YGDF • 2

13 0 0
                                    

Naging kami ni Yruss ilang linggo matapos gumaling ang mga sugat niya. Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa aming dalawa pero sobrang saya namin pareho.

Sabay kaming gumawa ng assignments sa park, sabay kaming gumawa ng project at sabay kaming magreview sa library. Ang laki ng pinagbago niya. Wala na akong nababalitaan na sumasabak siya sa kahit anong gulo dahil alam niyang ayaw ko. He's some kind of my ideal man before but now...

He's the perfect man I don't think I deserve.

Kakaiba pala talaga ang pag ibig.

"Pst. Sas. Paano bumili ng softdrinks ang taga Thailand ?" panimula niya habang nasa library kami at nagbabasa. Nakatakip ang libro sa mga mukha namin at sa gilid lang kami nagtitinginan.

"Paano ?"

"Pabili, meron po BANG KOK ? pfft."

"Pfffft.."

Halos hindi ko na mapigilan ang tawa ko.

"Anong sabi ni Jose Rizal nung nahuli siya ng mga sundalo ?"

"Ano ?"

"Naholi me Tangene."

Natatawa ako dun pero binatukan ko siya.

"Sabi sayo wag ka nang magmumura diba, Mr. Yagamata ?" nagkunot ang noo ko pero mas nagkunot ang noo niya.

"I hate when you're calling me in a surname basis." binaba niya ang libro at sumandal sa upuan. His doing the same thing again. Ganyan siya pag bad mood. Sasandal sa upuan at itataas ang kamay at ilalagay ito sa batok niya.

"Ano naman kung tawagin kita sa surname mo ?"

"Because that is the title of your diary. 'The Yagamata's Great Downfall.' I hate it."

"Wala na yung diary na yun. Tsaka wag mo nang isipin ang mga nakasulat doon. Baka nadala lang ako ng emosyon ko noon kaya ko nasulat yun dahil gusto pala kita una palang. Dala siguro ng inis dahil sa andami daming babae na nakabuntot sayo palagi. Wala na akong ibang nasulat doon kundi hate."

"Fuck. Hindi ako kinikilig sa mga sinasabi mo." pero binaon nya sa mga braso ko sa lamesa ang mukha nya. Sinilip ko siya at kinakagat niya ang lower lip niya at napangiti. This is the greatest downfall I've ever seen in my life. A greatest fall of this guy to a melancholic human like me.

"Pero ayoko na talaga na Yagamata ang tawag mo sakin. Kasi ang dami naming Yagamata. Let's make some endearments." and he showed his face, look into my eyes, smile so wide and wink twice.

"Honey ? Heart heart ? Jagiya ?" I enumerate several possible endearments to have for us.

He just shook his head for disagreement.

"Eh ano gusto mo ?"

"NAPS."

I crumpled my forehead.

"Naps ? Na tulog ? O baka Nips naman na chocolate para sweet."

"NAPS."

The Yagamata's Downfall (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon