Kabanata 1Ano nga ba ang salitang love?
Para sa akin, love is definitely love. An emibodiment of God. Wala nang iba.
No other woman...este, hindi pala 'yan kasali sa'king kuwento.
Naniniwala ako sa salitang love. Because, why not? Ako naman pinaka-helpless romantic at pinaka-depressed na bida sa buong mundo ng Wattpad. Sigurado akong makakatuluyan ko ang pinaka-guwapong lalaki sa buong mundo. Because, why not? Kahit si Salvador Dali at William Shakespeare pa 'yan, okay lang para sa'kin.
Ako nga pala si Samantha Reese Angela J. Halimaw. J. stands for Jacqueline. O, 'di ba? Napaka-unique naman ng pangalan ko. Selos siguro 'yung mga tao diyan na nagbabasa ng kuwento ko. Oh, well...I can't blame them at all.
"Samantha!" Si mama 'yan---este, si Mrs. Draculaura Halimaw nga pala---ang step-mother ko. Oo, matagal nang patay ang totoo kong nanay. Huwag na kayong magtanong pa. "Gising ka na ba? Nako, male-late ka naman siguro sa school niyan."
"Gising na po ako, Mrs. Halimaw. Maglalagay na lang po ako ng make-up sa mukha ko kasi kailangan talaga," sabi ko nagmumula sa pinaktaas ng ten-storey mansion namin na gawa at dine-sign pa ni papa---este, Mr. Halimaw nga pala.
O, 'di ba? Amazing na nagkakarinigan pa kami ni Mrs. Halimaw mula sa pinakababa at pinakataas na floor ng ten-storey mansion namin. May super hearing powers siguro kami.
"Sige, Samantha. Nakahanda na 'yung almusal mo dito. Ikaw na ang bahala," sabi ni Mrs. Halimaw mula sa pinakababa.
Sinimulan ko nang suklayin ang buhok ko. May split ends pa ako, ano ba 'yan? 'Di tulad ng mga artista ngayon ang kakapal ng mga buhok nila gaya ng mukha ko. Gets niyo 'yon? 'Yung mukha ko, punong-puno na ng iba't ibang klase ng makeup. But, whatever! Kailangan ko lang talaga kakapalan ang mukha ko kasi sobrang nipis nito, kasi nga totoo kaming half-halimaw ng mga family members ko. Pati na rin si Mrs. Halimaw, kahit na hindi kami blood-related to one another, halimaw pa rin siya. And will forever be a strange 'halimaw' to my eyes.
Oh, 'di ba? Galing mag-English ng isang half-halimaw tulad ko?
Daig ko pa ang mga artista. Life nga naman.
(Hair flip)
Nandiyan na pala ang sundo ko. Ang naglalakihang mga limousine at jeepney. Syempre, I have too many options dahil sobrang kapal talaga ng mukha ko to the max! And don't worry, nakakain naman ako ng breakfast ko, masaklap nga lang kasi si Mrs. Halimaw na lamang ang natitira na maghugas ng mga pinagkainan ko doon sa aming ten-storey mansion.
Ha ha. Makapal talaga ang aking mukha.
###
"Ma'am, nandito na po tayo sa harap ng iyong eskuwelahan," sabi ni Manong, ang personal jeepney driver ko. O, 'di ba? Kahit pa 'yung jeepney driver na wala ng ngipin ay nakakapagbati pa sa'kin. I feel so special naman today.
"Thanks for the ride, manong," I say to him whilst starting to engine of the jeepney, meaning he's prepared to leave me here on my own.
"Anytime, darling!" He waved me a goodbye. O, 'di ba? Ang sweet-sweet niya? Kinilig tuloy ako bigla.
Ano ka ba, Samantha Halimaw, nagpapaligaw ka ba doon? 'Di ba guwapong lalaki ang hinahanap mo?
I'm so harsh to you now, Manong, and I'm sorry for that.
As if meron talagang makulit na destiny, nagkabunguan kami ng pinaka-guwapo na lalaki sa buong mundo.
"Hay, anong pangalan mo?" I asked him whilst standing up on my toes. Medyo nadumihan nga lang ang mahal ko na uniform, pero hayaan ko na lang. I'm too nauutal na makapagsalita pa ako sa kanya. Kay Mr. Guwapong Lalaki.
