WAR 12 IKAW?

213 12 3
                                    

WAR 12 IKAW?

SHANNEN SUE'S POV

Linggo ngayon at walang pasok, napuno na yung kwarto ko ng Teddy Bear at bulaklak sa ref naman namin puro chocolates. 

May nagbibigay sa'kin twing umaga ng sampung teddy bears, limang boquet ng bulaklak at madaming chocolate. Di namin alam kung kanino nanggaling. Baka naman death threat? Psh, nagbibigay siya 2 weeks straight. Walang araw na lumilipas na walang ganun sa desk ko.

"Sue! Sama ka magsimba?" tanong sakin ni Ate Clarissa.

"Ayoko. Dito na lang ako sa bahay." sagot ko.

"Lagi naman, mag-simba ka nga kahit ngayon lang." sabi ni ate.

"Psh, fine fine.. Magbihis lang ako." hindi ko naman matitiis ate ko. Tumayo na at pumunta sa cabinet at kumuha ng damit na isususot. Skinny Pants at white shirt tapos sapatos. 

Sinuot ko na at bumaba na ako. 

"Sue, pumunta ka dito." tawag sa'kin ni Ate na nasa sofa. 

"Bakit?" tanong ko nung pagkapunta ko dun.

"Umupo ka." upo naman ako.. "Susuklayan kita, hindi ka man lang mag-ayos ng buhok." 

Pakiramdam ko may inilagay siya? Kinapa ko yung buhok ko. 

"ATE! Bakit mo nilagyan ng clip?!" sabi ko sabay punta sa salamin, ang ayoko sa lahat ay nilalagyan ng kung anong abubot sa buhok ko.

"Subukan mong alisin yan at kakalbuhin kita." AHH! Pink na hairclip yun! Ayoko niyan! Pero inalis naman nun yung bang na naka sabagal sa muka ko.

"Ate, ayoko nito. Alisin ko na to." pagmumuktol ko.. Bigla namang hinila ni Ate yung buhok ko. 

"Aray ate! Oo na! Di ko na aalisin! P*ta!" lalong hinila ni ate yung buhok ko.

"Magmumura ka pa?" tanong niya.

"Hindi ko alam, di ko mapa-promise na hindi na ako magmumura! Pucha.. Aray ate!" sigaw ni ate.

"Tsk. tara na nga!" sabi ni ate sabay bitaw sa buhok ko.  Hindi namin kasama sina mama at papa. Bahala sila sa buhay nila. Mga tulog pa ata, mamaya na ung mga yun mag-sisimba. 

Sumakay na lang kami ng LRT, malapit kasi samin yung LRT tapos yung bababaan namin malapit dn sa LRT edi mag-LRT na lang. XXDD 

May pahabol.. Mas malamig pa sa LRT iwas snatch pa sa LRT

[UNLI? haha!] 

Kaso ngayon, madami nang tao sa LRT. XD 

Sa loob ng LRT station tssk, nandun yung pictures namin ni Jio yung nag-model kami.. Pero hindi nakapost yung may kiss scene. Naknang pucha..  Hindi ko na lang yun pinansin. Kaya tuloy yung mga tao titingin.

Pictures-- Sakin-- Pictures--   Sakin

Nakabili na kami ng ticket tapos hinihintay lang yung tren. May nakasalubong ang mga mata ko. Yung mga naka-away ko last week. 

"Look girls oh, nagbagong buhay na yata!" sabi nung baboy. 

"Haha! tama ka Pooh! Este girl." sabi nung leader ata nila. Nag-leleader pa. Mga pang-kampag naman yung mga ganun. Hay! Pati sariling kasama inookray. Tanga lang? 

"Nag-hahair clip na pala ang demonyita. Pakabait ha!" sabi nung Leader cherbenss. Napapagaya na ako kay Janine. Speaking of Janine, kagabi tinext ako nun, samahan ko daw siya mag-shopping. Tss. Bahala siya.

Bakit sila lang ba pwede mag-clip? Democratic country! The hell! 

"Sue, hayaan mo na lang siya." bulong ni Ate. Anong hayaan? Ayoko nga. 

Totally Opposite: LOVE or WAR?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon