Prologo:
Linggo ng umaga, maaga nagising ang mga tao sa sambahayan ni Marie. Ang ngiti sa kanilang labi ay hindi maialis. Ang kani-kanilang magulang ay nagkukwentuhan sa hapag samantalang si Mario at Marie ay nagkukulitan sa hardin.
"Di, mauuna na 'kong gumayak." Ani Marie.
"Sigi at ang tagal mo pa namang maligo." Sagot ni Mario at hinatid ito sa loob.
Buong sambahayan ni Marie ay dumalo sa pagsamba maging ang pamilya ni Mario na kanyang kasama.
Maliit na kapilya, punong-puno ang loob ng mga tao dumagdag pa ang kasama ni Marie.
Nagsimula ang gawain at nalubos ng galak ang lahat, mapadating miyembro at mga bagong panauhin, umiindak at humihiyaw sa saya tila kinubkob ng presensiya ng Diyos ang buong lugar na 'yon.
Matapos magpuri at manalangin sa Diyos. Sinabi ng Pastor na magtaas ng kamay ang may nais magpahayag ng kabutihan ng Diyos. Agad na nagtaas ng kamay si Marie, tumayo at tumungo sa harap ng pulpito.
"Isang mataas na papuri at pasasalamat ang sinasambit ko sa Panginoon. Tunay na ang Diyos ay buhay at napapatotoo ito sa buhay ko." Huminto itong pandalian upang pigilin ang luhang nais kumawala sa kanyang mga mata. "Mahirap ipaliwanag sa salita 'yung mga nagawa Niya sa buhay ko, simula sa simula kung paano ako nakakilala sa Kanya. Marami siyang ginawa sa buhay ko, successful life, sa trabaho, pamilya at lalong lalo na sa relasyon ko sa Kanya na hindi natitinag. Lubos ko ring ipinagpapasalamat 'yung lalaking seven years ko ng kasama..." Tuluyan ng umiyak, napatakip ng bibig si Marie para lamang pigilin ang hibik na gustong kumawala sa kanyang bibig. "Yung lalaking patuloy na umuunawa sa akin, nagtitiis at nagmamahal sa akin ng lubos. Salamat sa Diyos dahil sa lubos-lubos na biyaya Niya. Sabi nga po sa Kawikaan 19:14 "Namamana sa magulang ang bahay at kayamanan, ngunit buhat sa Diyos ang mabuting maybahay." Sobrang thankful po talaga ako." Pinunasan ang luha at ngumiti ng napakalawak. "Kasal na lang po talaga ang kulang, soon po siguro ayon sa kalooban ng Diyos." Sambit nito na mistulang nahihiya. "Salamat din po sa Diyos dahil narito ang pamilya niya ngayon. Nawa, makapagpatuloy din po sila. 'Yon lamang po. Sa Panginoong Diyos ang pinakamataas na kapurihan at pasasalamat." Aniya at bumalik sa kinauupuan.
Tumingin siya kay Mario gayon din nama'y nakatingin din ito na tila naluluha-luha. Nang magtama ang kanilang tingin ay nginitian niya na lamang ito at nakinig sa Pastor.****
A/n: Book cover photo—credit to the owner.
Date: September 29, 2017.
YOU ARE READING
God's Love Endures Forever
Teen Fiction-Fiction- "Ang biyaya ay nagmumulang lahat sa Diyos at ang pinakamasayang biyayang natanggap ko maliban sa tanggapin at ibigin ko si Cristo ay 'yong ipinagkatiwala ka ng Diyos sa isang tulad ko." -Marie Tunghayan ang buong kwento nina Marie at Mario...