Sakay ng aking bisekleta pasado alas sinko na nang hapon, medyo malapit na rin magdilim pauwi na ako galing sa bahay nila brenda, dahil nga tinapos pa namin 'yung inassign sa aming report para sa subject namin kay ma'am Veron, since classmate kami at pareho lang ang village na tinitirahan namin ni brenda nag bisekleta na lang ako papunta sa kanila.
Ngunit habang sakay ng bisekleta ko, hindi ko napansin ang humaharorot na sasakyan na palapit sa akin. Napapikit na lang ako ng mga mata, matapos masilaw sa ilaw na galing sa sasakyan at...
I found myself walking at the middle of the dark forest, although I had feel something wrong with this place, patuloy pa rin ako sa paglalakad. Tila ba wala na akong paki-alam sa paligid ko ngayon, tila ba hindi ko na rin iniintindi kung sakali man na may mangyaring hindi kanais nais sa buhay ko ngayon.
Ang tanging alam ko lang, ay sinusunod ko lamang kung anong nasa puso ko ngayon. Hindi ba't ganun naman talaga kapag nagmamahal? Puso ang pinapairal. Kaya ngayon ito ako at sinusunod ko lang ang tinitibok ng puso ko ngayon, wala akong paki-alam kung ang taong mahal ko ay isang..."Ineng! Ineng!"
Napahinto ako bigla sa paglalakad nang sumulpot sa harap ko ang isang matandang babae na may dalang baston at mayroon din itong belong itim na halos mabalutan na nito ang kaniyang mukha.
"S-sino po kayo? At saka bakit pa po kayo nasa ganitong---"
"Mali ang pinili mo. Maling mali ka, hindi mo na dapat into pinili"
Napakunot-noo na lamang ako sa biglang tinuran ng matandang ito. Sinasabi niya bang mali na sinunod ko ang nasa puso ko? Ngunit mahal ko SIYA. Nagmamahalan kaming dalawa. Anong mali roon?
"Kung sa tingin mong nasa tama ka? Doon ka nagkamali. 'Wag mo ng ituloy pa ang binabalak mo, lisanin mo na ang lugar na ito!" muli siyang nag salita at halos nanlilisik na rin ang mga mata nito sa akin, habang binibigyan Niya ako ng babala
"U-uhm, lola! H-hindi ko po kayo maintindihan" medyo nanginginig kong sabi sa kanya
" Ang taong mahal mo ang siyang kikitil sa buhay mo! SIYA ang kikitil sa buhay mo! SIYA ang kikitil as buhay mo!"
Itinuloy ko na lamang ang paglalakad, kaysa pakinggan ang sinasabi ng baliw na matandang iyon. Ewan ko ba nakaramdam na lamang ako bigla ng pangamba
"Nasa huli ang pagsisisi. Tandaan mo 'yan... MARGEANNA!"
Muli akong napahinto sa paglalakad nang marinig kong sinambit niya ang pangalan ko sa huli. Kaya kusa akong napalingon sa aking likuran para harapin ang matandang iyon.
Ngunit halos mabigla na lang ako, dahil para bang bula na lamang na nawala ang matandang iyon. Sinubukan ko pang ilibot ang paningin ko ngunit wala na talaga siya.Nagkibit balikat na lamang ako at muling nag lakad. Maya-maya'y natanaw ko na rin ang patutunguhan ko.
Isang mansyon na halos parang ilang dekada na ang itinagal nito, halatang halata mo naman sa kulay at bawat anggulo nito.
Ilang sandali pa ng magtaka na lang ako bigla ng kusa na lang na bumukas 'yung gate nito. Kahit na nakakaramdam na ng takot pinili ko pa rin na maglakad papasok sa bukas na pinto ng mansyon at tila inaasahan na talaga ang pagpasok ko rito
Halos sinag lamang ng buwan na tumatama sa bawat bintana ang tanging nagsisilbing ilaw sa loob nito. Habang pinagmamasdan ko bawat paligid ng loob ng mansyon"Margeanna!"
Kusang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang marinig ko ang boses na kilalang-kilala ko na. Walang iba kundi ang boses ng taong mahal ko, and then hinarap ko siya mula sa likod ko.
I saw him standing while he's smiling at me. Mas lalo tuloy akong naaakit sa kagwapuhan niya dahil sa suot niyang puting long sleeve na nakatupi hanggang siko plus tuck-in with his maong pants. Damn! He's so gorgeous.

BINABASA MO ANG
Weirdest Nightmare
Mistério / Suspense(Completed) One Shot Story. Book Cover By: @BookCoverGurl