{Saika's POV}
-- FLASHBACK --
Lumaki ang mga mata ko. The hell?! Tsk. Ang bilis nya naman maka-move on!!!!! Ang daya. It's unfair! Bakit ako, BAKIT AKO, ISANG TAON NA ANG NAKALIPAS, HINDI PA RIN NAKAKAMOVE ON?! Tsk. Bago ako maglakad sa daanan na kung saan sila masayang naglalandian, tinanggal ko ang ponytail ko at ang headband. Tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang mahaba kong bangs. Tsk. Bakit lumuluha ako?! Nakakahiya ito. Dapat.... Dapat I should never show my tears to them. Masmasakit kung makikita nilang umiiyak ako... May sinabi ba ako sa isip na iiyak ako?! No way. Argh! Naglakad na ako. Ang masakit pa, kaaway ko ang mahal nya ngayon. Tsk. Nakakuyom nalang yung dalawa kong kamay. Sana hindi nila ako makita.... Invisible naman ako, di ba?
.
.
.
.
.
.
.
.
Dumadaan lang ako. Nalampasan ko na sila. Yes, kaunti nalang, liliko na ako pauwi sa bahay.
"Oh! Hello, Chrixy!" Napatigil ako sa paglalakad. Tsk. Napansin pala ako ni Bryela. That demon girl. Btch.
Kahit hindi ako lumilingon, halata sa boses nya na may evil smile sa mukha nya. Tsk. Ang sakit..... Ang sakit-sakit sa dibdib..... Bakit ganun?! Ano ang scientific explanation para dito sa mga luha't nararamdaman ko?! Huminga ako ng malalim at nagsalita nang hindi humaharap sa kanila. "Bakit?"
"Haha! Are you hurt, my dear? Umiiyak ka ba? Kawawa ka naman...." sabay tawa ng malakas. Tsk. Isang taon na.... Isang taon na sya nakipagbreak. Bakit masakit pa rin sa dibdib?! Para akong t*nga! Sya, nakamove-on na. Ako, hindi pa! Tngina. Sht.
"........" Hindi ako makapagsalita. Kapag umiiyak ako, parang may something sa lalamunan ko na nagpipigil sa aking magsalita.
Biglang may humawak sa braso ko. Lumaki ang mga mata ko. Kilala ko ang kamay na ito. Tsk. Sa kanyang mga kamay ito..... Kay Theo... Hinila ko kaagad ang braso ko na hawak nya mula sa likod. "Chrixy...."-Theo. Tch.
"Bakit ka lumapit?! Hindi ba nakamove-on ka na?! Tsk. I'm sorry kung naiistorbo ko kayo. T*NGA ako eh."-ako. Lumingon lang ako sa kanya ng saglit tapos tumakbo na padiretso. Ang labo ng paningin ko dahil dito sa mga luhang toh! Argh! How stpid am I?! Dapat hindi nalang ako dumaan doon.... Sht. Tumatakbo lang ako ng mabilis, hindi ko na alam itong dinadaanan ko.....
Nagmumukha akong t*nga dahil lang sa isang lalaki! Nagagaya na ako kay Mama! Tsk. Bwisit! Pare-parehas lang silang mga lalaki! Mga manhid!!! Wala silang pake sa mga nararamdaman ng mga inosenteng babae!!
"CHRIXY!!" Pagkasigaw ni Theo, may sumunod na masmalakas naman na tunog. At doon ko napansin na nasa gitna na pala ako ng..........
*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!!!!!*
....... kalsada.
*BOOGSH!*
-- END OF FLASHBACK --
Nandito ako ngayon, sa Starbucks. Pssshhh.... =______= Humingi kasi ng date itong pouty na ito eh. Eh di pinagbigyan ko na. ^_^ Kanina pa kasi sya nagpapout.
"Honey, switch naman tayo ng drinks oh." sabi nya sabay abot sa akin ng inumin nya.
"Ano?! >___< Paborito ko toh, noh!"-ako
BINABASA MO ANG
Hoy Lalake! Ikaw Ulit?
DragosteBook 2 ng "Hoy Lalake! Bakit Ikaw?". ^_^ Marami pong salamat sa pagbabasa nun.