YGDF • 1

7 0 0
                                    

This story is written by an amateur. Please condone the use of foul words and typographical error.

The story is purely work of fiction under author's imagination. Any name of persons and establishments are purely coincidental and doesn't reflect in reality. This story cannot be copied, posted in other sites, disclaimed or redistributed.

Thank you.

Plagiarism is a crime punished by law.

~*~

Sasori


Sabi ng tita ko dati, may mga souls daw na binibigyan ng one more chance para sa unfinished business nila dito sa earth. Yung mga may biglaang pagkamatay. Yung mga souls na mababait at sumunod sa will ng Panginoon. On their last several minutes here on earth, may chance pa silang pwedeng magamit para sa mga mahal nila sa buhay. Lahat ba tayo mabibigyan kung lahat tayo magpapakabait ? Eh paano yung mg may huling pagsisisi ? Paano yung mga taong nakilala kong masama na since birth ? May chances pa ba sila para sa taong mahal nila ?

"Takbo ! Takbo pa ! Wag kang babalik dito bukas kung ayaw mong malumpo pa yang isa mong paa." sigaw ng ilang alagad ni Yagamata sa eskinita malapit sa school namin. Malala ang pag usbong ng kahit anong marahas na aktibidad dito sa labas ng school at lahat iyon ay naniniwala akong kagagawan ni Yruss Yagamata. The second satanic soul na nagkatawang tao dito sa earth. Sa akin galing ang teoryang iyan.

Pabalik ako sa school kahit magdidilim na dahil may nakalimutan ako sa desk ko. Isa sa mga importanteng bagay na dapat ay nasa bag ko lang dahil pag nabasa ng iba yon, siguradong mabibilang nalang kung ilang beses akong pwede huminga. Laman kasi ng diary na iyon kung gaano ko isinusumpa ang grupo nila Yagamata na laging nagsisimula ng ramble dito sa campus.

Written by : ExclusiveJ

Wala nang tao sa hallway. Nasa second floor ako at halos kulay asul na ang sinag na nanggagaling sa labas. Mas mabilis ang pag dilim ngayon dahil setyembre na. Mas mahaba na ang gabi kaysa araw.

Kakaakyat ko palang ng third floor ay napansin ko na ang postura ng isang lalaki na siguradong makapagbibigay sayo ng kakaibang takot.

Si Yruss.

Lumakad lang ako palapit sa pinto ng room namin. Hindi ko siya pinansin. I treated him as polluted air roaming around.

"Uy, Sasori, anong ginagawa mo dito ? Gabi na ah." he asked pagtapos non ay mukhang tinapon niya ang sigarilyo niya sa sahig at tinapakan ito. Kawawa naman ang tiles ng school namin. Magkakapeklat sa upos ng sigarilyo ng tarantadong 'to.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako sa loob ng room. Kinuha ko ang diary ko. He sit on the teacher's table sa harapan habang pinapasok ko sa bag yung notebook kong yun.

"Ah, yan pala binalikan mo. Nabasa ko na pala lahat yan. Yung iba, pinicturan ko nalang kasi mukhang madami ka ng nasulat tungkol sa pagkainis mo sakin at sa grupo ko kaya sa bahay ko nalang babasahin iyong iba."

Para akong nabuhusan ng tubig na puno ng ice cubes sa sobrang gulat. Natigilan ako at napatingin kay Yagamata. Nabasa niya halos lahat ?

"So, this is your own way how to supress your anger for me and my group. That's somehow fascinating, Sas." pinakita niya ang cellphone nya sa harap ko."Parang madami akong babasahin mamaya pag uwi." he smirked.

The Yagamata's Downfall (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon