Chapter 2

6 0 0
                                    

"Pwede ba, wag mo kong pagtripan. Lalaki ka eh. Umamin ka na kasi!" Inis na pagpapaamin ni JM sa isang text message.

"Eh gago ka palang talaga eh! Ni-hindi nga kita kilala diba? Binigay nga lang ni Jaizen number mo tapos aakusahan mo na ko na lalaki?!" galit na sagot ni Tin sa katext.

Dali-dali namang nasundan ng reply ni JM ang text nito, "Sige nga, patunayan mo na hindi ka lalaki. Tawagan mo nga ako"

At sa inis ng mabasa ang text nito, ito ang nasambit ng dalaga, "Wala akong load! Bakit hindi ikaw ang tumawag?! Tutal ikaw ang naka-isip! Wag ka na ngang mag-text!!!!!"

Inilapag niya sa ilalim ng unan ang cellphone na hawak bago pa man niya ito maihagis sa sobrang inis.

'Nakakainis! Putangina nun! Naubos pasensya ko ah!' usal niya sa sarili habang nagngingitngit sa galit.

Maya-maya ay hindi rin siya nakatiis at hinablot ang cellphone mula sa ilalim ng unan at binasa.

Lahat ng text messages ay tungkol lang sa pangungulit ng katext na lalaki siya at pinagtitripan niya lang ito.

Huminga siya ng malalim at nagsimula na namang magreply, "Alam mo? Nakakabastos ka na. Sige ganito, para mapatunayan mo na babae talaga ako, magkita tayo bukas"

Agad na may reply ang binata sa nakuhang text message, "Sige. Dito tayo magkita samin. Bukas, mga 11 am"

"Lakas ng loob ah. Diyan pa talaga sa inyo. Sige! Saan ba yang impyernong yan?" sagot ni Tin na halos madurog na ang keypad ng cellphone sa diin ng pagpipindot nito.

"Sus. Parang hindi mo alam san 'to. Oh sige, sasakyan ko yang trip mo. Pumunta ka dito sa Zone 5 maliwalo"

"Nakakairita ka, alam mo yun? Sige. Bukas na tayo mag-usap" Last message sent at tuluyan na niyang inilapag sa ilalim ng unan ang cellphone at natulog.

"Aray" kunot noong winika niya nang maumpog sa salamin ng jeep.

Napatingin sa kanya si Grace at natawa, "Ok ka lang 'te? Yan kasi. Ano-anong iniisip"

Nangangamot siya ng ulo at tumango sa tanong ng pinsan, tinignan niya ang paligid at napagtantong malayo pa sila.

"Ate..." napukaw ulit ang atensyon niya sa katapat, "...Kwento mo na anong nangyari. Bakit kayo naghiwalay?"

Napatingin sa labas ng bintana at nagsimulang magkwento habang sinasariwa ang masakit na pangyayari nung gabing yun...

"Kailangan kong gawin 'to. Kapag hindi ako lumayo, masasaktan kita. Ayaw kong gawin sayo yung mga nagawa mo sakin" mangiyak ngiyak na pagpapaliwanag ni JM.

"What?! Anong klaseng rason yan?! Nag-sorry na ko sa nagawa ko sayo. Akala ko ba pinatawad mo na ko?! And the fact na mali naman yung inaakusa mo sakin! Anong klase ka?!" nagngingitngit sa galit ang dalaga at halos mawalan na ng lakas sa kakaiyak.

"Sana maintindihan mo. Kailangan ko lang lumayo. Kailangan ko lang ng oras. Oras lang para makapag-isip at mawala yung sakit. Yun lang hinihingi ko. Babalik pa naman ako sayo"

Halos maubusan ng hininga sa narinig si Tin, "Ay tangina mo kung ganon. Kung iiwan mo ko iwan mo na ko. Mas gugustuhin ko pa na mapunta ako sa iba kesa maiwan akong mag-isa. Alam mong hindi ko kayang mag-isa tapos iiwan mo ko?! Wow!"

Mas sumakit ang iyak ni JM nang marining niya ang mga salitang ito mula sa bibig ng pinakamamahal.

Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng dalaga. Ito na rin ang magiging hudyat na hindi na siya ulit makakabalik dito.

"Hintayin mo ko, yun lang ang gusto ko. Kailangan ko lang mag-isa muna. Please" pagmamakaawa niya dito.

Pero hindi siya pinakinggan ng dalaga, "No! Mas mabuti kung iiwan mo ko. Tapusin na natin 'to. Kasi hindi mo naman talaga ako mahal eh. Kung bibitawan mo ko mas mabuti kung ititigil na natin. At least hindi ako mahihirapan kasi may sasalo sakin diba? Tama na!"

Nangilabot ang buong katawan ni JM at unti-unting nawala ang lakas ng katawan niya. Ito na yung kinatatakutan niya, yung mawala siya, pero kailangan niyang lumayo. Nasasaktan na siya ng sobra kaya kailangan niyang lumayo.

Napa-buntong hininga siyta at nagtanong"Yan ba talaga ang gusto mo? Gusto mo ba talaga na bitawan na kita at tapusin na 'to?"

Mabilis ang sagot ni Tin na hindi inaasahan ng binata, "Oo. Hindi siya maghihintay. Tutal ito yung gusto mo, yung mapunta ako sa kanya. Bitawan mo na ko"

Masakit sa loob niya ang narinig, halos madurog lahat-lahat sa kanya, "Sige. Pinakakawalan na kita. Pero ito ang tatandaan mo Tin, mahal na mahal kita" pagkasambit ay ibinaba ang telepono at doon nagwakas ang lahat.

"Hindi ko gets. Akala ko ba siya yung bumitaw? Eh bakit sa kwento mo, parang ikaw yung nagpumilit na bitawan ka?" tanong ni Grace na salubong ang kilay.

Napa-buntong hininga ang dalaga at nagpaliwanag, "Ipinamigay niya ko. Tingin mo sa ginawa niyang yun sinong hindi magagalit? Tapos siya pa yung may ganang lumayo? Yun ang malabo. Pinipilit niya niloko ko siya. Ni-hindi niya naiintindihan kung ano yung nangyari. Naka-set lang yung mind niya na niloko ko siya. Ngayon, sino ang bumitaw? Ako ba o siya?"

Natahimik lang si Grace sa narinig. Hindi niya alam ang buong kwento pero nararamdaman niya ang sakit sa bawat salitang binibitawan ng pinsan niya habang ikinukwento ang nakaraang iyon.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Kindly please read my other book entitled 'If you're not the one'

So here's another chapter. Hope you like it.

Enjoy reading! ^-^

♡nieca♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon