Andtio ko ngayon sa may corridor ng campus namin di ako makauwi kasi umuulan pa ee. Hinihintay ko pang tumila ung ulan ee. I HATE RAIN hindi naman sa hate parang ayoko lang kasi pag umuulan di ko maiwasang maisip ung nakaraan.
FLASHBACK
Nag out of town kami. Papunta kaming Zambales. Overnight swimming kami dun ansaya saya pa namin nun. Ang sweet nga ng mga parents kinikilig nga ako sa kanila daig pa mga teen eh. Wala na akong mahihiling pa, the best sila para sakin. One and only child lang ako pero never kong naramdaman na nag iisa ako. Kahit na nag iisang anak lang ako kahit na wala akong kapatid okay lang sakin kasi palagi naman silang andyan.
Pauwi na kami pero wala pa rin kaming humpay sa pagkukulitan at pagtatawanan kahit na malakas na ang ulan tuloy tuloy pa rin kami di namin alintana ung malakas na ulan sa labas. Basta ang saya saya namin. Pero di ko alam na matatapos din pala ang kasayahang yun. Every happiness has it's ending. Nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ni mommy.
" BOOOOOOOOGSHHHHHH! " yan ang narinig ko na biglang yumanig sa buong pagkatao ko.
Hinagupit ng malaking truck ung sinasayan namin. Hindi ko alam na dito na matatapos ang lahat ng masasayang pangyayari sa buhay ko. Unti unti din nagdilim ang paligid ko. At isa lang ang alam ko wala na sila. Wala na kong mommy and daddy. Pero bakit nila ko iniwan dapat sinama na lang nila ko.
END OF FLASHBACK
Hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako. Di ko talaga maiwasan tuwing naiisip ko yun eh umiiyak at nalulungkot ako.
" Here! Dry your tears " habang inaabot ung panyo.
Inabot ko na lag ung panyo nang di lumilingon sa katabi ko. Pinunasan ko ang luha ko pero walang tigil pa rin sa pagtulo. Humihikbi na ko this time. Naramdaman ko naman na niyakap ako ung katabi ko para icomfort.
TOM'S POV
"It's okay. Everything gonna be fine" yan na lang ang nasabi ko kais di ko naman alam ung pinagdadaanan nya ee. Basa na din ang damit ko grabi naman to umiyak andami parang isang badle ( joke lang )
"Sorry nabasa ko pa tuloy ung damit mo." sabi nya.
" Hindi okay lang damit lang naman yan eh. "
" Sige na una na ko ha. salamat sa panyo pati na rin sa damit mong ginawa kong panyo. "
" Wait hahatid na kita. Baka hindi ka makauwi ng maayos sa lagay mong yan. "sabi ko habang hinahabol ko sya.
" Hindi wag na. "
" Okay lang wag ka na mahiya."
" Sige na nga. Ang kulet mo din eh noh."
CRISTA'S POV
Habang naglalakad kami sa hallway ramdam ko na maraming nakatingin samin. Umalis na kami ng campus. Tinuro ko sa kanya ung direction papunta sa bahay namin. Pagkatapos nun wala ng umimik. Hangang sa tumapat ako sa bahay namin.
" Salamat " sabi ko baba na sana ko pero hinawakan nya ung kamay ko at dahilan para mapalingon ako parang may spark akong naramdaman nung hinawakan nya ung kamay ko.
" Welcome." sabi nya sabay halik sa noo ko.
" Ingat sa pagdadrive mo ahh. Salamat ulit. " sabay baba ^_^