Kabanata 1

12 2 1
                                    

Unang Kabanata

Mahimbing ang tulog ni Marie sa kanyang malambot na kama nang biglang malakas na tumunog ang kanyang cellphone. Gayon pa man kahit malakas ang tunog nito'y tila naging mantika ang pagkakatulog ni Marie ni hindi man lamang nalingat ang katawan nito sa ingay.

Pumasok sa kwarto ang kanyang lola na nanay kung kanyang tawagin, "Marie, tumatawag sa labas si Lucio."

"Papasukin n'yo na lang po, nay." Wala sa loob na sambit nito at itinalukbong ang unan sa kanyang mukha.

Pumamewang ang kanyang lola at madiin na nagwika, "Umayos ka Marie, kababaeng mong tao. Bumangon kana diyan at harapin mo si Lucio."

Agad na napatayo si Marie sa pagkakahiga at mababalangkas mo sa kanyang mukha ang pagkagulat dahilan upang mawala ang kanyang antok.

Inayos niya ang kanyang pinaghigaan, nagsuklay at pumunta sa banyo para maghilamos.

Nagpupunas siya ng mukha nang pumasok si Lucio. "Hon, pinaghintay mo na naman ako." Nakangusong sabi ng binata.

Ngumiti si Marie at nag-peace sign. "Napuyat kasi ako kagabi, pagpasensyahan mo na po." Malambing na sabi nito sa harap ng binata.

Agad na napawi ang pagkakanguso ni Lucio at hinagkan ang kanyang kasintahang si Marie. "Nakalimutan mo rin akong batiin kagabi." Malungkot nitong turan habang yakap ang dalaga.

Nagulantang naman si Marie at inisip kung anong araw ngayon. Napahigpit siya ng yakap nang maalalang anniversary nila at birthday ng kanyang nobyo. "Sorry, hon. Ang dami ko ng kasalanan sa 'yo. Nakalimutan ko, sorry."

Mahinang tumawa si Lucio sa itinuran ng kasintahan. Kumalas siya ng yakap at tiningnan ang mukha nito na parang kahit anong oras ay maari nang pumatak ang luha sa mga mata ng dalaga. "Maligo ka muna. Tutal wala kang regalo, ito na lang ang regalo mo sa akin." Wika nito at pinisil ang ilong, "Huwag ka ring iiyak nagmumukha kang emoji." Tumatawang sabi nito.

Hinampas siya ni Marie at bigla ring natawa. "Sigi, maliligo muna ako. Diyan ka muna sa salas." Wika nito at nagmamadaling pumunta sa banyo.

Nang matapos itong maligo at magbihis, naglagay ito ng konting pulbos at lip balm. Nahirapan naman siyang suklayin ang kanyang buhok sa isip-isip niya'y gusto niya itong paputulan. Subalit nagulat na lamang siya na may umagaw ng suklay sa kanyang kamay at sinuklayan siya. "Ang bagal mo ring kumilos. Ang tagal mo na ngang maligo ang bagal mo pang kumilos."

Napasimangot si Marie sa sinabi ni Lucio at napahalukipkip. "Pasalamat ka at birthday mo ngayon." Bulong ni Marie.

"May sinasabi ka hon" Takang tanong ni Lucio.

"Wala. Tara na. Saan ba tayo mag de-date?" Nakangiting tanong ni Marie at humawak agad sa kamay ni Lucio.

Tiningnan naman siya ni Lucio at pinitik sa noo gamit ang kaliwang kamay. "Abnormal ka." Sabi nito ngunit dinilaan lang siya ni Marie na parang bata. "Aish!" Inakbayan niya si Marie at binulungan, "Ipapakilala na kita kina mama at papa pati sa mga kaibigan ko."

Naestatwa bigla si Marie at pilit ng ngumiti. Agad namang inalis ni Lucio ang pagkakaakbay at hinawakan ang kamay ni Marie. "Akala ko ba hon, mag de-date tayo?" Naiilang na tanong ni Marie.

Hindi siya sinagot ni Lucio bagkus naglakad sila patungo sa likod-bahay at nagpaalam sa lolo at lola ni Marie. Wala ang magulang ni Marie sapagkat abala ang mga ito sa paghahanap buhay. "Nay, tay. Isasama ko po muna si Honey sa bahay namin. Ipapakilala ko lang po sa mga magulang ko."

God's Love Endures ForeverWhere stories live. Discover now