"Miss pwede po bang makuha yung number niyo?" sabi nung lalaking gwapo gosh! Sino ba naman hindi kikiligin pag kaharap mo yung gwapo then kukunin pa yung cellphone number mo?
"Hindi mo pa nga ako kilala kukunin mo na agad yung number ko kuya? Hehe." pakipot kong sinabi habang inaayos yung buhok ko."Pwede namang bukas na diba? Para may dahilan pa ako para makita ka ulit bukas." omy sinabi niya habang naka ngiti at naka tingin sakin malulusaw naba ako? Gusto ko na siya yakapin hehe.
"Miss pwedeng pa-hug?" teka iba na yata toh, pero kinikilig pa rin ako ano ba!
"Ay, uhmm,, kuya kas--"
Bigla akong napa balikwas sa hinihigaan ko ng tinawag ako ni mama. "Raine gumising kana alas kwatro na! Maiiwan ka ng service mo pag hindi ka pa bumangon jan ngayon!" panenermon ni mama. Umagang umaga napaka ganda ng bungad. Hanep.
"Opo tatayo na" tumayo ako sa kama at nag stretching saglit. Paalala kasi ni mama pag bagong gising mag stretching para maunat ang mga buto at tumangkad daw. Eh para namang walang pinag bago sa height ko ma eh?
Pag labas ko ng kwarto naligo agad ako at kumain. Saktong 5AM dumating na yung service ko sa labas. Hindi pa ayos yung gamit ko naka kalat pa sa kwarto ko. Hindi kasi ako mahilig mag ayos ng gamit pag dating galing school so ayun ngayon pa lang ako nag ayos. Siguro 5 minutes nag hintay yung service ko sa labas. Lagi namang ganon ang routine ko sa umaga eh walang pinag bago. Kahit pa maaga ako matulog eh late pa rin talaga ako nagi-gising. Ang sarap kaya matulog sa kama, lasang ice cream. Hehehe.
Naka sakay na ako sa sasakyan ng service ko nang bigla ko nalang na-alala yung napanigipan ko kanina. May gwapo? Hiningi yung number ko? Gusto akong yakapin? For what? Ewan ko ba kung bat ko napanigipan yun. Siguro dahil mahilig lang kami ng mga kaybigan ko humanap ng gwapo. Bahala na basta maka-kain ng tatlong beses sa isang araw ayos na ako don.
Naka rating na ako sa school ng makita ko si Victoria sa hallway. "Victoria! Sabay na tayo papuntang room. Nakita ko na yung list ng section ko and nakita ko name mo so meaning classmates tayo!"
"Classmate lang walang tayo" ganyan naman lagi sinasabi niya pag may naririnig siyang word na tayo eh. Napaka sensitive sa word na tayo. Ewan ko ba kung bitter 'tong babae na ito or nakiki-uso lang.
Naka rating kami sa room and nag tabi kami ng upuan sa may bandang bintana. Favorite spot namin sa may bintana kasi mahangin. Hindi naman kami naka private eh. Air-continuous dito hindi Aircon. Dumating na si Ma'am Rhina and dahil first day of school, mag papa kilala kami isa isa dito sa harap. Kahit kami kami parin yung mag kakasama since 3rd year college until now 4th year college, kaylangan parin namin mag pa kilala sa harap. And dahil nasa harap ako at nasa pinaka gilid katabi ng bintana, ako ang unang mag papakilala.
"Good day everyone I am Louraine Santiago, 21 years of age, from Section B last year."
After ko mag pakilala sila naman ang sumunod and then after we introduce our selves, nag discuss na si ma'am. Hindi ako masyado nakinig kasi first day palang naman ng class. Hindi pa naman yan mismo lesson. Introduction palang naman yan ng ilelesson namin. Nag dday-dream nalang ako about sa napanigipan ko kanina habang nag sasalita si ma'am sa harap. Nung narinig ko na yung bell sa labas ng room, tsaka lang ako nagising sa pag dday-dream ko. Halos 30minutes din.
After the next subject, break-time na. Pinuntahan namin si Gail, Elijah and Sam sa kabilang room para sabay kaming lima mag break. Nung nasa cafeteria kami, may nakita akong lalaki dumaan sa harap namin. Familiar yung lalaki. Napa hinto ako sa pag lalakad at tinanong nila ako kung ba't ako huminto. Napatulala ako sa ere. Na alala ko yung panaginip ko.
Parang siya yung lalaki sa panaginip ko? Kamukhang kamukha niya. Ang gwapo din ang tangkad.
YOU ARE READING
Kung Pwede Lang
Teen FictionAno magiging feeling mo kung yung taong pangarap mo lang dati, ay gusto ka na? Si Louraine ay isang magandang babae na mahilig humanap ng gwapo kasama ang kanyang kaybigan. Hanggangg panaginip ay may gwapo. (oh diba pak genern!) Kung si frend ay ma...