Chapter 2.1

460 14 4
                                    

*Park*

Anong oras na ba? Nakatulog pa nga ako eh! grabe! 

Ano!???????! 8 pm na! wala man lang nanggising sa akin? Hays!

Si Bestfriend kaya nasaan na? Kasama pa rin niya kaya yung unggoy na pangit na yun? matingnan nga ang cellphone ko.

Nakow! nagtext pala si Best:

"Best I andito na ako sa bahay. Pag dumaan ka dito, kwekwentuhan kita kung anong mga nangyari at kung ano na rin ang sinabi sa akin ni Joshua Dionisio ko!"

KO?! bakit may KO?! kanina may KAMI, ngayon KO naman?!.

Lintik na, mukhang naisahan ako ng Joshua na yun ah! ANONG gagawin ko!? pupunta ba ako sa kanila?

paano kung malaman niyang di ako pumasok, tapos tanngin ako kung bakit.. ano na?! BAHALA NA NGA!

Kung sana makahanap ako ng ride ngayon din, edi sana andun na ako. Lintik wala man lang tumitigil, lahat may sakay? GRABE!

"Tao po..." kumakatok ako wala namang nasagot, umuwi na kaya ako. Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad 

"Best!" binuksan ni Jasmin ang gate."Aalis ka na agad?"

"Ah. kanina pa ako nandito, akala ko kasi wala ng tao or tulog na mga tao, 11 na kaya."

"Ganon ba, si papa natutulog sa kwarto tapos ako naman di makatulog, akala ko nga di ka na dadating eh."

"Best, bakit di ka naman makatulog?"

"Kasi kailangan ko ng kausap para naman maalis sa dibdib ko at mai-share ang mga pangyayari sa amin."

"Ah, dahil dn lang? akala ko napakalaki na eh"

"Yun lang?! Best! crush ko yun, si JOSHUA YUN! ikaw talaga, akala mo siguro inaagaw niya ako sayo ano? Di yun.." sana nga best hindi, HINDI KO MAKAKAYA! "San ka nga pala galing at di mo sinasagot mga tawag ko?"

"Kina.. Jeffrey.."

"Ha?! akala ko kaaway mo yun?" Nakow di ko alam ang isasagot! "Nevermind.. at least bati na kayo dbuh? tara pasok na tayo, nilalamok na ako dito."

"Sabi ko nga."

Nakakaatuwa kasi ang saya saya ng aura ng bestfriend ko. Bakit nga kaya? Ano nga kaya ang nangyari sa lakad nila ng Josh na yun?

Kasi Simula nung araw na yan, wala ng bukang bibig ang bestfriend ko kung hindi. "JOSH! JOSH! JOSH!' 

lintik na lalaking yan, pinasisiksikan pa yung sarili niya! Bestfriends kami at forever yun, ikaw ngayon lang.

Walang kahit sinong pwedeng makapalit sa akin,

or baka.....

DI TALAGA PWEDE!

Maitulog ko na nga lang ito...

"Francis! Grabe galing galing mo naman gumawa ng bahay! Napakaganda ng detalye!"

"Ako pa! gusto ko kayang mag-engineering.."

"Oh! kainggit naman alam mo na kung ano ang gusto mo! Nakow!" sinabi niya habang nakatingin sa project.

"Oh bakit? May mali ba dito?"

"Wala masyadong PERFECT, papangitin mo naman kahit papaano"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BASKETful Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon