II. Wedding Preparation

2 0 0
                                    

Mimi's POV

"bakit bigla kang umalis noong isang linggo sa proposal ko kay Kyla? Hindi mo ba nagustuhan?" bungad ni Gab sakin.
Gusto kong sabihin na hindi ko nagustuhan. Hindi 'yung set up at decorations kundin iyong pagpopropose niya mismo.

"Bigla kasing may emergency sa condo kaya nagmadali ako, hindi na ako nakapagpaalam kasi lahat kayo busy e ayoko namang umepal at manira ng moment no." sagot ko naman.

Andito kami ngayon sa isang coffee shop upang paghandaan yung kasal na mangyayari. Gusto na nila irush yung kasal. Tss.

Bakit ako andito? kasi may kaibigan akong isang sikat na wedding organizer at gusto nila Gab na ako ang kumausap don. Gusto din nila na tumulong ako dahil maganda daw ang taste ko sa nga bagay bagay.

"Asan na ba yung soon-to-be bride?" tanong ni Rochel, yung wedding organizer.

Sakto namang bukas ng pinto ng coffee shop at dumating si Kyla.

"Sorry i'm late. May mineet akong client na may problem about their house. Sorry talaga" hingin paumanhin niya at tumabi na kay Gab.

"So uhm, what's the plan?" pagbasag ko sa katahimikan dahil wala ni isa ang nagsalita dala na rin siguro ng inis ni Rochel dahil sa paghihintay ng matagal.

Mabilis lumipas 'yung oras. Mahigit anim na oras din nilang pinagplanuhan lahat. Samantalang ako, sumasangayon na lang ako sa mga sinasabi nila.

Masakit kasi dapat ako 'yung kasama ni Gab sa pagbuo ng mga plano niya.
Sana ako 'yung makakasama niya panghabang buhay.
Sana ako yung hihintayin niya sa harap ng altar.
Sana ako yung papangakuan niya na mamahalin habang buhay sa harap ng Panginoon.

Pero hindi eh, ako lang naman 'tong isang kaibigan na palaging nandyan tuwing nasasaktan siya. Palaging nandyan kapag wala si Kyla sa tabi niya..

All settled na yung wedding nila. Masyado na nilan irarush yung kasal. Ganon ba nila kagustong saktan ako?

Sa San Agustin Church sila magpapakasal. Doon kami palaging nagsisimba ni Gab, parehas din kaming doon bininyagan. Ang sabi ni Gab napaka importante daw sakanya ng simbahan na 'yon kaya doon niya daw gusto pakasalan si Kyla.

Yung wedding gown ni Kyla, ang ganda. Ang bongga. Ang mahal. Ayaw nga ni Kyla pero pinilit siya ni Gab dahil daw gusto niya na maging memorable para kay Kyla ang araw na iyon.

All set na din ang isusuot naming mga abay. Maid of Honor ako, nagulat nga ako dahil pwede naman ang bestfriend ni Kyla pero ang sabi nila ayos lang daw yon dahil nakalagay na na ang bestfriend ni Kyla ay sa Bride's maid na lang.

Ang dami pa nilang pinagusapan tungkol sa kasal. Ready na ding ipamigay yung mga invitations, I already received mine.

Nag-ayang magdinner si Gab pero tumanggi na ako dahil kako pagod na ako pero ang totoo nasasaktan talaga ako na nakikita ko silang dalawa na masaya.

Hindi ko maiwasan isipin na sana ako 'yon. Sana ako 'yung babaeng kasama njya.

I love Gab for almost a decade. Pero bakit ang unfair? Bakit hindi pa din ako? Ano bang meron kay Kyla na wala ako?

Ayoko sanang mainggit pero hindi ko maiwasan. Masakit kasi e.

'Pag dating ko sa condo ay agad na ako humiga dala na din sa pagod....

Bago ako makatulog ay nakatanggao ako ng text message mula kay Gab. Sinasabi niya lang na magkakaroon daw bukas ng stag party sila at bridal shower naman si kyla.

FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon