HINDI mapalis ang mga ngiti ni Liam sa kanyang labi habang minamasdan niya ang natutulog na si Earl. Nakaunan ito sa kanyang braso. Parang musika sa kanyang pandinig ang mahihina nitong hilik. Nawala ang pagkalasing niya dahil sa nangyari sa kanila kanina. Talagang ibinigay nito sa kanya ang gusto niya kahit alam nitong masakit iyon. Hinalikan niya ito sa noo at masuyong hinaplos ang pisngi."Salamat at dumating ka sa buhay ko..." bulong niya.
Maya maya ay nagulat siya nang biglang tumunog ang cellphone ni Earl na nakapatong sa side table na nasa tabi niya. Ayaw niya sana iyong pakialamanan pero nakita niya ang tumatawag ay isang unregistered number. Baka importante iyon. Sino ba naman kasi ang tatawag ng madaling araw kung hindi importante o emergency.
Gigisingin niya sana si Earl pero mas pinili niyang huwag na lang. Mukhang napagod ito nang husto kaya hindi na lang niya ito gagambalain. Saka na lang niya ito gigisingin kapag kailangan na talaga.
Maingat niyang inalis ang ulo ni Earl sa kanyang braso at inabot niya ang cellphone nitong tumutunog.
Magsasalita pa lang siya ay inunahan na siya ng tumatawag.
"Ano itong nakita ko sa website ng boyslive.com na nag-quit ka na bilang performer?! Hindi pwede! Akin ka lang, Earl! Akin ka lang--"
Sa pagkabigla niya sa narinig ay pinutol niya ang tawag. Naguguluhan na napatingin siya kay Earl.
Bigla siyang kinabahan. Nanginginig ang kamay na ibinalik niya ang cellphone sa kinalalagyan nito kanina matapos niyang i-delete ang call record ng tumawag. Sino ang taong iyon at bakit galit na galit ito sa pag-alis ni Earl sa boyslive.com? Hindi kaya ito ang taong naging dahilan ng panloloko ng nobyo niya sa kanya dati?
-----***-----
NAPANSIN ni Liam na kanina pa hawak ni Earl ang cellphone nito. Halata na may katext o kachat ito dahil panay ang tye nito doon. Hindi na nito nagalaw ang almusal nito habang siya ay malapit nang matapos.
"Mamaya ka na mag-cellphone. Malamig na iyong kape mo," aniya.
Ngumiti ito ngunit halatang balisa. "Ah, oo nga. Ka-text ko kasi ang nanay ko..." Kinuha nito ang tasa at uminom ng kape. Bumalik na naman ito sa paghawak ng cellphone. Maya maya ay tumayo ito.
"Tapos ka na?"
"Oo. M-may kailangan akong puntahan, Liam. May bibilhin lang ako sa labas."
"Ngayon na?"
"Oo, e. Sige. Liligo lang ako."
May pagdududa na sinundan niya ng tingin si Earl sa pagpasok nito sa banyo. Ayaw niyang maramdaman iyon dito ngunit iyon ang ipinapakita nito. Kaduda-duda naman talaga bigla ang mga ikinikilos nito. Saka ano naman kaya ang bibilhin nito sa labas ng ganito kaaga? Sarado pa ang mga mall. Sigurado siya na ang pupuntahan nito ay ang taong tumawag dito kaninang madaling araw.
Mukhang kailangan kong kumilos, bulong niya sa sarili.
Hinintay niyang matapos si Earl sa pagligo. Nagmamadali ang kilos nito. Iniwanan siya nito ng isang halik sa labi bago ito umalis.
Doon na kumilos si Liam. Nagpalit lang siya ng T-shirt at sinundan niya si Earl. Sumakay ito ng taxi at ganoon din siya. Pinasundan niya sa taxi driver ang taxi na sinakyan nito.
Kinakabahan siya sa totoo lang. Ang alam niya kasi ay nagbago na si Earl pero mukhang hindi pa pala. Hindi pa siya handa kung sakaling malaman niya na hanggang ngayon ay niloloko pa rin siya nito pero kailangan niya itong harapin. At ipinapangako niya sa kanyang sarili, oras na malaman niya na patuloy pa rin pala ito sa panloloko sa kanya, kahit masakit ay makikipaghiwalay na siya dito. Hindi na niya hahayaan na lokohin pa siya nito nang paulit-ulit dahil katangahan na iyon.
BINABASA MO ANG
Live Boys
Romance[WARNING!!! BXB/ SPG] Napasok si EARL sa isang kakaibang trabaho dahil kay LIAM-- ang paghuhubad sa harap ng webcam sa pamamagitan ng website na boyslive.com. Noong una ay okay naman, kumikita siya ng malaki at nasusuportahan niya ang kanyang pamily...