CHAPTER 08

6K 142 13
                                    


NAPAINOM ng isang basong tubig si Earl dahil nanuyo nang husto ang kanyang lalamunan nang matapos si Liam sa pagla-live show. Mas matindi ang naramdaman niyang init ng katawan dahil malapitan niya itong nakita hindi gaya noong dati na naninilip lang siya. Pinag-aralan niya ang bawat galaw ni Liam. Ang paraan nito ng pakikipag-chat, ang pagpungay ng mga mata upang maging kaakit-akit at ang pagliyad ng katawan. Lahat ng iyon ay minemorya niya.

"Ano? Alam mo na ba gagawin mo?" tanong ni Liam sa kanya habang nagbibihis ito.

"Oo. S-salamat. Ang dami kong natutunan sa iyo. Hayaan mo sa susunod, alam ko na gagawin ko. Kahit huwag mo na akong turuan." Mabilis naman kasi siyang matuto lalo na at nanonood. Gaya na lang no'ng sa restaurant nang mag-train siya bilang waiter.

Natulog na sila pagkatapos. Ganoon pa rin. Sa sahig si Earl at sa kama si Liam.

Kinabukasan ay maagang nagising si Liam dahil sa isang tawag sa cellphone nito. Naulinagan ni Earl na si Big Boss ang kausap nito. Nang matapos nang mag-usap ang dalawa ay tumayo si Liam at tinapik siya sa braso.

"Bakit?" tanong niya.

"Kailangan nating mag-usap. Tungkol sa boyslive.com."

Agad namang bumangon si Earl. "Anong tungkol do'n?"

"May bagong project si Big Boss. Gusto niya na magkaroon ng couple performer sa boyslive.com at isa tayo sa napili niyang maging mag-partner."

"Ano ba 'yong couple performer?"

"Magpe-perform tayong dalawa. Isang account pero doble ang bayad. Parang kapag solo ka din, lahat ng iuutos ng watcher ay susundin natin. Mas okay ito kasi bukod sa doble ang bayad, pabor pa sa iyo. Pwedeng ako ang magdala ng live show natin kasi baguhan ka pa lang. Tapos, isang laptop lang kailangan natin. Hindi mo na kailangang bumili ng sa iyo."

Mukhang maganda nga iyon. Makakatipid na siya. Pero bigla siyang may naisip.

Napalunok ng laway si Earl. "Ibig din bang sabihin no'n ay... kailangan nating mag-sex?" Bigla siyang kinabahan. Kung oo, mahihirapan pa rin siya kahit may ka-partner siya. Wala pa siyang karanasan sa pakikipagtalik lalo na sa kapwa niya lalaki.

"Oo. Kung iyon ang gusto ng watcher. Pero 'wag kang mag-alala, Earl. Kaya nating i-fake ang pagsi-sex natin. Akong bahala. Ano? Maggo-go na ba ako kay Big Boss?"

Dalawang beses siyang tumango. "Okay. Go na." Wala na rin naman siyang pagpipilian.

Tinawagan ni Liam si Big Boss upang kausapin. Sinabi nito na okay na kanila na maging couple performer sila.

"Ayos na! Mamaya daw ay ise-send na sa atin iyong username at password natin. At mamaya na rin ang first night natin bilang couple performer kaya kailangan nating maghanda para wala nang ilangan mamaya."

"Maghanda? Paano?"

"Halika."

Hinila siya ni Liam paupo sa ibabaw ng kama. Kinuha nito ang laptop at tumabi sa kanya. Napapitlag siya nang magdikit ang kanilang mga braso. Napatingin siya dito habang may pinipindot ito sa laptop. Mas gwapo pala ito sa malapitan. Makinis ang mukha at ang ganda din ng hugis ng ilong nito.

Biglang napalingon sa kanya si Liam na ikinataranta niya.

"'Wag ka nga sa mukha ko tumingin, dito sa laptop. Mamaya ma-fall ka niyan sa akin, e!"

Alam niyang biro lang iyon pero nag-init ang magkabila niyang pisngi.

Itinutok na lamang niya ang mata sa laptop. Nagulat siya nang makita sa screen niyon ang isang gay website kung saan may mga videos ng mga lalaki na nagtatalik.

Live BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon