Sky's POV
"Anak, wag ka na lang umalis. Sige na. Mamimiss kita." sabi ni mama sakin habang bitbit nila kuya yung maleta ko.
Nakayakap ako ngayon sa kanya at ganun rin naman sya sakin.
Nang makarating kami sa gate ay hinarap ko siya.
"Ma, babalik naman ako ah. After 1 month andito na ulit ako. Madali lang yung 1 month ma." Sinabi ko yun sa kanya habang pinupunasan ang luha niya.
God, why it is so hard to see my mom like this?
Napahikbi siya bago dahan-dahang tumango. Tapos ngumiti. "Sorry anak ah. Masyadong madrama tong mama mo. Mag ingat ka dun. Pag may kailangan ka tawag ka agad. Wag na wag kang magpapagutom. Tsaka wag magpapatuyo ng pawis."
Napangiti na rin ako ng tumahan siya. "Ma I'll be okay. Tatawag ako pag nakarating na ko dun. "
Tumango siya at niyakap ako ng mahigpit na sinuklian ko din ng mahigpit na yakap.
"Ingat ka dito ma. I love you. " bulong ko sa kanya bago humiwalay at humarap kina kuya.
"Kuya, Mag ingat kayo dito ah. Bantayan niyo si mama. Wag pasaway." napatango lang ang dalawang kambal kong kuya sa sinabi ko.
"Oi. Pakisabi naman dun sa mga makakasalubong mo na mag ingat sila sayo bunso. " natatawang sabi ni kuya cloud sakin.
"Onga. Wag magboboypren ah. Pero sabagay lam ko naman lang papatol sayo bunso." dagdag pa ni kuya thunder.
"Ang sama niyo! Pang asar kayo." sabi ko habang pinaghahampas sila ng bitbit kong shoulder bag.
"Tama na yan cloud, thunder. Aalis na nga tong kapatid niyo ginaganyan niyo pa." awat ni mama samin kaya lumapit na lang kami sa kanya at nag grouphug.
May narinig na kaming bumusina sa labas ng gate kung kaya't alam kong andito na yung inokupahan naming taxi na maghahatid sakin sa Centralize University.
"Ayan na yung taxi anak. Bye! Ingat ka. I love you!" tumango at ngumiti lang ako sa kay mama tsaka tumingin kina kuya.
"Bye bunso." sabay nilang sabi tas nginitian ako.
Ngumiti na lang din ako at hinila hila ang maleta ko papunta sa taxing naghihintay sakin.
Bago ako tuluyang pumasok ng kotse ay lumingon ako at nakita kong nakayakap na si mama sa kay kuya thunder habang si kuya cloud ay nagkunwaring napuwing para hindi mahalatang umiiyak.
Natawa ako ng konti.
I'll miss them.
Wait. Para naman yata akong mamamatay neto.
Sky papasok ka lang naman sa isang eskwelahan. Sa isang sikat na eskwelahan. Kung saan halos lahat ng estudyante ay anak ng artista at mga kilalang tao sa buong bansa. Tsaka mawawala ka lang naman sa piling ng pamilya mo sa loob ng isang buwan. Oo, yun lang naman. Lang.
There is really really nothing to worry about. Nothing. Really.
Napabuntong hininga na lang ako sa mga naisip ko at mariing ipinikit ang mata ko.
Pagkatapos ng halos isang oras na pagidlip."Ineng, CU ka diba?" tanong ni mamang driver sakin kung kaya't napamulat ako at napatango.
"Pasensya na Ineng ah. Hanggang dito na lang kasi yung mga public transpo kaya hindi kita mahahatid hanggang doon. "
"Ay. Hindi. Okay lang po manong. Alam ko naman po." sabi ko habang inaabot sa kanya yung bayad.
YOU ARE READING
Love, Clues And Heartaches
RandomShe didn't know hating for clues, she'd meet love and heartache.