HEY! ako nga pala si CRISTA MENDOZA.
Transferee ako sa ******** University. Grabehan naman sila makatingin sakin. Sige ako na N-E-R-D. Ee sa ganito ko ee paki ba nila?! haist nakakawala naman sa mood! Ikaw ba naman tignan at pagbuong bulungan ee! Ansarap pag tatadyakan ee noh! pasalamat sila mabait ako!!
SHET! nadapa ako! may tumisod pala sakin! di ko nakita pano occupied masyado ung mind ko!! di ko tuloy napansin ung babaeng tumisod sakin. habang nakadapa ako! Narinig kong tinatawanan nila ko!
"HAHAHAHAHA!! TATANGA TANGA KASI! SA SUSUNOD MAG INGAT KA HA?! " sabi nung babaeng tumisod sakin sabay alis!
"Miss okay ka lang ba??" sabi ng lalaki habang tinatayo ako at inayos ung gamit kong nalaglag.
"okay lang ako. salamat. " sabi ako habang nakayuko.grabe kakahiya tlga!
"May sugat ka. Halika dadalhin kita sa clinic." sabay buhat sakin.
"Ahh hindi na. Okay lang ako pakibaba na lang ako."
"Sasamahan na lang kita sa clinic" sabi nya then binababa nya na ko.
Pagdating sa clinic.
"Sige na Mr. Medina pwede mo na syang iwan." sabi ng nurse sa clinic
"salamat nga pala" sabi ko dun sa lalaki.
"wala yun. sige na una na ko ahh" sabay alis ung lalaki.
nilagyan lang ng nurse ng gauze ung sugat ko then umalis na din ako. Pumunta na ko sa classroom ko.Umupo ako sa pinakasulok sa may likod. Sakto namang dumating naman ung teacher namin.
"GOOD MORNING CLASS"
"GOOD MORNING MISS SANTOS! " bati namin sa teacher namin.
lecture! lecture! lecture! wala akong maintindihan. pano kasi ung magaling kong utak iba iba iniisip!
alam nyo kung sino?? well sino pa edi ung lalaking nagdala sakin sa clinic! ang cute cute nya kasi ee. ambait pa :")) kinikilig tuloy ako! landi much :"))
*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGGG*
TOM'S POV
Paglabas n paglabas ko ng classroom nakita ko agad ung babaing tinulungan ko kanina! Bait ko noh pati nga ko nagtataka kong bakit ko tinulungan yun ee di naman tlga ko matulungin ee ewan ung paa ko kasi kusang naglakad dun ee naks! dami kong alam ee noh. siguro gusto kong maging kaibigan sya.
Anyways! Ako nga pala si TOM MARION MEDINA Heartrob ako dito sa campus namin! Well wag na kayong magtaka sabi ko naman sa inyo ee GWAPO ko. Yabang ee nuh! Well ganun tlga! :))
"Hi. papunta ka bang canteen?" sabi ko sa babaing tinulungan ko kanina.
"Ahh oo. Bakit?"
"Wala lang tara sabay na tayo."
CRISTA'S POV
Habang naglalakad kami papuntang canteen.ramdam na ramdam ko ung mga matang nakatingin sakin. Naririnig ko din ung mga bulungan nila tungkol sakin.
"THAT BITCH! look kasama nya si Tom! grrrrr!"
"ang landi naman nya tinulungan na nga sya di pa nakuntento!"
"hahaha di sila bagay parang beauty and the beast lang. kaso sya ung beast hindi si vince!"
"NERD na nga BITCH pa!"
"Wag mo na lang silang intindihin! Inggit lang ang mga yan kaya ganyan." sabi sakin ni Tom
"ahh okay."
-CANTEEN-
"Ahm anu gusto mo? " sabi nya.
"Carbonara na lang tska hot chocolate." sabay abot ko ng perang pambayad.
"Ahh wag na. treat ko na! "
"salamat "sabi ko habang nakayuko.
Pag kakuha ng order namin. Umupo na kami sa vacant table.
"Ano nga palang pangalan mo? " tanong nya sakin.
" Crista Mendoza. Ikaw? "
" Tom Marion Medina. "
Shet! ang awkward ang tahimik kasi ee. Wala na kasing nagsasalita samin ee.
" Tom sino sya pakilala mo naman kami sa kanya.Di ba girls?! hahahaha! " sabi nung girl 1
"Oo nga. Nag iba na pala ung taste mo sa babae ahh. " girl 2
"HAHAHAHAHA NERD NA PALA TIPO MO NGAYON AHH." sabay sabay nilang sabi.
" Sige una na ko ahh. salamat. " sabay alis.
Bumalik na agad ako sa classroom at umupo dun sa pinakasulok. tumungo na lang ako sa desk ko. Ansasama namn ng tao dito. porket ganito lang ako. haaaayyy! :(