Isa Pa

1 0 0
                                    

Ayokong gisingin ka sa iyong pagkakahimbing
Subalit eto ako at nanlalambing.
Hindi ko alam pero sana iyong magustuhan,
Sa kabila ng aking kagipitan
Sa mga tagalog na salitang iyong kinalakihan.

Ako yung tipo ng tao na hindi naniniwala sa pangalawang pagkakataon.
Pero ako mismo ang humingi nito ngayong taon.
Ewan ko ba, sa kabila ng paulit ulit kong paalala na wala na, na tapos na, na huwag ka ng umasa,
Ay eto ako at handa nanamang magpakatanga.

Isa pa, ang pilit kong paliwanag sa isipan ko na hindi na sigurado.
Isa nalang, ang kumbinsi ko sa sariling takot ng lumuha at makita ang mundo nya na muling gumuho.
Sinarado ko ang mundo ko at sinubukang magmahal ng ibang tao.
Ibang tao na inasahan kong magbabago, pero iba ang nangyari dahil puro pala sya baho.
Taong pinilit kong mahalin at minahal ko pero sa dulo konting labo lang ay bumigay sya at lumayo.

Noon naisip ko ang pamilyang kahit anong kasalanan ko ay hindi ako iniwan.
Nagdesisyon akong sa kanila na muna ako, at hnd na susuway kahit na kelan.
Alam mo yan, pero ayan ka at nakatayo sa harap ko na laging may ngiti sa'yong mga labi.
Sa pangalawang pagkakataon ay hindi nanaman kita maaaring sagutin,
Pero ayan ka taimtim naghihintay at nagmamahal sa akin.

Ngayon ay isa pa, bulong ko sa aking sarili nang araw na yon habang kausap ka sa telepono at nakahiga sa kama.
Pinatunayan mong ibang iba ka na nga.
Mas malakas, mas matapang, mas determinado.
Pinakita mong handa kang lumaban para sakin ng buong puso.

Oo na hindi na ako magaling tumula.
Pero ayokong sayangin ang pagkakataon, dahil mukang ngayon ko lang ito muling magagawa.
Hindi ako kung sinong artista, hindi ako maganda at hindi ko alam kung sa aking pagdaan ay may lumilingon ba.
Ordinaryong tao lang ako, nagkakamali at nasasaktan.
Nakakasakit din minsan.
Pero ayoko lang ng pagsisihan sa dulo ng istorya ko.

Naalala ko yung panahong binibigyan kita ng payo at pinapaalala ko ang pagtanggap ko sayo.
Na kung ano man ang kahinaan mo lahat yun ay tanggap ko.
Pero nang bgla kong sabhn na "Syempre, dahil ako ang girlfriend mo", ako mismo ang napatigil at napatango.
Tnanong ko sa sarili kung "ano nga ba ako sayo." Saan ako nakapwesto?
Pero di ko inaasahan ang isinagot mo, "asawa kita."
Sambit mo na nagdulot sakin ng saya.

Kailan man ay Hindi ko nakita ang sarili ko na lumalakad sa gitna ng pulang tela, Kahit minsan hindi ko pinangarap na magsuot ng damit pangkasal at magmukang tala sa mga mata nila, dahil noon hanggang pagguhit lang ang inaabot interes ko.
Pero ngayon namamangha padin ako, yun nga lang bigla akong napaisip kung "Babagay ba sakin to?" Oo totoo.

Hindi ko alam kung san patutungo ang paghihintay mo, kung paano magtatapos ang lahat ng planong iginuhit ko.
Pero sana sa kabila ng walang katiyakang bukas, ay wag kang bibitaw.
Oo hindi pa TAYO, Ikaw palang at Ako, pero IKAW ang dahilan kung bakit AKO nakangiti sa araw araw.
Aaminin kong may luhang kasama ang relasyong to, lahat naman pero, nais kong malaman mong sa buhay kong puno ng "Bakit?" at mga tanong, "Salamat sayo." dahil ikaw ang nagbigay linaw dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon