Wallet

1 0 0
                                    

"Zinn? Tulala ka na naman! Anong nangyari ba? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Dreko na hinampas pa ako ng mahina sa braso kaya napatingin ako sa kaniya. Kababalik lang niya dito sa bench at pawis na pawis siya. Naglalaro kasi siya ng basketball. Actually silang dalawa ni Deirin. Kalaro nila yun ibang kaklase ko. Si Rhea naman ay badminton.

Napara irap ako at bumuntong hininga bago sumagot. "Wala. Okay lang ako. Pagod lang siguro ito." Sabi ko nalang at nilagay na sa tenga ko ang headset kong nakasabit lang sa leeg ko.

Pagod ako sobra! Ikaw ba naman ay paglinisin ng principal ng dalawang abandonadong kwarto ay hindi ka mapapagod? Ako lang mag isa at napaka raming alikabok at mga basura. Parang sinalanta ng bagyo yung dalawang kwarto.

Kaya lang naman ako napagod kasi natanggap ko na yung punishment ko ng principal. Nalaman na din kasi nila na may color ang buhok dahil siguro ay nakita ako ng members ng mga SSG Officers.

At ang nangyari kahapon ay hindi ko pa nakwento sa mga kaibigan ko. Gusto nilang malaman kung ano ng nangyari sa buhok ko at hindi ko la tinatanggal at kung ano ba ang mga napag usapan namin nila daddy. Pero nagdadalawang isip pa 'ko kung dapat ko pa bang Ikwento sa kanila 'yon.

Ikwento ko pa ba? Baka naman matakot sila sa akin at layuan nila ako? Baka naman pandirihan nila ako? Pero natatakot ako! Nakakainis dahil ito lang ang problema kong hindi masabi sa kanila.

Tungkol sa ginawa ko kahapon ay siguro totoo ngang blue blood ako. Imbis na pula kasi ang dugong lumabas sa pulso ko non ay kulay blue pa. Hanggang ngayon gulat padin ako siyempre. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kapag nakakita ka ng blue na dugo diba?

Napapikit nalang ako at sumandal sa upuan. P.E nila ngayon at ako ay nagpapa hinga nalang dahil alam naman ng mga teacher ko na nakatanggap ako ng parusa galing sa principal. Alas dos na ako natapos sa paglilinis ko kanina. Gusto kong matulog pero paano? Gulong-gulo ang isip ko at makakatulog ba ako dito sa bench? Tsss!

Tungkol naman sa buhok ko ay hindi na yata mawawala ito. Gusto ko lang malaman ang lahat ng tungkol sa pagka tao ko pero sino ang sasagot sa akin diba? Wala naman masyadong alam si dad at mom sa blue blood.

Malamang ang makakasagot lang ng mga katanungan ko ay ang kauri ko. Pero paano ko sila makikita? Mahahanap?

Haaay! Saan ba sila nakatira? Saan ba yung lugar nila? Wala ba dito sa Pilipinas? Ang gulo! May sarili ba silang mundo? May nakakakilala ba sila bukod sa mga tribe na sinabi ni dad kahapon?

***************

Nung uwian na ay naisipan kong maglakad nalang since walking distance lang nama dito yung subdivision namin. Nag iingat lang talaga siguro sila mom kaya kumuha sila ng driver para sa akin.

Ayaw pa nga pumayag ni Manong Lorenzo kanina. Buti nalang at napapayag ko din siya bandang huli. Gusto pa ng nagpapapilit e.

Habang naglalakad ako ay hindi pa din mawala sa isip ko ang mga nangyare kahapon. Buong maghapon ay yon padin ang iniisip ko? Duh!

6 na ng hapon at madilim-dilim na din ang kalangitan. Soot-soot ang headset at hawak hawak ang strap ng bag na nakasabit sa dalawang balikat ko.

Nakapasok na ako ng subdivision namin at tanging bukas lang ay ang mga ilaw sa poste at tahimik na. Malamang ay nasa loob na ng mga bahay nila ang mga tao dito. Hindi naman kasi sila lumalabas ng gabi kaya tahimik.

Madadaanan muna ang basketball court bago sa bahay namin pero dalawang bahay pa muna ang madadaanan ko bago ang bahay namin.

Nang makadaan ako sa court ay may napansin akong matangkad na lalaki na nakatayo malapit sa ring. Malayo siya kaya hindi ko nakita ang mukha niya naka suot siya ng itim na coat. pero bigla akong kinalibutan. Tsk !

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blue BloodWhere stories live. Discover now