Thirty-one

18.4K 438 12
                                    

Thirty- one

Carla...

Hindi niya alam kung saan siya pupunta ng mga oras na iyon. Ngayon na niya gagawin ang plano niya. natawagan na niya si Issay na pupunta siya sa Paris kahit na hindi niya pa alam kung makakasama niya si Kyla sa pagpunta doon.

Hindi pa niya nakukuha ang visa nila ni Kyla, inayos niya iyon noong isang linggo kahit na hindi nga niya alam kung kasama niya si Kyla sa pag-alis sa Pilipinas.

Dala ang isang maliit na maleta niya nagpapalakad lakad siya sa kahabaan ng Edsa na hindi alam kung saan siya pupunta. May pera naman siya, nagwithdraw na siya ng pera niya kanina sa bangko na binuksan ni Jake para sa kanya.

Kumuha lang siya ng ilang libong piso para may panggastos siya habang hindi pa sila nakakaalis ni Kyla.

"Saan ako pupunta?"tanong niya sa sarili niya.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad niya. kanina pa sumasakit ang puson niya pati paa niya. sasabay pa yata ang mentration niya ngayon.

Sobra sobrang stress na ang nararamdaman niya ngayon. Stress sa paglalayas niya, alam niyang magagalit ang mga magulang niya sa ginawa niyang pag-alis ng walang paalam. Stress kasi wala siyang matuluyan, wala siyang makausap ngayon, namimiss na niya ang mga kaibigan niya. feeling niya inabanduna siya. Samantalang siya ang namili ng sitwasyon niya ngayon.

Stress kasi iniwanan niya si Jake.

Nang maalala niya si Jake napaiyak na naman siya. Simula ng umalis siya sa condo nila ni Jake, walang oras na hindi niya iniisip si Jake. kung ano ang mararamdaman nito kapag umalis na siya sa tabi nito. kung magagalit ba ito sa kanya kung sakali, kung masasaktan ba ito sa ginawa niya.

Para siyang tanga na naglalakad siya na umiiyak. Lalo pa pang sumakit ang puson niya na hindi na niya kinaya ang sakit.

"Miss okay ka lang?"nag-aalalang tanong sa kanya ng isang matandang babae.

"Hindi po, masakit po ang puson ko"mahina niyang sagot dito.

Bigla naman siyang nakaramdam ng mainit na likido na umagos mula sa pagkababae niya. alam niyang hindi iyon dala ng pagnanasa niya sa katawan o maging sa buwanang dalaw niya.

Unconsciously napayuko siya at tiningnan ang binti niya.

"Naku Diyos ko po, dinudugo ka hija"nag-aalalang turan ng matandang babae sa kanya.

Wala na siyang maalala simula sa mga oras na iyon, dahil ng makita niya ang dugong umaagos sa kanyang binti nawalan na siya ng malay.

Nagising siya na puro puti ang nakikita niya. nasa langit na ba siya at puro puti ang nakikita niya. Is she dead already?

"Carla, hija"nasagot ang tanong niya ng may nagsalita sa tabi niya.

Nang lingunin niya nakita niya ang mama ni Marco na si Tita Margaret ang nasa tabi niya at nag-aalalang nakatingin sa kanya. Naguguluhan na napaikot ang mata niya sa lugar kung nasaan siya.

Ang huling natatandaan niya naglalakad siya sa kalye, may tumulong sa kanya na matandang babae. Pero hindi niya maalala na dumating si Tita Margaret kanina.

"Are you okay hija?"nag-aalalang tanong sa kanya ni tita Margaret.

"Tita"medyo paos pa niyang tawag sa ginang.

"Anong gusto mo? May masakit ba sayo? Tell me hija"nag-aalalang tanong na naman nito sa kanya.

Umiling lang ito, bilang sagot sa lahat ng tanong nito sa kanya. tinangka niyang tumayo doon niya naramdaman ang sakit sa kamay niya maging ang pribadong parte ng katawan niya.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon