Chapter 4

8 0 0
                                    

Nawalan ako ng lakas para mag trabaho nag lalakad ako ngayon pauwi habang tulala sa ginawa nya sakin, hindi ko akalain na ang first kiss ko ay isang baliw and it feels so right why is that? Sa pag iisip ko hindi ko namalayan na nakabangga na pala ako.

"Sorry po sorry po hindi ko po sinasadya."

"Aba pre ayos to ah bebot, ang ganda ang kinis pa."

"Po? pasensya na po, alis na po ako."

"Miss san ka pupunta? Makipaglaro ka muna samin kahit sandali lang."

"Pasensya na po, pero nag mamadali po ako."

"Umayos ka miss kung ayaw mo masaktan, sumama ka ng matiwasay."

"Sinabing ayaw ko eh!"

Sa pag tabig ko ng kamay ng mamang lasing ay tumilapon silang dalawa sa puno, ano yun? ako ba yun? pano ko nagawa yun? Hindi ako yun lasing lang sila kaya na out of balance. Pero napaka layo naman ng napuntahan nila.

"Tangina kang babae ka gusto mo talaga masaktan."

"Hindi po, hindi ko po sinasadya, patawarin nyo na po ako."

"Sige hubaran mo pare dito na natin tirahin ang babaeng to."

"Bitawan nyo ko!!!!"

Bigla nalang nag liyab ang mga katawan ng mga lalaking kanina lang ay ng haharass sakin. Hindi, hindi ako ang may gawa neto, wala naman akong power, namamalikmata lang ako dahil sa mga pangyayari. Panaginip lang to, panaginip lang. Hanggang sa mawalan nako ng malay tao.

Uhmmm napaka lambot naman ng hinihigaan ko. ngayon lang ako nakahiga sa ganitong kalambot na higaan, malambot? Hindi banig? Holy shit asan ako hindi ko alam to!

"AHhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh Where am I?"

"Mia, Mia anong ngyari sayo?

"Rave? What are you doing here?"

Onti-onti na syang pumapasok sa kwarto at umupo sa gilid ng kama.

"This is my house and you're in my room."

"Bat andito ako anong ngyari kagabi."

"Ikaw dapat kong tanungin, I saw you last night unconscious on the street, what happened Mia? 

Hindi ako nanaginip totoong ngyari yung kagabe.

"Ah may kasama ba kong dalawang Mama kagabe."

"Anong sinasabi mo? Ikaw lang mag isa nakita ko wala nakong nakitang iba."

"How about mga nasusunog may nakita ka ba?"

"Ahh wala, ikaw lang talaga nakita ko."

"Hay thank you Lord, you look pale, okay ka lang ba Rave?"

"Ofcourse I am, mag pahinga ka pa, kailangan mo mag pahinga."

"Hindi pwede, hinahanap nako ng tiyahin ko at may pasok tayo mamaya, kailangan ko ng umuwi at isa pa nakakahiya na sayo, kakakilala lang natin puro problema na agad binigay ko sayo."

"You don't have to worry about it Mia, welcome ka sa bahay nato at pinag paalam nakita sa tiyahin mo at sa school na hindi tayo makakapasok."

"What?!!!!!!!!!! Sinabi mo sa tiyahin ko na nasainyo ako?"

"Ahm yes, why not. Sabi nga ng tita mo mag stay ka pa ng ilang araw dito okay lang daw."

"Ha totoo ba yan? Milagro ata yan."

"Yes totoo kaya kailangan mo na mag pahinga."

------------------- sa kabilang dako.

"Young Master, palakas na po ng palakas ang kapangyarihan ng itinakda, hindi pa po ba tayo gagawa ng hakbang para mapasa atin siya?" -Beta

"Hindi pa ito ang tamang panahon Beta, kailangan masanay nya muna ang kanyang kapangyarihan bago natin sya kunin sa mga Saga."

"Kayo po ang masusunod Young Master."

------------------

"Rave, anong balak mo? kelan mo balak sabihin sa itinakda? Kailangan na natin sya masanay sa nalalapit na pulang buwan!" -Joyce

"Silence Joyce! Nasa kabilang kwarto lang si Mia, tandaan mo isa syang bampira, may kakayahan syang mapakinggan ang sinasabi natin! Hindi ka ba nag iisip?!"

"May punto si Joyce, Sya ang susi sa tagumpay ng ating pamilya Rave, kailangan na natin sabihin sakanya ang katotohanan." -Joy

"Intindihin nyong lahat na sya ang aking kapareha! She's my mate! Sa tingin nyo ba okay lang sakin makita syang gulong gulo sa mga pangyayaring pag babago sakanya?!"

"Pero intindihin mo din sana ang kapakanan ng angkan natin Rave! -Aldrin

"Sasabihin ko din sakanya ang lahat, pero hindi ngayon hayaan nyo muna sya."

"This meeting is nonsense." -Joyce

"Bumaba na tayo sa sala at kakain na, pag tapos you're all dismissed."

-----------------------------------

Hays napaka sarap matulog sa malambot na kama at kaamoy pa ni papa Rave, Lord pwede nyo na po akong kunin ngayon natupad na po ang hiling ko.

(knock,knock)

"Sino yan?"

"Young Miss, kakain na po kailangan nyo na pong bumaba." 

"Ah sge susunod na po ako sa baba, salamat ho."

Mga katulong dito may pa young miss young miss pa hindi nila alam katulong din ako. Makapag hilamos na nga, kanina pa kumukulo yung tiyan ko. Napaka ganda naman ng bahay ni Rave puro mga sinaunang painting, sya lang ba nakatira dito?

"Young miss dito po ang sala."

"Nako ate, wag mo na akong tawaging young miss, katulong din po ako samin."

"Napaka bait nyo naman po pala, parehas po kayo ni Young Master."

Sinong young master? hayaan mo na nga gutom na gutom nako tanungin ko nalang si Rave mamaya. Holy cow ang dami pala namin akala ko kame lang dalawa ni Rave ang kakain.

"Goodafternoon po sainyong lahat, ako nga po pala si Louise, nice to meet you all."

"Young Master, sya po ba ang itinakda? Sobrang ganda nya, baka naman nag kamali ka lang at isa yang diwata."

"Ahh upo kana Mia, wag mo pansinin tong si Leo ngayon lang kase nakakita ng maganda."

Nahiya naman ako sa sinabi nung dalawa parang lalaki ulo ko dito. Nakita kong siniko ni Rave si Leo pero parang hindi naman kalakasan pero nag kanda pilipit si Leo sa sahig. Ang weweird ng tao dito what the hell.

"Nga pala Mia, si Joyce,Joy,Aldrin at Leo. Wala pa dito ang iba pero makikilala mo din sila soon."

"Ah nice to meet you all."

"Hindi nakapag tatakang na humaling sayo ang Young Master, ngayon lang ako nakakita ng napaka gandang bamsajfisafhhfas." -Aldrin

Hindi na natuloy ni Aldrin ang sasabihin nya dahil tinakpan ni Joy ang bibig nya.

"Pasensya kna sakanya Louise, ako lang kase ang maganda samin, siguro hindi nya akalain na meron pang mas maganda kesa sakin." -Joy

"Ahh okay lang, kain na tayo."

Lahat sila nakatingin sakin habang kumakain, sino ba naman hindi? Naka tatlong pinggan na ata ako ng kanin, hindi pa sana ako titigil ng makaamoy ako ng dugo.


----------------------


Red MoonWhere stories live. Discover now