ARA P.O.V
"ARE you sure you're going with me?" tanong ni Joanne nang bumaba na kami sa tapat ng presinto, kakalabas lang niya ng ospital at gustong-gusto siyang makita ng Kuya niya at dahil wala siyang kasama, sinamahan ko nalang.
Tumango ako. Pumasok na kami, agad na tinawag ng isang police sina Axel. Agad sana siyang lalapit kay Joanne nang makita niya ako. Halata ang bumakas na guilt at hiya sa mukha niya, bahagya siyang napaatras. He looks so stiffened kaya si Joanne nalang ang lumapit sa kanya.
"Ano Kuya? Titingnan mo lang siya?" mataray na tanong ni Joanne. Galit pa din siya kay Axel pero dahil dalawa nalang sila ang mag-kasama sa buhay kaya di din niya pwedeng pabayaan ang kapatid niya. "Wag kang mag-alala Kuya, di siya pumunta dito para mag-eskandalo, sinamahan lang niya ako. Sinamahan lang ako ng babaeng muntik mo ng gahasain."
Napalunok ako habang nakatingin sa lalakeng nagdala ng bangungot sa buhay ko, yes, galit pa din ako. Hindi ko alam kung paano ko siyang mapapatawad but coming here, seeing him like this is already a huge step.
And I am just really grateful na hindi ako pinabayaan nila TIita, they gave the help that I need. I am still in therapy, and of course, my family and people around me helped with my recovery.
Lumapit sa akin si Axel, ramdam ko ang bigat sa bawat hakbang niya. Alam kong labis na niyang pinagsisisihan ang ginawa niya sa akin, pero kasi siguro may mga bagay talaga tayong nagagawa na di tama dahil sa pag-ibig.
Walang sabi-sabing lumuhod siya sa harap ko. "I'm not asking you to forgive me kasi alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sayo at handa akong pagbayaran yun dito kahit buong buhay ko pa. I'm sorry Ara, alam kong di mo ako mapapatawad but thank you for taking care of my sister, she's all I have and she's suffering because of me."
Tila tuod lang ako dito, di ako makakibo. Tumayo na siya pero nakayuko pa din tapos tumalikod na siya.
"Now that I saw you, you don't have to go here again. Just take care of yourself, don't get hurt while I am still here," sabi pa niya kay Joanne at umalis na. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Joanne, afterall, kapatid niya yun. Si Axel ang nag-alaga sa kanya, ang tumayong magulang sa kanya, ang tanging taong nakasama niya.
"Halika na," sabay hila niya sa akin.
"Kung gusto mong umiyak, umiyak ka lang," pahayag ko nang nasa kotse na niya kami. Di pa niya pinapaandar ang sasakyan, tulala lang siya.
"He's been my parents and honestly, ngayong wala siya sa tabi ko, di ko alam kung paano akong mabubuhay. N-Natatakot a-ako," her voice cracked-up. Alam ko naman na pinipigilan lang niya ang luha niya, she's not that strong. Babae pa din siya, mahina sa emosyon.
Hinawakan ko siya sa kamay. "Andito ako. Sasamahan kita."
"You must be kidding me. Magka-away tayo, remember?"
Napa-ismid ako. "Wag kang mag-alala kahit na awayin mo ako ulit, sasamahan pa din kita."
"Sorry ulit sa ginawa ni Kuya, hindi ko alam kung anong pwedeng gawin ko para mapatawad mo siya o mawala ang trauma na dinulot niya sayo."
"Wag mo ng isipin 'yun, may tamang panahon para sa lahat ng bagay."
Saglit lang ay bumalik na kami ng school. And of course napatingin sa amin ang mga nakakita na magkasama kami. "Mauna ka na," pahayag niya sa akin kasi sa ibang building ang classroom ko.
"Sabay tayong mag-lunch mamaya," bilin ko pa.
Napatitig siya sa akin. "Ayoko."
"I'm not asking you, I'm just reminding that you need to eat lunch with us," irap ko at tinallkuran na siya.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomanceMagpinsan silang dalawa pero lasing yata si Kupido nung mga panahong yun at napag-tripan niyang magpakawala ng pana sa kung saan lang at aksidenteng natamaan silang dalawang magpinsan. Sinubukan ni Ara na pigilan ang sariling nararamdaman sa half...