chapter 1.3

563 11 5
                                    

Italicize - flashback

Nagpapahinga na si Jasmin sa aking tabi at nakaharap siya sa akin. Simula nung naging comportable kami sa isa't isa, ganito na kami. 

1st year

Galing akong practice ng basketball eh ako ngayon ang nakatokang magbalik ng mga bola sa locker room kaya naglalakad na ako papunta doon ng *boom*

"ARAY KO! Nalintikan na!" sigaw niya habang itinatayo ang sarili. 

"EXCUSE ME?! Ikaw pa galit, ikaw tong takbo ng takbo sa hallway at di ka pa tumitingin sa dinadaanan mo!" sagot ko.

"Dapat lang akong magalit dahil pahara-hara ka sa daanan! akala mo kung sinong pader kung makatayo ka diyan! Yan nasira tuloy yung project ko, pinaghirapan ko pa naman to! Anong gagawin ko eh gabi na! Shet! kailangan ko ng umuwi" pinulot niya ang project niya na nalaglag at ngayon ay sira na pagkatapos ay tumingin siya sa akin.

"Ikaw nanaman!? Grabe nga naman ano, ang liit liit ba ng campus na ito para laging mag-krus ang mga landas natin?" sabi ko sakanya pero tahimik lang siya. "Ano wala kang masabi? ako pa ang pahara-hara? eh ikaw nga tong parang kabayo takbo ng takbo? Yan tuloy kailangan ko pang kolektahin ang mga bolang nagsilalglagan diyan! BWISIT! Saan ka ba kasi pupunta miss suplada?"

"I bet you have nothing else to do ano? Alam mo wala akong time para makipag-argue sayo kaya diyan ka na! BWISIT!" I just let her passed by me since ayaw ko na rin naman makipagaway pa sakanya pagod na ako at she's not worth my time.

Gabi na at naisipin kong maglalakad pauwi, di ko pa ito ginagawa pero alam ko naman ang daan. Habang naglalakad ako may natanaw akong dalawang taong nag-aaway. Ng nilapitan ko dun ko napansin na hindi pala sila nagaaway kung hindi ginugulpi ng tatay ang isang babae, mukhang galit na galit ang tatay kasi sumisigaw pa ito habang binubugbog ang babae.

"Tay! Tay parang awa mo na, Tama na po!" hiling ng babae. "Tay hindi naman po kasi totoo yun, kinailangan ko lang tapusin yung project ko kaya nalate ako ng uwi. Pangako di na po mauulit." umiiyak na sigaw ng babae.

"Kayong mga bata ngayon, ang hihilig niyong magsinungaling! Tapos ano, magpapabuntis kayo at sa aming mga magulang niyo pa rin kayo aasa! Ikaw! ang bata bata mo pa lumalandi ka na! Di ka ba makapagpigil ha?! Gabing gabi ka na umuuwi? Project? Itong lintik na to ang pinagbuhusan mo ng buong araw mo?" Sigaw ng tatay habang sinira ang hawak na project ng babae.

"Tay! Taa-aaay! Taaa-maaaa naa-aaa po-ooo!" paiyak na sagot ng babae.

Ng di ko na makayanan ang pang-gugulpi ng ama sa kanyang anak tinulungan ko ang babae. Itinulak ko ang tatay niya  papalayo sa kanya at binuhat ko ang babae at inilayo sa bahay. Ng makalayo na kaming dalawa ibinaba ko siya at tinawagan ko ang bahay namin para magpasundo sa driver. Ng nakadating na ang driver, isinakay ko na siya at inihiga sa aking hita. Hinawi ko ang buhok ng babae at nakita ko nanaman ang babaeng palagi kong nakakasalubong kahit di ko man gustuhin. Ng nakadating na kami sa bahay,

"Ate, pakikuha naman po ng ice at towel pakitulungan na rin po ako dito." sabi ko kay ate Sally na nabigla dahil pandalas ko ng binuksan ang pinto.

"Kuya, ano pong nangyari?" tanong niya. "Ate, mamaya ko na sasabihin sayo. Andiyan ba sina Mama at Papa?" sagot kosakanya. "Kuya, wala po sina sir at ma'am di ba nagbakasyon sila?"

"Oh, good! ayaw kong makita nila akong may inuwing babaeng di naman nila kilala. Wag niyong sasabihin ha?" saad ko.

Tinulungan ako ni ate Sally na linisin ang sugat at lagyan ng ice ang mga pasa niya buti nalang wala siyang masyadong pasa sa mga parte ng katawan niya na makikita mo kapag nakauniporme na siya. Meron man siya sa mukha pero di naman ganon ka-tindi. Binihisan na rin siya ni ate Sally at bukas papahiramin nalang namin siya ng dating uniform ng ate ko.

BASKETful Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon