Chapter 1

17 0 0
                                    

"Ate, bakit ba kasi kayo naghiwalay?" tanong ni Grace habang pinapanood ang pinsan na tinatatoo-an ng isang lalaking hindi niya kilala.

"Mahabang kwento. Pero isa lang ang masasabi ko, hindi ako ang nangiwan."

Pagkasagot ay muling nagtanong ang dalaga, "Kaya nga mas lalong hindi ko naiintindihan ate. Kasi nakita ko paano ka mahalin ni kuya JM. Halos sayo na nga umikot mundo niya, tapos bigla wala na lang lahat. Ang labo."

Naiintindihan ni Tin ang pagtataka ng pinsan. Oo nga naman, mahabang panahon niya nakasama ang binata. Halos araw-araw magkasama sila tapos bigla na lang mapuputol ang lahat. Kaya naman lahat ng taong malapit sa kanila ay naguluhan at nagtatanong BAKIT?!

"Hoy ate! Nakikinig ka ba sakin? Ano na?" nagulat ng biglang magbalik mula sa sandaling pag-iisip.

Tumayo siya para i-abot ang bayad sa mamang naka-upo sa tabi.

Habang tinitignan ang sarili sa salamin, sinagot niya ang kanina pang nangungulit na pinsan, "Kasalanan ko"

"Bakit mo kasalanan? Anong nangyari?" muling tanong nito.

"Sabi niya pinagpalit ko siya sa iba. Pero hindi naman totoo, tapos bigla pinamigay na niya ko."

Hindi naging madali na tanggapin lahat ng nangyari sa kanila, at hanggang ngayon itinatanggi pa rin niya sa sarili na siya talaga ang may mali at hindi ang dating kasintahan.

Isang taon na ang lumipas simula nung nangyari ang gabi na kinatatakutan niya. Yung isuko siya ng taong minahal niya ng higit pa sa buhay niya.

Pero wala siyang magawa kundi tanggapin na lang ang lahat na tapos na.

"Lipad ka na naman" malungkot na sambit ni Grace habang nakatingin sa mukha ni Tin na nakatulala sa harap ng salamin.

"Halika na nga..." tumingin sa pinagbayarang mama, "...Kuya Alds, salamat"

Dali-daling lumabas ng pinto ang dalawa. Tahimik pa rin nag-iisip ang dalaga habang nilalakad ang kahabaan ng F. Tanedo.

"Grace, daan muna tayong simbahan. Kailangan kong magdasal." Agad agad namang sumang-ayon ito.

Sa harap ng altar ng Cathedral church, isinara niya ang mga mata at taimtim na nagdasal.

Lord, paki-ingatan mo siya, at sana maka-move on na din ako. Sorry po kung naka-gawa ako ng pagkakamali. Mahal ko siya pero tanggap ko na hindi kami para sa isa't isa. Kung sakali man po na kami talaga, hihintayin ko na lang po yung araw na ibalik niyo siya sakin. Sana po mapatawad na niya ako. Alam ko, kasalanan ko. Sorry po.

Iminulat ang maluha-luhang mata at nagbigay ng huling respeto sa altar.

"Uwi na tayo 'te. Gutom na ko eh" aya ni Grace sa kanya.

"Sige, tara na"

Naglakad sila mula sa simbahan hanggang sa sakayan ng jeep. Pero habang naglalakad ay may isang lalaki na may hawak na SLR ang biglang napatingin sa kanila. Akmang kukuhanan siya ng litrato nang bigla niyang takpan ang mukha at tumakbo palayo.

"Ate, sino yun?"

"Ewan ko. Ang gago lang niya pipicture-an ka pa" sagot ni Tin.

Nagsalubong ang kilay ni Grace at muling sumagot, "Utot! Sayo kaya nakatingin. Wag ka nga, nakita kita. Tinakpan mo yang mukha mo tapos tumakbo ka. Edi ikaw kinukuhanan."

Napangiti na lang ang dalaga at biglang naalala ang nakaraan...

"Saan ka galing? Alam mo ba na nag-alala ako sayo? Paano kung may nangyari sayo? Ni-hindi mo man lang inisip mararamdaman ko. Tapos hindi ka pa pumasok sa klase mo" sambit ng binata na bakas ang pag-aalala sa mukha.

Naka-ngiting sumagot si Tin, "Tinext kita. Galing ako sa boarding house nila Ron. Ibinalik ko lang yung nga gamit niya tsaka yung diary"

Pero bakas pa rin ang takot at pag-aalala sa mukha niya, "Sana man lang hinintay mo na ko! Tapos ex mo pa yung pinuntahan mo. Bakit mo ginawa yun? Sana hindi mo na binalik. Alam mo ba gaano ako nag-alala sayo?! Buti na lang walang ginawa sayo yung gagong yun!"

"Praning ka na naman. Ok lang ako. Masaya nga ako kasi nakaganti na ko sa ginawa niyang panloloko at pananakit sakin nun. At blessed ako dahil dumating ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita Jan Mari"

"Uy ate! Haay nako ha. Puyat ka ba? Wala ka na naman sa sarili mo" wika ni Grace nang mapansing malayo na naman ang isip ng pinsan.

"May naalala lang kasi ako. Oh ayan na yung jeep."

Sumakay ang dalawa sa jeep na walang tao kundi sila lang tatlo ng driver.

"Traffic pa. Badtrip talaga" usal ng nakababata.

Ngumiti si Tin at nagwika ng "Grace, jan ka lang ha. Wag mo muna akong kakausapin. Feel ko magmuni-muni dito. Ok?"

Tumango lang ang kausap. At walang ano-ano ay nawala na naman ang isip ng dalaga sa kawalan...

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Tadaaaaaaa! Hope you like it.

By the way, read my other book also. Title niya ay 'If you're not the one'

Please guys Vote. Comment. Fan

Kahit hindi na Fan. Vote and Comment na lang. Please and Thank You!

Enjoy reading!

♡nieca♡

Copyright @2014 by NiecaTabion

All Rights Reserved

Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon