1. Describe yourself.
Pa'no ko ba sisimulan 'to? Uhh.. *Tingin sa dingding habang nakanganga* Siguro sa pangalan? Tats nalang. Wala na 'kong sasabihing personal na info dahil baka matunton n'yo pa 'ko't sakmalin. Anyway, trip ko isulat lahat ng genre - 'wag lang horror. Ayoko. Aniyo. Nada. Iie. No. Nakapagsulat na 'ko ng Rom-Com pero mas gusto ko 'yung Thriller - mga patayan ba. Masasabi ko kasi na du'n ako bihasa. Maraming morbid na bagay ang umiikot sa ulo ko, eh. Ayoko naman na makilala 'ko bilang rom-com writer dahil 'di ako masyadong bihasa sa rom-com. Teka? Pa'no 'ko makikilala kung 'di nga 'ko bihasa du'n? Hanggulo! So, yeah. I want to be known as a Sadistic Writer. I like unhappy, gore-y, unexpected endings kaya 'yun ang isinusulat ko. Alam ko na ang abnormal ko pero 'yun talaga 'yung gusto ko isulat so just deal with it 'pag nagbasa ka ng mga gawa ko. Nagsawa na rin kasi ako sa PBB teens kaya, ayun, puro madugo 'yung isinusulat ko. Marami akong inspirasyon dahil marami akong gustong patayin. Kung 'di nga lang masama pumatay, baka marami na 'kong napatay. Kung gusto mo 'yung patayang story, magkakasundo tayo. *Kindat habang nakakagat labi* Sexy tignan, 'no? Friendly naman ako kaya 'wag kayo matakot. 'Pag nainis ako sa in'yo, asahan n'yong ilang beses ka nang namatay sa isip ko - at ako ang gumagawa ng kamatayan mo. 'Yun nalang. Baka kasi natatakot ko na kayo, eh. Babay~ Pwede n'yo nang basahin 'yung second and third.
2. What do you expect from our remaining contestants?
What do I expect? Well, since naisip ko na rookie writers 'yung nagsasalihan dito, dahil alam kong hindi ka sasali dito kung sikat ka na sa wattpad, naiisip ko, may potential ang mga sumali. May gustong patunayan. Tama ba 'ko? O kaya, pwede rin na trip mo lang sumali dahil wala kang magawa dahil mainit ang summer. Kung pumasa ka sa audition, Congratulations. Dito na magkakaalaman kung sino talaga ang magaling sa mga nakapasa. Alam n'yo 'yung survival of the fittest? Sa case dito sa wattpad: Survival of the smartest. (Ano daw?!) Kung sino ang may unique na plot, siyempre, 'yun na ang pipiliin. Pero siyempre, titignan naman namin 'yung errors, Adherence and originality. So, 'yun. Teka---Sa'n na ba 'ko napupunta? Pero ang ine-expect ko talaga, magagaling 'tong mga 'to. Undiscovered Gems, eh. Iba kasi mag-isip 'yung mga undisovered gems, eh. Proud ako't gan'yan ako, eh. (Kapal!) Proceed to the last number - my message.
3. Message to the contestants.
Uhhh... marami akong gustong sabihin kaso lilimitahan ko 'yung sarili ko't onti lang siguro ang sasabihin ko? Unang-una ay maraming salamat kasi sumali kayo sa contest na 'to. And... Don't expect na pasado kayo dahil lang sa iniisip n'yo ay maganda 'yung gawa n'yo. Gaya nga ng sabi ko: Hindi lahat nananalo sa patimpalak. Kung nasinagan ka ng mahiwagang liwanag, swerte mo kasi papasa ka. Pangalawa, kung may newbie man na hindi pinalad na makapasok, 'wag kang mawalan ng pag-asa. Maybe it's not yet your time to shine. Mas maganda kung magsusulat ka lang nang magsusulat. At saka, kung makatanggap ka man ng kritisismo, tanggapin mo ng buong kaluluwa 'yun. Dahil hindi lahat ng kritisismo, nakakasira. Kagatin kita, eh. 'Pag naging hard ako/kaming mga judge sa'yo, that doesn't mean na dina-down ka namin. No. That only means we're teaching you something and not demoralizing you. Constructive or destructive, parehas lang 'yan para sa'kin. Ang pinagkaiba lang, hard 'yung isa, mabait 'yung isa. Pero parehas lang 'yan na tuturuan ka, maniwala ka. Teka nga? Ba't ba 'ko nangangaral? Ay whatever. Mensahe ko 'to, walang anuhan. Anuhin kita d'yan, eh. Ano pa ba? Wala na 'kong maisip---wait! Meron pa pala. Last message. If someone's telling you na hindi ka bagay maging writer dahil marami kang grammatical errors and the likes, 'wag mo silang pansinin. Isapuso mo 'tong motto ko: "Everyone can write, but not all appreciates writing." Marunong kang magsulat, sino ba'ng hindi? Kahit baby, marunong magsulat. 'Di nga lang naintindihan. 'Yun. As gasgas as this line is, I don't care. Just keep on writing. Writer. Write. Write. Three times a day. Write with colgate! 'Yun! Poopye!