Till We Meet Again

183 4 1
                                    

Ako si Kathryn Bernardo.  

26 years old at may asawa.  

Katabi ko siya ngayon dito sa hospital bed niya. Oo tama kayo ng nabasa. Nasa hospital siya ngayon. 

May sakit ang asawa ko. Leukemia. Magiisang taon narin siyang nakaratay sa kama nato. 

At alam kong hindi na siya magtatagal sa mundong ito.  

Tiningnan ko ang asawa kong payapang natutulog sa tabi ko.  

Kahit ang putla na niya napakagwapo parin niyang tingnan para sakin.  

Kahit kalbo na siya. Para sakin napakaperpekto niya parin.  

Dahan-dahan kong hinaplos ang mukha niya at dahil dun nagising siya.

" Nagising ba kita. Pasensya na , matulog kana ulit." mahina kong sabi sakanya. Ngumiti lang siya sakin.

" Ayoko na muna matulog. May sasabihin muna ako sayo." hindi ko alam pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

" S-sige. Ano yun?" hinawakan niya ang kamay ko at ininterwine sa kamay niya.

" Mahal kita Kath. " ngumiti ako at hinalikan siya sa noo.

" Mahal din kita Daniel."

" Pero hindi ko na kaya.. " naramdaman ko nagbabadya ng tumulo ang luha ko kaya iniwas ko ang tingin ko sakanya at tumingin sa kisame. " Tumingin ka sa mga mata ko Kath. "

" Ayoko Daniel. Hindi ko kaya. " hinawakan niya naman ang mukha ko at ibinaling sakanya.

" Gusto kong makita kung gaano kaganda ang babaeng iiwan ko sa lupa.. para magsisi akong iniwan ko siya. " dun na nagbagsakan ang luha ko.

" Daniel.. " pinunasan niya yung luha ko.

" Ssshh. Ako muna magsasalita ha? " tumango ako. Ngumiti naman siya. " 10 years ago,4th year highschool ako. May nakilala akong babae . Kathryn Bernardo ang pangalan niya, nakilala ko siya dahil kila Kats. Ang mga kaibigan ko.Sabi ko sa sarili ko ang ganda naman ng ngiti ng babaeng to. Nakakawala ng problema." ngumiti siya sakin at muling pinunasan ang luha ko. " Naging magkaibigan kami nung babaeng yun, naging bestfriend pa nga eh. At katulad ng ibang magbestfriend nagkahulugan kami ng loob nung babae nayun. Nung sinagot niya ko dun ko sinabi sa sarili ko na etong babaeng to ang ihaharap ko sa altar. " napangiti ako habang tumutulo ang mga luha. " Kagaya ng ibang relasyon, may mga times na nagaaway kami, nagseselosan, at kung ano-ano pa. Dumating pa sa puntong nagsawa kami sa isa't isa. Nagkahiwalay kami ng 1 taon. Pero siguro totoo nga yung sinabi nila na " If two people are meant to be together.  Eventually they'll find their way back.. Kasi 6 years ago nagkita ule kami. At dun na namin napagpatuloy ang aming lovestory. Mas naging matatag ang relasyon namin at umabot na nga sa kasalan. Nung araw ng kasal namin sobrang kabado ako. Naisip ko pano kung bigla siyang magback out at narealize niyang hindi niya ko mahal? Inasar pa ako ng mga kaibigan ko sa simbahan na hindi na daw siya darating kaya mas lumala ang kaba ko. Pero napawi ang lahat ng yon nung dumating ang bridal car niya. At nung oras na naglakad siya sa aisle kasama ng Daddy niya, sinabi ko ule sa sarili ko na ibibigay ko sa babaeng ito ang mundo. " hinalikan niya ko sa noo bago ipagpatuloy yung sinasabi niya. " Naging masaya ang pagsasama namin at sa loob ng 2 taon naming pagsasama bilang magasawa biniyayaan kami ng 2 anak. Pero isang araw may nangyaring hindi maganda at dun ko nalaman na may Leukemia pala ako. Stage 3 na. Hindi ako natakot nang dahil sa katotohanang mamatay ako, natakot ako sa katotohanang maiiwan ko ang pinakamamahal kong babae at ang 2 naming anak. " may tumulong luha sa mata niya pero pinunasan niya agad . " Nung araw rin nayun nagpunta ako sa simbahan. Nagpunta ako dun hindi dahil sa magdadasal ako, kundi dahil gusto ko siyang sumbatan. Kasi kung bakit sa dinami-dami ng taong bibigyan niya ng ganitong sakit. Bakit ako pa. Bakit ako pa na may asawa at 2 anak. Bakit ako pa na hindi masamang tao. Hindi ko kasi talaga alam kung bakit ako pa. Simula noon nawala na yung pananalig ko sakanya. Pero nakita ko ang asawa ko na nagdadasal para sakin. Tapos dumating ang araw na kelangan ko ng magundergo ng chemo theraphy. Sa loob ng isang taon, hospital na ang naging tirahan ko. Nakalimutan ko na nga kung anong itsura ng bahay namin eh. Dito ko na cinecelebrate kung ano mang holiday ang magdaan. Pero kahit na ganito ang nangyayari sakin, hindi ako iniwan ng asawa ko. Mas lalo ko pa ngang naramdaman yung pagmamahal niya. Pinanindigan niya yung 'In sickness and in health' sa vow niya. At dahil dun mas lalo ko siyang minahal. At habang mas lalo ko siyang minamahal, ay mas lalo lang din akong nasasaktan. " tinitigan niya ko sa mata. " Kath, ayoko mang sabihin to. Pero hindi ko na kasi kaya eh. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon