ilag ako at sabay na ipinang atake ko ang kaliwa kong kamay ng maramdaman ko na may aatake saakin ng patalikod. Agad siyang natumba ng bigla kong mahila ang kamay na pinang atake niya.

At sa gulat ko kung sino ito. Si Wynn pala. Muntikan ko na siyang mapuruhan kung di ko lang nakita ang muka niya. Agad siyang tumayo at itinaas ang dalawang kamay na parang susurrender na. Gusto kong matawa sa reaction niya.

*chuckled*

Si Wynn ay ang best friend ko. Childhood neighborhood ko siya. Sobrang puti niya na akala mo isa na siyang living vampire. Minsan nga tinanong ko siya kung anong gamit niyang pang-paputi. Ang sagot niya sakin wala daw sa genes lang daw nila.

"Thy surrender na ko!"

"Baliw ka talaga! bakit ka ba kasi nanunugod diyan?"

"Wala lang.. namiss lang kita. Ang tagal din kasi ng sembreak tapos wala pa ko diyan sa bahay kasi nasa Campbridge kaming buong pamilya."

"Sus! Ang sabihin mo lang gusto mo lang ako mainis."

"Hindi ah! Gusto ko lang subukan yung lakas mo para mapa-nganga yang mga fans mo.."

Hinampas ko tuloy siya sa ulo dahil sa sinabi niya. Minsan talaga di ko na alam kung anong totoo sa mga sinasabi niya.

"Ewan ko sayo. Sa susunod na gawin mo sakin yan pupuruhan na kita. Na iintindihan mo?"

"Yes Ma'am!" Sabay salute niya pa sakin na akala mo talaga susundin yung sinabi ko. Alam ko naman na uulitan niya ulit yun. At paulit ulit ko din na sinasabi na lalakas ko na talaga ang pag ganti sakanya.. pero din ko naman talaga magawa. Best friend ko eh..

Napalingon naman ako sa likod niya.

"Ano tapos na ba kayo diyan?" *poker face look*

Hala andito pala si Zillah. Di ko man lang napansin. Ang liit kasi niya. *chuckled* may kasabihan ang marami sakanya. "Small but terrible" Sa liit niyang iyan pero ang lakas niyang manuntok na tipong ang pinaka malaki na tao dito sa Academy napatumba niya. Siya naman naging kaibigan ko dito sa Academy nung una ko palang na pasok. Magka-iba kasi kami ng classroom ni Wynn kaya si Zi ang lagi kong kasama.

Bigla akong lumapit sakanya at kinurot yung dalawang pisngi niya.

"Ang cuteeee cute mo talaga Zi! Wag ka na mag poker face diyan. Di talaga kita napansin kasi ang tangkad ni Wynn eh. Hehe."

"Ano ba! Wag mo kong kurutin. Di ako cute. At alam ko naman na kaya mo ko di nakita hindi dahil kay Wynn. Tss. Nambola ka pa."

"Sorry na.. *aegyo aegyo* hm? hm? Bati na tayo?"

The Half HumansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon