Chapter 2

17 1 0
                                    

"Jake. Alam kong hindi ako ganun kaganda tulad niya, di ako ganun katalino para tapatan siya. Pero Jake, sabi niyo masaya at masarap ako magmahal. Bakit iniwan niya ako?" Biglaang pm ko kay Jake.

Si Jake kasi yung tropa kong lalake na mabait, naniniwala sakin. Actually hindi siya mabait, maloko pero yung advices? Malilinawan ka ng sobra at magigising sa katotohanan.

"Red! Kalma muna. :(" Reply ni Jake sa biglaang pm ko sakanya.

"Red, ano ka ba? Bukod sa ang ganda ng pangalan mo, alam kong higit ka sa babaeng yun. Mali lang si Robby ng pagpili.. Gusto mo pakilala kita sa sarili mo?" Sagot sakin ni Jake..

"Rednerry Kate. Wow sa pangalan diba? Ikaw yung taong di na kailangan magbago, sila na dapat ang magbabago. Napakaswerte ng taong minamahal mo kasi minsan lang sila nakakatagpo ng gaya mo. Red.. Hindi ka kayang idescribe ng words lang, yung babae na yun? Words lang okay na. Iba ka Red."

Mga messages na sinend sakin ni Jake. Nabigla at namulat ako sa lahat ng sinabi niya sakin. Tama nga naman diba? Oo maloko ako, pero ako yung taong hindi agad sumusuko sa lahat. Mahal ko kase eh. Tanga na kung tanga, hangga't hindi siya nabitaw di ako susuko.

"Jake? Salamat sa lahat ah? Shit. Haha! Lumakas loob ko sa sinabi mo sakin.. :) Sana nga mawala na 'toh at mag move on na ako agad. Ayoko na kasi eh. Ilang beses na ako nasaktan, pero marami ako natutunan." Mahabang reply ko kay Jake.

"Yan ang maganda sa nasasaktan eh, maraming natututunan. :) Red, wag mo idown sarili mo. Maybe one day, there's someone na maaramdaman mong dapat kang i-appreciate." Sweet na reply sakin ni Jake.

Lumipas ang one hour at nagkwentuhan nalang kami, libang-libang at kung ano ano. Niyaya niya din ako na maglaro minsan sa shop ng dota. Hahaha! Hindi talaga ako nagdodota, nahiligan ko lang dahil sa mga tropa ko.

Nagdecide ako na maghanap ng mapaglilibangan para mawala lahat ng stress ko. So nag enroll ako sa isang Gym sa Alabang na may Muay Thai, matagal ko ng gustong itry 'tong Muay Thai eh. So, kinabukasan nagstart na ako ng training. Nakakapagod pala talaga pero ang sarap sa feeling kasi sa tuwing sinusuntok ko yung Punching bag, ini-imagine kong si Robby yun. Kaya ayun, namaga at nagsugat kamay ko.

"Alam mo, gigil na gigil ka pag sumuntok. Nakakatakot ka. Ang ganda mo pa naman pero medyo boyish ka. Hahaha! kakaiba eh." Tumatawang sinasabi sakin ng trainer ko. Ngumiti lang ako sakanya kasi wala ako masabi and besides di kami close.

Pagtapos ng training, chineck ko phone ko. Wondering na may magtetext sakin. Kaso pag bukas ko ng phone..

"Palku! Asan ka? Tara laro dito sa Shop. Bilis! Wag kupad ah?" Text sakin ni Ron. Si Ron na walang inisip kundi Dota. Di na nga natutulog yun eh. Haha druglourdes! -.-

"Tanga kba? Katatapos lang ng training ko. Ayoko pumunta, bahala kayo diyan." Reply ko kay Ron, hahaha umasa sila noh. Bwisit pagod ako eh.

Habang nasa jeep ako, nakikinig ako ng mga kanta. Ganun pala talaga pag malungkot noh? Iniintindi mo yung lyrics, tapos nasasaktan ka. Lalo na 'tong kantang Dahan. Yung lyrics na "Dahan dahan mong bitawan puso kong di makalaban" kainis. Alam kong baduy, pero pag nasasaktan kasi tayo walang baduy eh.

Pag uwi ko sa bahay, kumain na ako agad at pagtapos. Higa sa sofa at Fbmode. May message nanaman akong nakita. Yes, it's Robby.

"Hi Red! Kamusta ka na? Uhmm ingat ka lagi ah. :)"

Nang-iwan na nga, anlakas pa mangamusta. Di ko maintindihan mga lalaki ngayon, iiwan ka tas kakausapin ka ng parang wala lang. Ganun ba talaga kadali yun para sa mga nang iiwan? Siguro nga ganun lang. Sa sobrang inis ko, nagreply ako kay Robby..

"Hey Rob. :) I'm good! Ikaw? Oo lagi ako nag iingat. Uhm may sasabhin lang ako, sorry hindi ko kasi kayang makipagusap sa mahal ko pa. Ayoko ng ganto. Kaya lalayo muna ako, pag nakausap na kita ulit. Gusto ko okay na ako." 

Sabay logout ko ng facebook ko. Ayoko kasi ng ganun eh. Pero sa totoo lang, si Robby yung ibang klase kung magmahal. Nakakagago kasi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon