I. The Proposal

5 2 0
                                    

Mimi's POV

"Bwiset ka talaga Gab!! Humanda ka takaga sakin pag nahuli kita!!" sigaw ko sakanya

"Bakit mahuhuli mo ba ako? Habulin mo ako!!" Sagot naman niya na may kasama pang tawa.

Tumigil na ako kakatakbo at umupo na lang dito sa mga damo. Napagod na ako kakahabol sakanya, bakit ba kasi ayaw pa niya ibigay yung phone ko? Sinabi ko na sakanya na wala ako sa mood makipagkasatan sakanya eh. Atsaka ang tatanda na namin hindi na kami mga bata tulad ng dati.

"Hoy! Ano na?! Pagod ka na agad, ang weak mo naman!" Sigaw niya sa akin mula sa malayong distansya.

"Tumigil ka na nga dyan! Pawis ka na oh! Kumain na tayo dito! Akin na 'yang phone ko, wala kang makikita dyan!" Sabi ko.

Tumakbo na siya papalapit sa akin.

"Tingnan mo nga pawis na pawis ka na!" sabi ko at sabay binato ko siya ng bimpo.

"Ang sweet sweet mo talagaaaaa!!!" Bigla niyang kinurot yung pisngi ko.

"Aray!!! hanggang ngayon ba naman pisnge ko pa din ang trip mo ha!?" singhal ko sakanya.

Pinalamanan ko na din yung tinapay ng paborito niyang peanut butter at inabot ko na sakanya. Inabutan ko na din siya ng juice.

"Oo naman! Kahit pa ganito na edad natin, 'yang baba, noo, pisnge mo pa din ang favorite kong pagtripan!" sagot niya habang tumatawa

"Bwiset ka talaga kahit kailan! Teka, asan na ba yung girlfriend mo ha?! at ano ba yung sasabihin niyong importante at ganito ang set up ng garden niyo at may pa picnic effect pa ha?!" tanong ko habang kumakagat sa tinapay.

"Paparating na daw siya! Medyo natraffic lang daw. By the way, nagustuhan mo ba 'tong ayos ng garden? Maganda ba? Hindi ba OA?" sunod sunod niyang tanong sakin habang nakatingin sakin.

"Oo maganda naman, bakit ba may pa ganito kang arte ha?! pinahirapan mo nanaman sila Yaya Maring para ayusin 'to no?"
sakto naman na dating nila Yaya Maring at iba pang katulong upang ligpitin yung pinagkainan namin ni Gab. Tumayo na kami ni Gab at naglakad papunta sa bench nila dito sa garden ng bahay nila.

Nakasuot ako ng isang sleeveless white long back dress. Si Gab ang nagpasuot sakin neto, dapat daw paghandaan 'tong araw na 'to dahil isa daw 'to sa pinakamasayang araw ng buhay niya at gusto daw niya maging parte ako neto.

Ang ganda ganda ng set up ng garden nila ngayon, may mga ilaw na nakikita na dahil sa palubog na ang araw. May mga rose petals na nakakalat sa bermuda grass nila. 'Yung pool may mga sunflowers na nakalutang. May nakahanda din na Screen at projector. Hindi ko alam kung para saan ang mga 'yan.

"Hoy anong pinahirapan, excuse me hindi sila ang gumawa neto. Naghire pa ako ng mga event oraganizers para ayusin 'yan! Gusto kong maging memorable 'tong araw na 'to!" Paliwanag naman niya.

"Teka nga, ano bang meron ha? at bakit pormang porma ka at sobrang ganda ng ayos dito at pinagayos mo ako ng ganito?!" tanong ko.

"Aba ayaw mo ba niyang ayos mo na yan ha?! Nagmukha ka kayang babae at tao! Ang mahal mahal niyang suot mong dress ha! kaya wag ka ng choosy dyan!" sagot naman ni Gab.

Makikipag talo pa sana ako ng biglang may mga dumating.

Andito ang pamilya ni Gab kaya nag mano ako sa mommy at daddy ni Gab at pumwesto ako sa tabi nila dahil hindi ko alam kung ano talaga ang meron.

FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon