Chapter 38

18 1 0
                                    

Chapter 38

NYMPH

Nagsilabasan na ang lahat ng kaklase ko sa classroom, hinintay ko muna na maubos lahat ng estudyante pero bago ako lumabas lumingon-lingon muna ako sa paligid ko pati na rin sa bawat hallway.

Nang makasigurado na akong walang taong sumusunod sa 'kin tsaka ako lumabas at nagmamadaling naglakad. Lumiko ako sa gawing kanan, nadatnan ko ang isang laboratoryo, naka-on ang ilaw nito at nakaawang din ang pinto pero di ko nalang 'yon inintindi at nilagpasan lang 'yon.

Kaso lang narinig ko ang isang pamilyar na boses na nagpahinto naman sa 'kin sa paglalakad.

"So you're going to arrest Calum Hooduigan?"

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat. Tama ba ang narinig ko? tsaka kung hindi ako nagkakamali boses ni Prof Sensei 'yon! pero bakit pinag-uusapan niya si Calum at papaanong may alam siya tungkol sa kaso?

I'm getting curious!

Hindi na ako nagdalawang isip pa na lapitan ang nakaawang na pinto, isa akong magaling na eavesdropper eh kaya sisiw lang 'to sa 'kin.

Nakita ko siyang nakatalikod at nakalapat sa tenga niya ang hawak niyang cellphone, siguro ito 'yong kinakausap niya kanina.

"Someone already admitted his involvement, so it would be a strong evidence to arrest him... oh yeah right, hindi niyo nga pa pala alam kung buhay pa ba o patay si Nunally Castro." he groaned, mukhang naiirita ang mukha niya.

Napadikit ako lalo sa gilid ng wall nang humarap siya ng kunti sa gawi ko.

Kinuha niya ang kanyang kape na nasa lamesa at uminom ng kunti, tsaka siya parang nakikinig ng husto sa kausap niya sa telepono "Interrogations again? tss mas lalong babagal ang kaso." narinig kong sabi niya ulit.

"Yeah, make it surㅡ"

"Meow."

Nagulat ako sa pusang biglang nag-meow sa harap ko, pati na rin sa pagtigil sa pagsasalita ni Prof Sensei, mukhang dinig na dinig niya talaga kainis!

Sinenyasan ko kunwari ang pusa na umalis, muntanga lang at nakatitig lang talaga siya sa key chain ng bag ko kaya napatingin din naman ako d'un, pucha! isda nga pala 'yong key chain ko kaya siguro na-mesmerized siya ng wala sa oras!

Kaso lang tumalon bigla ang pusa sa 'kin na ikinagulat ko naman. "Anak ng tokwa!" napasigaw ako sa gulat nang tumalon siya ulit.

"Sino 'yan?"

I gulped, I'm really doomed! narinig ko ang mga footsteps ni Prof Sensei na mukhang paparating sa pinto, jusko! what to do? what to do?

"Tae naman oh!" I murmured, at dahil sa taranta naisipan ko nalang na pumasok sa katabing classroom, doon ako pumwesto sa likod ng pinto, nakita ko namang naglalakad na si Prof Sensei at parang may hinahanap siya.

Chini-check niya ata kung may tao ba, when he finally confirmed no one is around, he glanced at his phone, and scowled for a moment. Binabaan siguro siya ng tawag.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang pumasok siya sa loob, naghanap kaagad ako ng daan papalabas na hindi niya mapapansin, and goodness gracious! nakita ko kaagad ang isang pinto sa katapat ko, mukhang daan papalabas sa kabilang hallway 'to. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan 'yon at lumabas kaagad tsaka nagmamadaling naglakad.

Mukha tuloy akong zombieng naglalakad sa kawalan, hindi ko alam kung paano i-sink in sa utak ko ang narinig ko, ang daming umiikot na katungan sa isip ko.

Tell me, Voodoo dollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon