Thirty-three

20.1K 499 6
                                    

Thirty- three

Carla...

Biglaan ang pag-uwi nila sa Pilipinas, bigla kasing tumanggap ng trabaho si Issay sa Pilipinas sa LM Corp. bilang bagong image model ng kumpanya.

Hindi siya prepared, pero kailangan niyang harapin na ang mga magulang niya tutal nasa Pilipinas na din naman siya. Pero hanggang kaya niyang iwasan si Jake iiwasan muna niya ito, naiinis na naman kasi siya sa lalaking iyon.

Makabasa ba naman siya ng balita dito na nasa Palawan ito kasama si Stella. At ang sweet ng picture na nakita niya, mukhang nasa bakasyon ang mga ito. bigla niyang naisip kung ano ang ginagawa ng mga iyon sa Palawan.

Alangan namang magjack en poy ang mga ito sa Palawan hindi ba.

"Girl ang taray ng look mo"puna sa kanya ni Kyla.

Silang dalawa ang magkatabi sa eroplano, at nasa harapan nila sila Issay at ang mga anak nito. nasa likuran naman nila ang Nanay at mga kapatid ni Issay.

"Bakit?"takang tanong niya sa kaibigan.

"Well you look like a fierce women, parang si Anne Curtis sa movie na 'The Gifted' noong bumalik siya galing sa ibang bansa. Or like, the original wife na sasabak sa laban sa nahuling mistress ng asawa"kulang nalang masamid siya sa sinabi ng kaibigan niya.

Ang galing lang naman kasi nitong magformulate ng idea ngayon. Ang natatandaan niya Garmen Tech ang natapos nila at mga fashion guru sila ni Kyla bakit para writer ito ngayon ng Wattpad kung mag-isip.

"Pwede ba Kyla, you know naman na kailangan nating mag-ayos ng sarili natin. Una dahil tayo ang stylist ng top model ng Elena's Secret. Pangalawa we're the creator of CCM clothing. Kung anu-ano ang iniisip mo dyan"pagtataray niya sa kaibigan niya na nagkibit balikat lang bilang sagot sa kanya.

Natahimik na ito at hindi na siya pinansin pa, maging siya din ay hindi na kumibo. Sa totoo lang kahit na biglaan ang pag-uwi nila sa Pilipinas, hindi maitatago na pinaghandaan niya ang pagbabalik na ito sa Pilipinas.

Pagkasabi na pagkasabi ni Issay na babalik na sila ng Pilipinas, lihim siyang nag-ayos ng sarili niya sa agency ng malaman niya din dederetso na sila sa airport.

Laman ng isip niya si Jake, at ang pamilya niya sa buong biyahe nila pabalik ng Pilipinas.

Ni hindi nga niya nagawang matulog sa buong biyahe sa kakaisip niya sa mga ito at sa mga pwedeng mangyari sa dalawang linggo nila sa Pilipinas.

Bumilis ang pintig ng puso niya ng lumapag na ang eroplanong sinasakyan nila.

"At last were home"exaggerated na turan ni Lance habang nag-iinat pa ito ng mga kamay.

Ang mga kapatid lang yata ni Issay ang excited na makauwi sa Pilipinas, kasi maging ang mga kaibigan niya hindi mo malaman kung paano magrereact habang naglalakad sila palabas ng airport.

Hanggang sa naghiwa-hiwalay na silang magkakaibigan. Si Issay at ang mga kamag-anak nito ay sa hotel magstay samantalang si Kyla naman ay uuwi sa mga magulang nito. siya sinabi lang niyang uuwi siya sa pamilya niya pero sa totoo lang hindi niya alam kung saan siya magstay.

Dahil sa biglaan ang pag-uwi nila wala naman siyang dala na bagahe bukod sa dala niyang hand carry. Kaya naman dumeretso muna siya sa sementeryo para bisitahin ang anak niya.

Napangiti siya ng makita kung gaano kalinis ang puntod ng anak niya, mukhang inaalagaan ito ng mama ni Marco.

"Anak, nandito na si Mama. Namiss mo ba ako? Kasi ako miss na miss kita. Inalagaan ka ba ni lola Margaret?"kausap niya sa puntod ng anak.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon