Chapter 1 (break up)

15 0 0
                                        

Chapter 1

Shey POV 

Naniniwala ba kayo sa salitang “FOREVER” malamang marami na rin sa inyo ang na-pangakuan nito ung “Promise, tayo hanggang sa huli” sarap pakinggan nuh?.

Lalo na pag galing sa taong Mahal na mahal mo , ngunit napaka-sakit din pag ung pangako na yun ay nauwi lang sa wala lahat ng pinag-samahan nio sa isang iglap .

Pero may iba naman na kahit anong pag-subok ang tahakin nila ay “Sila” parin talaga para sa isa’t isa .

   Parang ako lang sabi nia “wala daw Iwanan” pero anyare , pinag-palit niya lang ako sa babaeng    Hapon na yun na matagal niya na pala pino-pormahan .

 Nasa mall ako with my ate Mia and Yhel ng nag-txt si Daniel ng “hi” akala ko naman kaya ako tinext dahil na-miss ako pero hindi pala kundi para sabihin na kung pwede “BREAK” na daw kami , ayun ito naman ako umiyak na ng umiyak sa nabasa ko kasi akala ko okay ang lahat samin  .

Pero Hindi , dahil naka-hanap na pala siya ng iba . Yung “chix” daw na pag-laki manok .

 Hindi naman kasi ako “chix” , simpleng babae lang ako na cute at matalino . Si Niel kasi ay maporma, di man kaputian , pero nasobrahan sa appeal.

Kaya maraming babae ang nag-kaka gusto sa kanya. Akala ko nga niloloko niya lang ako nung una eh, baka pustahan lang basta hindi ko alam kung ano nagustuhan ng lalaking ito sakin . 

Sa sobrang sakit hindi ko na alam ung gagawin ko at napa takbo nalang ako sa CR para ayusin ang sarili ko  at hindi makita ng iba ang namumugto kong mga mata.

Hanggang sa naka-bangga ako ng isang lalaki sa pag-mamadali di ko siya masyado naaninag kasi naka yuko ako ang alam ko lang ay maputi at matangkad yung lalaking nabangga ko . Tas inabutan niya ako ng panyo para ipunas sa mukha ko , pero siempre ibinalik ko sakanya .

Star of ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon