Buhay Superhero Ko

127 3 9
                                    

"Pa!" Dali-dali akong tumungo sa nakahandusay na katawan ni Papa sa sahig. Tinawag ko si Mama at ang kapatid kong si Abbey, ngunit wala akong narinig galing sa kanila. Inangat ko ang ulo ni Papa at ikinandong ito sa hita ko. "Pa, anong nagyari dito? Sino may gawa nito sa'yo? Nasan sina Mama, at Abbey?" Sunod-sunod kong tanong.

May kinuha si Papa sa kanyang bulsa at inabot niya ang isang susi sa'kin. "'Yan ang susi sa basement, dun mo makikita ang lahat ng kasagutan mo sa iyong pagkatao."

Kinuha ko yung susi sa kamay niya. "Pero Pa, h'wg na nating pag-usapan ang pagkatao ko. Sapat na ang malaman kong inalagaan niyo 'ko na parang isang tunay na anak. Ang akin lang Pa, is nasaan na sina Mama ngayon at kung sino ang may gawa sa inyo nito."

"Isang tao lang ang makakasagot sa mga tanong mong iyan, anak. Hanapin mo si Mr. Soony Rodreguiz, siya ang matalik na kaibigan ng iyong tunay na ama, ipapaliwanag niya ang lahat ng mga ito." 'Yan ang mga huling habilin niya sa'kin bago siya nawalan ng buhay.

Agad akong nagpunta sa basement at binuksan ang pintong nuon ko pa gustong buksan. Bumungad sa akin ang isang maliit na kwarto na punong-puno ng mga gamit.  Maalikabok ito at may marami na ring bahay-gagamba sa paligid. May mga lamesa rin na punong -puno ng mga papelis. 'Yung mga papel ay parang hindi naligpit at nakakalat lang ito sa lamesa.  Tila naging isang study room 'to nuon dahil sa may maraming libro na nakalagay sa isang aparador.

Tumungo ako dun sa lamesa at pinagmasdan ang mga papel. Isang listahan ang aking nakita. Listahan ng mga taong nagtatrabaho sa SH incorporated. Inisa-isa ko ang mga pangalan, nagbabasakali na may makilala sa mga ito.

"Mr. Soony Rodreguiz, siya 'yung lalaking binanggit sa 'kin ni Papa kanina." Agad kong tinignan ang adress nito na nakasulat sa left side nung papel. "Sana naman dun pa siya nakatira."

Agad akong nagpunta sa nasabing adress at hinanap si Mr. Rodreguiz.

Nagtanong-tanong ako sa mga tao dito at itinuro nila ang isang makalumang bahay. Nagpunta ako doon at kumatok ng tatlong besis.

Maya-maya pa ay isang matandang lalaki ang bumungad sa 'kin sa pintuan. Magpapakilala na sana ako nang biglang binanggit niya ang aking pangalan. "Kilala niyo po ako, Mr. Rodreguiz?" Gulat na gulat kong tanong sa kanya.

Tumango lang ito at ngumiti ng kaunti. "Sa katunayan ay matagal na kitang hinahanap, Ms. Saavedra."

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Ms. Saavedra? Hindi, ako po si Ms. Hera Ramerez." Pagtatama ko sa kanya.

"Hindi pa pala ipinaliwanag ng mga nagkupkop sa iyo ang iyong pagkatao. Pero teka, nasaan sina Mr. and Mrs. Ramerez? Bakit 'di sila sumama sa'yo?" Nagtataka niyang tanong sabay tingin sa paligid.

"Sa katunayan po, nagpunta ako dito para itanong sa inyo ang lahat ng mga nangyayari ngayon. Patay na po si Papa at nawawala naman sina Mama at Abbey."

"Ganun ba, halika't ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat." Pumasok ako sa bahay niya at umupo sa sofa. "D'yan ka muna at may kukunin ako sandali." Umakyat siya sa itaas at maya-maya pa ay bumaba, dala ang isang litrato.

Inabot niya sa 'kin ito at nakita ko ang isang litrato ng pamilya. "'Yan sina Mr. and Mrs. Saavedra, kasama ang kanilang nag-iisang anak."

Tumingin ako sa kanya at nakita ang ngiting nakaguhit sa kanyang labi. "Mr. and Mrs. Saavedra? Ibig sabihin sila ang... sila ang-"

"Oo hija, sila ng tunay mong mga magulang."Pagtatapat niya sa 'kin.

"Nasaan na sina Mr. and Mrs. Saavedra? Bakit nila ako ibinigay sa ibang magulang? Hindi ba nila ako mahal? Tsaka ano pong kinalaman ng lahat ng  mga ito sa pagkamatay ni Papa at sa pagkawala nina Mama?"  Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

VIGILANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon