Unang kabanata

12 0 0
                                    

Zac's POV

Kakalipat lang namin ng subdivision dito sa Arellano's Village. Napaka-presko ng hangin sapagkat pinalibutan ito ng mga puno ng acacia at mahogany. Ang laki, ang linis at hindi masyadong matao.

"Kuya let's play!" pangungulit ng bunso kong kapatid

Tinignan ko ulit ang paligid. May playground nga sa may bakanteng lote.

"Bukas na bunso, wag ng makulit okay?"pagpasang-ayon ko sa kanya

"Ngayon na kuya! I want now! Ang unfairrr!"pagdadabog niya

"Dany get inside. Ang dami pa nating lilinisin" sigaw ni mom

"Bukas na kasi. Promise!"  sabi ko na natatawa

"Mommy kasi eh" pagdadabog niya ulit.

Kung hindi talaga cute itong kapatid ko, tatanggihan ko talaga agad ito. Paano kasi, likas na sa amin ang kagwapuhan. Swerte talaga mapapangasawa ko.

Pumasok na agad ako sa loob dala ang mga bagahe. Mukhang mahaba-haba rin ang paglilinis namin ngayong araw na'to.

" Zac bili ka muna ng mainom sa labas at ice na rin. Ang init sa loob, ano ba'to" pag-aangal ni mom

"Hon relax, kami nalang ang bahala nito. Magpahinga ka muna sa taas" sabi ni dad

Lumabas na ako ng bahay kasi nila-langgam na ako sa sweetness ng parents ko. Nakaka-inggit.

Tumingin-tingin ako sa paligid at yun nga, nakita kung may 7/11 malapit sa park. Sosyal pala ang village na'to.

Habang naglalakad ako, napansin kong may isang bahay na abandonado. Luma na rin ang gate tapos ang dilim pa. Hindi ko namamalayan na huminto ako doon mismo sa harap ng bahay at what the f *ck is  that  thing! May naka red na babae at ang puti!

Nagmadali akong naglakad. Hindi naman sa natatakot ako pero baka mapansin ako ng multo sa loob at hindi ako tatantanan kasi baka ako lang ang nakakita. Yan kasi ang nakikita ko halos sa mga horror movies eh. Punyetang movies yan tinuturuan lang talaga ang mga manunuod na matakot sa sariling imahinasyon kaya ito tuloy ang resulta.

Hindi ko namalayan na nandito na ako sa loob ng 7/11. May ice ba dito?

Nilibot ko ang paningin ko at bumili nalang ng Coke at Sprite. Bumili na rin ako ng snacks para atleast may pulutan. Nagbayad na ako sa may cashier at lumabas.

Naalala ko ulit yung nasa loob ng bahay kanina. Tapos dalawa lang ang daanan dito. Yung isa hindi obvious na ang layo ng lalakarin ko. Yung isa rin malapit lang sa bahay pero madadaanan ang haunted house na yon. No choice ako kundi  lumiko baka mapasubo ako ng di oras.

Halos labing-limang minuto ang nilakad ko makarating sa bahay. Ba't kasi hindi nalang ako nag motor ang layo pa naman. Pumasok na ako sa loob at tapos na pala sila.

"Ba't ang tagal mo?" tanong ni mom

"Nilibot ko pa kasi ang subdivision. Hehe"

At nilagay ko nalang sa dining table para si mama nalang mag-asikaso. Ipinasok ko ang mga gamit ko sa loob ng kwarto. Simple lang hindi masyadong malaki at kunting arrangements nalang maaayos na'to.

Naalala ko naman yung bahay na yun. It really strange me out. Babae talaga yun eh. Kaya siguro...

Kant is calling you....

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon