Paalam??

81 1 0
                                    

PS: BASAHIN NYO PO. NAG EFFORT AKO DYAN. HIHI SALAMAT 😘💕
MAHAL PAALAM
Isang salitang kay hirap sambitin. Anim na letrang ayaw tanggapin.
Isang salitang nagsisimula sa letrang P at sa katanungang PAANO?
Paano mo naatim na ako'y iyong kalimutan?
Paano ako makakawala sa sumpang wala nang tayo?
Paano, na ang mundong ginagalawan nating dalawa ay biglang nagbago? Paano nangyari na ang ikaw at ako o ang tayo ay biglang naglaho? Paano? Paano tayo humantong sa ganito?
Kay sarap isipin ng mga masasaya't malulungkot na alaala nating dalawa, ang iyong pagtawa sa tuwing ako'y nagbibiro ng walang kwenta. Ang iyong pagngiti sa tuwing ako'y makikita. Sa bawat pagpikit ng aking mga mata, imahe mulang ang aking nakikita. Ang iyong mga mata, na kumakausap at nagmamakaawa na mahalin mo parin ako hanggang sa huli. Ang aking mga labi na kasing pula ng iyong mga pisngi tuwing sinasabi kong, tayo parin hanggang sa huli. Ansakit, ansakit lang isipin na ang mga pangako mo sakin ay imposible ng mangyari,
Pangako na sinabi mong hindi mapapako.
Pangako na hanggang pangako nalang.
Dahil kahit saang parte ng mundo mo pa ako hanapin, hinding-hindi na muling magkakatagpo ang mundong ating ginagalawan. Mahal? Kahit na wala nang ikaw at ako, tandaan mo. Mahal parin kita kahit mahirap na. mahal parin kita kahit hindi na kita maabot, mahal parin kita kahit ako'y nasasakta't nahihirapan na, mahal parin kita kahit sumuko ka na. Dahil mahal, Ikaw lang at wala ng iba kahit binitawan na natin ang salitang PAALAM. paalam, hindi dahil ayaw ko na kundi dahil wala kana. Subalit wag kang mag-alala, mamahalin parin kita kahit ikaw'y nasa KANYA na. Mahal, PAALAM at sa muli nating pagkikita.
Mahal paalam at malaya kana.
Malaya kana sa pangakong tayo hanggang sa huli.
Malaya kanang magmahal ng iba
Malaya kanang kalimutan ako para sa kanya.
Malaya kana pero mahal parin kita.
Malaya kana nyeta ka!

Destiny nga ba?? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon