Hell 1: Hell

20.1K 349 14
                                        

HARA
Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok ko ng biglang may naghagis saakin ng kung ano. Dagli akong napamura.

"Ay punyeta!"inis na sambit ko.Napatayo agad ako ng mapansin ko kung ano yun,ipis.

"Sabi ko na nga ba eh!pabebe ka din eh"sabi ng walang hiya kong kapatid.Oo walang hiya. Hagisan ba naman daw ako ng ipis habang nagsusuklay ako?bastusan bes.Inis na binato ko si kuya Cyfer ng throw pillow na hawak ko. Alam naman nyang ayoko ng ipis eh.Napatili na lang ako sa pagkairita ng bigla ng tumatawang umalis si kuya Cyfer.Naku!kung hindi ko lang talaga kuya si kuya cyfer malamang binanatan ko na sya eh! Grr! Inis na hindi ko na lang ito sinundan at pinagpatuloy ko na lang ang pag iimpake ko dahil baka mabwisit lang ako lalo.saktong kakasara ko pa lang ng maleta ko ng biglang kumatok si kuya Axel sa pintuan ng kwarto ko.

"Yes kuya?"mabait kong tanong dito.Unlike kuya Cyfer mas mabait si Kuya Axel.Totally opposite sila ni Kuya Cyfer pero sa totoo lang yung mga totoong nakakakilala lang sa kanila ang makakapag differentiate ng pinagkaiba nila.Isa lang yon.Mas mean lang si Kuya Cyfer kaysa kay kuya Axel.Yun lang.Tss.Kung mukha, halos walang pinag kaiba.Talino?lamang lang ng kaunti si kuya Axel,physical?mas active si kuya Cyfer sa sports kaysa kay kuya Axel na mahilig mag aral.Onti lang naman ang difference nila tss.Pareho silang habulin ng babae na ikinaiinis ko kasi lagi na lang akong kinukulit at kinakaibigan nung iba para lang mapalapit sa kuya ko.Kainis diba?sarap nilang isubsob sa inidoro.

"How's your things?okey na ba?"tanong nito sabay pumasok na din sa kwarto ko.

"Yes,kuya.I'm so excited"tuwang tuwang sabi ko sa kanya.Tipid na ngumiti lang si Kuya Axel.

"Tss.bakit kasi ayaw mo na lang sa Athens University?bakit kailangan sa weithermer pa?" malungkot na tanong ni kuya Axel.Napangiti ako ng tipid."Ayaw mo ba nun,lagi kaming nasa tabi mo nila mommy,ni cyfer.Ni daddy at ni mommy.."napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni kuya Axel.

"That's my point kuya axel,gusto kong matuto sa sarili kong mga paa..ayoko naman na habang buhay eh lagi akong nakadepend sa inyo nila mommy,paano pag mag isa na lang ako?paano ko kakayanin?"paliwanag ko dito.Si kuya axel naman ang napabuntong hininga.

"Okey,sabi ko nga eh,wala akong magagawa sa desisyon mo princess.."

Saktong pagkababa ko ng hagdan ng salubungin ako nila Mommy at ni Daddy na naghaharutan pa.Napabusangot din tuloy ako gaya ni Kuya Cyfer na medyo lumalayo kila mommy."eherm."tikhim ko. Agad naman naglayo sila mommy. "So,paano ba yan mommy?gotta go?" nakangiti kong sabi. lumungkot naman bigla si mommy mula sa pagkakangiti.

"Mamimiss ko ang baby ko"sabi ni mommy sabay yakap saakin.Gumanti naman ako ng yakap kay mommy.

"Mom,hindi naman ako mawawala,pwede naman akong umuwi pag semestral break.OA mo mommy ha?"nakatawa kong sabi.

"Tss.wala na akong baby dito"nakalabing sabi ni daddy.

"Hay,nandyan pa naman sila kuya, dad eh" nakatawa kong sabi.Inirapan naman ako ni kuya cyfer.

"Damulag na yang mga yan"nakalabi pa ding sabi ni daddy.

"Tss.I'm an adult now,for your information young lady"ma-accent na sabi ni kuya cyfer.

"Luh"sabi ko na lang sabay nag sign ng loser. Hindi pa kasi nanalo saakin si kuya cyfer pagdating kay daddy.Dahil ako ang nag iisang anak na babae ako ang laging kinakampihan ni daddy,well.good girl naman ako,kaya hindi ko yon ginagamit na advantage kay kuya cyfer kahit na binubully nya lang ako."Bye daddy,bye mommy!"sabi ko sabay wave dito habang umaandar na yung sasakyan at nakasilip lang ako sa bintana.

"Hoy,wag kang pabebe dun ha"masungit na sabi saakin ni kuya cyfer habang nagmamaneho ito.

"Whatever"sabi ko na lang dito.Napansin ko naman ang pagbuntong hininga ni kuya axel,hindi pa ito nagsasalita ay sinenyasan ko na itong wag nang ituloy ang sasabihin."Shut it kuya axel,alam ko na.sasabihin mo na naman kung bakit sa weithermer pa ang gusto ko samantalang marami namang school gaya ng athens university pero nunca kuya,tama na.buo na ang pasya ko.naka enroll na nga ako di ba?"sabi ko ditong nakangiti.Napabuntong hininga na lang ulit si kuya Axel.Malayo layo pa yung byahe namin.Gabi na ng makarating kami sa university.Nasa gate pa lang kami ay hinarang na kami at hinahanapan kami ng pass.Nang makapasok kami nila kuya ay napamura si kuya cyfer.

TYRANT 7: The DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon