"Miss pwede po bang makuha yung number niyo?" "Miss pwede po bang pa-hug?"
Na-alala ko yang mga salitang yan ng nakita ko yung lalaki. May kasama siyang dalawa pang lalaki. Familiar sakin yung isang lalaking kasama niya. Classmate ko yun nung high-school ako. Si Michael.
Nagising ako sa katotohanan ng sampalin ako ng mahina ni Sam.
"Huy ano? Okay ka lang? Kanina pa tayong lima naka tayo dito. Tinitignan ka lang namin naka tulala sa ere. Ano na? Tara na gutom na kami oh. Napaka bait namin kaya hindi ka namin iniwan dito. Baka kasi mamaya na-coma ka na jan. Tara na." sabi ni Sam habang hinihila na niya ako papuntang pila sa cafeteria.
"Ano ba nangyari sayo? May problema ba? Bat bigla kang napa tulala kanina? Dahil ba don sa pogi na dumaan sa harap natin kanina? Huwag ka mag alala nakita ko rin sila pero hindi ako na-shook kagaya sayo. Obvious ka kasi masyado eh." antaray ng boses ni ateng Gail. Halata rin sakanya na nag hahanap ng gwapo eh.
"Familiar kasi yung dalawang lalaki sakin eh. Yung isa classmate ko nung highschool. Hindi ako sakanya na gulat. Hindi siya yung reason kasi alam ko namang dito siya nag aaral eh." sabi ko habang kinukuha yung order ko. "Kaya ako na gulat kasi yung isang lalaki sakanila, yung nasa gitna, napanigipan ko siya kanina. Kanina ko parin yun iniisip eh. Hindi ko alam if dala lang yun ng kakaisip ko sakanya or talagang siya yun." dagdag ko.
"Gusto mo alamin natin kung siya nga?" tanong ni Elijah.
"Bakit? Anong gagawin niyo?" naguguluhan kong tanong sakanila. Parang may binabalak sila argh.
"Na-alala mo pa ba yung mukha nung lalaki sa panaginip mo?" tanong ni Victoria.
Nakaka inis naka tingin sila sakin habang naka ngiti. Parang may binabalak talaga na masama nakaka ano ha! "Oo gwapo yun syempre bat ko kakalimutan? Do I have a reason to forget that?" sabi ko then tumawa kaming lima. Nag joke nalang ako para hindi halatang naiinis na ako.
"Mamayang uwian mag abang tayo sa exit gate. Or text mo yung kaybigan mo na si Michael may sasabihin ka sakanya mamayang uwian. Diba lagi naman silang mag kakasamang tatlo?" suggestion ni Victoria.
Napaka bilis talaga ng itak nitong si Victoria. "Abangan nalang natin sila sa exit gate." sagot ko.
Bumalik na kami sa room then after 5 subjects, nag bell na. Halos ganon din naman ginawa ng ibang teacher eh, introduction lang sa lesson ang pinag sasabi so nag day dreaming lang din ako buong subjects nila. Bahala na hehe.
Lumabas agad kami ni Victoria sa room and hindi na namin hinintay sila Sam, Elijah and Gail sa labas ng room nila. Alam na nila yun sa exit gate. Siguro 10 minutes kaming nasa may exit gate hinihintay yung lalaking nasa panaginip ko na nakita ko kanina sa may cafeteria. Kumakain na kami ni Victoria kasi ang tagal eh. Then bigla hinila ni Victoria yung buhok ko habang naka tulala siya kung saan mang dereksyon. Nanlaki yung mata niya.
"Louraine ito na siya!" sabi niya ng malakas na bulong.
"Wait... Yan nga yun, siya nga!" nagulat ako nung nakita ko na yung lalaki. Siya nga.
Dumating na sila Gail, Elijah at Sam pag ka labas nila Mr.Dreamboy. "Antagal niyo kakalabas lang niya. San paba kayo dumaan?" nag rereklamong sabi ko.
"Sorry na nag overtime kasi yung lalaki naming teacher eh." pag papaliwanag ni Gail.
"Tara sundan natin kakalabas lang pala eh." woah si Sam nag-aya. Haha.
Sinundan namin si Mr.Dreamboy kung saan siya papunta. Madami namang studyante eh kaya hindi kami mahahalata. Mejo malayo din kami sakanya. Napansin namin papunta siya sa kabilang street lang ng school namin. Then nagulat kami at lalo na ako nung may inakbayan siyang babae. Hindi ko alam yung naging feeling ko nung mga oras na yun. Mr.Dreamboy ko lang naman siya pero it hurts? huhu. Sinundan pa rin namin siya, kunware pareho lang yung dinadaanan nila nung babae niya sa dadaanan namin kaya kami naka sunod. Huminto kami sa may 7-11 pero sinusundan pa rin namin siya ng tingin. Nakita naming papunta sila ng motel?!
"MOTEL?!" mabulong na sigaw ni Gail. Napa takip bibig nalang si Sam sa nakita niya. Nagulat kaming tatlo nina Elijah, at Victoria. Hindi ko rin inaasahan na ganon pala si Mr.Dreamboy.
"Hindi ko rin inaasahan yung guys. Grabe sa motel?" nagulat talaga ako kay Mr.Dreamboy huhu.
Ikaw paba yan Mr.Dreamboy? Tama ba yung hinala ko nung naka sakay pa ako sa sasakyan ng service ko? Dumada-moves ka agad? Kaya ganon yung pick-up mo sakin nung sa panaginip ko? Why-o-Why?
YOU ARE READING
Kung Pwede Lang
Dla nastolatkówAno magiging feeling mo kung yung taong pangarap mo lang dati, ay gusto ka na? Si Louraine ay isang magandang babae na mahilig humanap ng gwapo kasama ang kanyang kaybigan. Hanggangg panaginip ay may gwapo. (oh diba pak genern!) Kung si frend ay ma...