Kabanata 1

11 2 0
                                    

Jean's POV

'JEAN BUMANGON KA NA JAN! MAHUHULI KA NA SA KLASE MO!' katok sa akin ni manang

'Opo bababa napo ako' inaantok kong tugon

Pag kakain ko ng agahan ay naghanda na ako sa pagpasok sa eskwela. Nagtext sa akin si Slate na sa canteen daw kami magkita kita

'Manang! Papasok na ho ako!' paalam ko kay Manang Ester

'Sandali at tatawagin ko ang iyong driver' gustohin ko man magdrive papuntang school ay hindi pwede. 😪 15 years old palang kasi ako. Ilang sandali lang ay dumating na si Mang Tomas

Unang araw ng pagiging 4th year high school ng aming banda at ang huling taon ng aming banda sa pag tugtog. Baka kasi hindi na kami makatugtog pag dating ng kolehiyo. Madami kasing gawin pag nandon kana sa pinakamahirap na stage ng pag aaral

Nang makarating ako sa school ay pinag titinginan ako ng mga school mates ko. Nakakahiya talaga, lalo na pag kasama ko ang KD.😭💔 Pero mas nakakahiya namang mag isang haharap sa mga school mates kong ito

'omg guys Jean's here'

'ang hot kahit naka uniform'

'oo nga e ano pa kaya pag tumutugtog?'

'grabe ang gwapo nya 💓😭'

'oo nga e ang swerte naman ng magiging girlfriend nya'

'anakan moko fafa Jin' ilan lang yan sa mga tili at bulungan ng mga bakla o babaeng nadadaanan ko. Kahit nahihiya'y nginingitian ko pa din sila na syang nagpapalakas ng tili nila

'Hey Jin!' sabi ni Kane na kararating lang

'Oh Rile kamusta? Kararating mo lang?' aniko habang naglalakad patungong canteen dahil baka andon na ang KD

'Oo eh, nasanay akong bakasyon kaya yun nalate ng gising'

'First time mong malate ah' ani ko

'Oo nga e hehe. Nga pala grabe no? Sikat na sikat na tayo sa school natin. Sayang lang at kung kelan tayong third year high school saka tayo nadiskobre' pag iiba nito ng usapan dahil ayaw nyang balikan pa yung nangyari noon

'Kaya nga e, last year na natin ngayon. Sulitin na lang natin'

'Buti naman at pinapansin mo na yung mga babaeng bumabati sa yo' nanunuksong ani nito

'Syempre last year na natin to sinusulit ko na. Malay mo pag dating natin ng college hindi na tayo gantong kasikat' dipensang sagot ko

'Ah ganon ba?😂 Kala ko kasi hindi ka pa makaka-' hindi na nya nasabi dahil bigla ko syang sinikmuraan

Tatawa tawa sya hanggang makarating kami sa canteen.  And I regret entering the canteen 💔

'Uhm Aly look who's here' sabi ni Loureign kay Aly habang nakatingin sakin

Alam kong alam na ni Aly kung sinong tinutukoy ni Loureign kaya't hindi na syang nagabala pang tingnan ang tinuturo ng kaibigan. Palabas na sila kaya hindi nako umalis sa pwesto ko hinintay ko silang dumaan dito.

Dire diretso lang ang tingin ni Aly na animoy hindi nya ako nakikita. Lalagpas na sana sya ng pabigla kong kuhanin ang braso nya. Medyo nagulat sya dahil napasakot ang hablot ko.

'Pwede ba tayong mag usap? seryosong ani ko, sa halip na sagutin nya ako ay inalis nya ang kamay kong nakahawak sa braso nya.

Nag punta sya quadrangle papunta sa gilid ng court kung saan nandoon ang Kubong pwedeng pagtambayan ng mga estudyante. Alam kong pumayag syang makipag usap kaya't sinundan ko sya doon.

'Anong gusto mong pag usapan?' malamig nitong ani

'A-ah kamusta?' nahihiya kong tugon. Tanga ko naman 😑

'Anong gusto mong pag usapan?' Paguulit nito, hindi pinansin ang itinugon ko

'Gusto ko lang mag sorry. Sorry sa lahat. Hanggang dito na lang. Tatapusin ko na dito at sana wag mo na akong habulin. Hindi bagay sayo' Seryosong ani ko na syang ikinagulat nya

Iniwan ko syang mag isa don kahit labag sa loob ko. Ayoko kasing bawiin yung sinabi ko. Nang nakalayo na ako nilingon ko yung kubo. Nakita kong andon padin sya umiiyak, gusto ko syang lapitan at sabihing hindi totoo yung sinabi ko pero alam kong sa loob ko na pag binawi ko yung sanabi ko mas lalaki ang gap at ilangan sa aming dalwa kaya hindi ko nalang pinansin, kahit masakit ay tumalikod na lang ako at naglakad paalis.

---------------


Author's note

Hi guys hihi💓 Sana magustuhan nyo huhu. Love you readers😘 Hindi muna ako magpapakilala ngayon. Siguro pag may book signing nako. Hoping ako huhu💓 May chance kaya?💔

Behind those SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon