I grew up na mag-isa... Walang nanay,walang tatay. Ang tanging meron lang ako ay ang mga kasambahay namin na walang sawa saking gumagabay. Sila ang nagpalaki sakin since my parents died when I was 7 years old pa lang,because of a certain accident that happened. A certain accident,na ayaw ko ng mabalikan pa at higit sa lahat ayoko ng maalala.
Mula din nang mangyari yun,naranasan ko kung paano ba yung sinasabi nilang tunay na pangungulila. Pangungulila hindi dahil sa kawalan ng pagmamahal,kundi sa pagkawala ng taong minamahal...
Yeah, I know I still have my yayas by my side, but iba pa rin talaga kapag parents mo ang siya mong kasama. But then,let's all learn to move on, I thank God nga at hindi niya pa rin ako pinabayaan...He gave me these veey nice people around me,especially Yaya Mercy.
Si Yaya Mercy, siya yung tumayong panibagong nanay ko, sya ang madalas kong masabihan ng problema at siya rin ang lubos sa aking nakakakilala. Alam niya yan kapag malungkot ako,alam niya lagi kapag may ibang iniisip ako o tinatagong ilang mga bagay. Sa isang tingin lang.. alam niya na kung may nagpapasayang ibang tao sa buhay ko. Nariyan siya sa tuwing iiyak ako at lalo na sa tuwing masasaktan ako. Hindi man kami naging magkadugo,pero sa puso ko siya na ang tinuring kong bagong magulang ko, binigay niya sakin lahat lahat ng kailangan kong pagmamahal at pag-aaruga mula sa isang tunay na ina. Kung wala siya,sa tingin ko wala na rin ako at lalo na sa kung nasaan man ako ngayon. Kaya isa siya sa mga dakilang taong hindi ko kakayaning mawala sa buhay ko... Hinding hindi...
"Thea! Anak! Bumangon ka na dyan,kasi mamaya malate ka na naman,tapos sasabihin mo hindi kita ginising."pagsesermon na naman ni yaya habang inuuga uga ang buong katawan ko. Pero hindi ko yun inalintana,kinuha ko lang yung unan ko saka itinaklob sa buong mukha ko.
"Wait lang ya...5 minutes na lang babangon na talaga ako."
"Kanina pa yang 5minutes na yan ah! Kailan ba matatapos yan?! Ha?! Bumangon ka na! dahil kung hindi, sige ka! Baka talagang maalis ka na dyan sa trabaho mo."
"Haixt yaya naman e..."
"Eh totoo naman kasi...di ba sinabi mo nga? Nung nakaraan binalaan ka na nung boss mo?? Na isang late na lang ligwak ka na sa trabaho mo."
"I don't care sa kanya yaya,alisin nya ako kung aalisin nya ako.."
"Althea!!! Isa!"
"Haaay!! Naku naman talaga si yaya! eto na nga po oh, babangon na!"aburidong saad ko saka ginulo yung buhok ko. Bumangon lang naman na ako nun mula sa kama ko saka dumiretso na sa banyo upang maghilamos.
Haixt naku! Si yaya talaga...Minsan talaga mas OA pa siya sakin. Yung tipong tulad nito. For Her Information ah...ako naman yung mawawalan ng trabaho pag nalate ako eh...pero look ngayon! siya itong sobrang nagkakanda aligaga sa pagpapasok sa akin sa trabaho...
Hay naku! nastress tuloy yung gising ko. Pero di bale,kahit naman ganyan yan si yaya,na pinagbebreakfast ako ng sermon araw araw, palagi...mahal na mahal ko pa rin yan.
Pagbaba ko ng hagdan agad lang akong nagtungo sa may kusina. Naabutan ko lang dun yung mga nakahain ng pagkain sa table.
"Ano pang tinatayo mo dyan sa pintong bata ka! Umupo ka na dito! Bilisan mo ng kumain! Dali!!" pagmamadali niya pa sakin. Pero nanatili lang ako noon sa pwesto ko habang pinagmamasdan yung tumatanda ng mukha ni yaya.
Aixt! I can't really imagine, how the thigs went faster. Tandang tanda ko pa noong bata ako,kung gaano kaitim yung buhok niyang yan na animo ngayo'y nadampian na ng harina. Tanda ko pa yung walang kulubot niyang balat at yung pustura niya na wala pang salamin sa mata. Matagal na nga pala talaga yung lumipas na panahon, sobrang tagal na rin ang nakalipas...
Nagpakawala lang naman ako noon ng buntong hininga saka tinungo na yung isa sa mga upuan roon.
"Ya...bakit di nyo po kaya i-try minsan mag-vacation? Malaki na naman po ako at kaya ko na pong alagaan yung sarili ko...kaya wala po kayong dapat ipag-alala. Sige na ya...para naman po makapagrelax kayo kahit minsan lang, 18 years na rin po kaya mula nung puro ako na lang iniintindi nyo."
BINABASA MO ANG
The Shadow Behind Me
Short Story"A day without darkness is an awful life to be--" It is a risk to look back You will be dead if you step back... No matter how many times you run away and hide... It will keeps on following you from behind... You can't get away from everything... It...
