Jethro's
"Dude tara na! Baka maubusan tayo ng babae" sigaw sakin ni Elydia nakakarindi talaga ang bangag na to.
"Manahimik ka nga Elydia, baka sipain kita dyan eh!.." sigaw ko rin sakanya at kunwaring susuntukin ko sya, umilag ang tanga.
"Dude, dito sa skwelahan ko marami ang magaganda kumpara sa Northeast Academy, hindi na ako maka paghintay na makita kang may babae hahahaaha" pang aasar nya sakin.
"Hindi ako interesado sa babae! Pumunta ako dito para maka iwas sa gulo! " iritang sigaw ko ulit...
"Kung sabagay kung doon ka nga naman sa Northeast Academy baka di ka maka graduate dahil sa mga kalokohan mo" sabi nya at linagok ang kape na kanina nya pa tinitingnan..
"Kaya ilayo mo ako sa mga babae, hindi ako interesado sakanila, sakit lang yan ng ulo.." Seryosong sabi ko sakanya..
Nasa Canteen kamii ngayon ng West Av. University, tama nga sya madaming magaganda dito..
"Dude ano ba yung pinag usapan nyo ni Calvin?" Bigla nyang tanong kaya naibuga ko saknya ang iniinom kong tubig..
"Tang ina naman dude! Umayos ka nga!" Inis nyang sigaw kaya sinamaan ko sya ng tingin..
"Bakit mo natanong?" Tanong ko rin sakanya..
"Eh mukhang wala ka namang plano na sabihin sakin kaya ako na nag tanong.." Sabi nya..
Tumingin tingin muna ako sa paligid kung may taong pwedeng makarinig sa amin, mabuti nga wala naman..
Flashbacks...
"Calvin bakit mo ako pinapunta dito?" Tanong ko sakanya habang nakatingin sya sa bintana..
"Dude may ipapagawa ako sayo, ayoko sana pero tang ina wala akong choice dahil kay Dad.." Sabi nya at napa sabunot sa buhok nya..
Sinabi nya sa akin kung ano ang gagawin ko, nung una nag dalawang isip ako dahil hindi ko kayang manakit ng babae, Oo babae..
Dahil may Mommy ako at Kapatid na babae pero wala akong magawa dahil may utang na loob ako sakanya..
"Sige dude, basta ito lang ha? Hindi ko pa naman kayang manakit ng babae pero sige para sayo, dahil may utang na loob din ako sayo.." Nag aalangan kong sabi sakanya..
"Salamat dude, oo yan lang talaga promise, pag nagawa mo yan hindi na kita gugulohin pa.." Sabi nya at sumalampak sa sofa..
End of flashbacks
"Pano yan dude? Mukhang mapapasubo ka sa babae ngayon ah.." Natatawang sabi ni Elydia..
"Oo nga e, gusto ko sanang mag back out kaso nakakahiya kay Calvin.." Sabi ko at napa buntong hininga naman ako.
"Btw sino ba yung babaeng tinutukoy nya?" Tanong nya ulit..
"Ang pagkaka alam ko ay Ex nya, pero hindi ako sigurado kasi madaming babae ang isang yun.." Sabi ko, wala akong ideya kung sino ang babaeng yun dahil hindi ko naman kilala, ang sabi sa akin ni Calvin pupuntahan nya daw ako kapag pwede ko nang simulan ang plano..
"Huh? Di ko gets, kung ex nya na bakit nya naman gagawin yon?" Nagtataka nyang tanong..
"Hindi ko nga rin alam di ba? Baka gusto nyang mg higanti?.."
Tumayo ako at pinag masdan ang mga studyanteng pumipila sa Canteen, nakuha ng atensyon ko ang babaeng parang wala sa sarili dahil muntikan na syang mabangga ng isang lalaki na naka suot ng jersey na pang Soccer..
BINABASA MO ANG
Eight Letters
RandomWho's gonna be the first to say goodbye? Spaces Between Us Keep getting deeper It's harder to reach you Even though i tried Spaces Between Us Hold all our secrets Leaving us speechless And i don't know why.. Spaces by: One Direction..