Chapter 1

35 0 0
                                    

Nag-lalakad ako ngayon pauwi sa apartment na inuupahan ko. Tumingin ako sa relo ko. Alas onse na pala ng gabi. Tumingin na ako sa unahan ko tapos sa gilid. Mapapadaan pala ako sa Dynos Forrest. Sabi sabi nila ay may mababangis na hayop raw sa loob ng gubat na iyon at sobrang nakakatakot raw. Umiling na lamang ako at namulsa.

Hindi ko alam pero nung mapadaan ako sa gubat ay bigla akong huminto at tinitigan ito. Hinawakan ko ang kwaintas ko na binigay nung madreng naka-pulot sakin. Orphan kasi ako atsaka nung iniwan raw ako sa harap ng orphanage ay suot suot ko itong diamond necklace na rainbow. Kinakabahan man ay pumasok na ako sa loob.

Namangha ako pagka-pasok ko sa loob ng gubat. Sabi nila'y nakakatakot rito ngunit bakit parang hindi naman? Ang ganda ganda dito! Parang nasa isa akong paraiso.

Aalis na sana ako ng makita ko na ang loob ng gubat ngunit pag-lingon ko ay nawala ang kalsadang tinatahak ko kanina't naging isang ilog ito.

W-wait what?!

Ibig bang sabihin ay naliligaw ako? O na-engkanto? Nako! Paano ako makakalabas rito? Nag-papadyak na ako dito't naiiyak ngunit wala akong magagawa kung tutunganga lamang ako kaya't napag-pasyahan kong mag-lakad lakad na muna upang mahanap ang daan palabas.

Bakit kasi ang likot likot ko? Ayan tuloy!

Napanguso nalang ako't lumakad. Hindi ko parin maiwasang mamangha sa mga nakikita ko. Napaka-ganda ng lugar na 'to! Parang napaka-tahimik.

Ilang oras na ba akong nag-lalakad? Tumingin ako sa relo ko at nanlaki ang mata. Hindi ito gumagana! At saka nag-uumaga narin.

Napa-upo na lang ako sa lupa. Paano na 'to? Ano ng gagawin ko?

"Bakit ka nag-iisa rito, binibini?" Tanong nung batang lalaking biglang sumulpot sa gilid ko.

"What the binibini!" Sigaw ko sa gulat. Bigla naman itong tumawa at nag-peace sign.

"Paumanhin kung nagulat kita, ate." Sa tingin ko'y nasa sampong taong gulang pa lamang ito.

"Naliligaw ako. Alam mo ba ang daan palabas rito?" Tanong ko at yumuko.

"Saan ka po ba nakatira? Atsaka, anong uri ka ng nilalang?" Sabay upo nito sa tabi ko at ngumiti. Ang gwapo naman ng batang ito pero no,no! Hindi ako pedo.

"Syempre sa earth kung saan naka-tira ang mga tao! Tsaka anong uri-uri ka dyan? Alangan namang hayop? Malamang, tao ako no." Tapos pabiro ko itong hinampas. Bigla naman itong natahimik at tumingin sakin.

"Ngunit, walang taong nakaka-pasok dito sa mundo ng mga mage..." Anong ibig niyang sabihin? Na alien ako at alien siya? Nanlaki naman ang mata ko.

"Ibig sabihin, alien lang ang nakaka-pasok dito at alien ako?!" Nanlalaking matang tanong ko. Nag-chuckle naman tong batang lalaki.

"Hindi po, ate. Slow ka po pala." Aba, realtalk to ah.

"Eh ano?"

"Mga taong may salamangka o special abilities lang po ang nakaka-pasok sa mundong ito at isa ka sa amin." Tapos ay biglang may lumabas na metal ball sa kamay niya. Namangha naman ako.

"Ibig sabihin, may power din ako?" Tumango naman ito't tumayo tsaka pinag-pagan ang pantalon niya.

"Pero anong kapangyarihan ko? Tsaka anong pangalan mo bulilit? Ako nga pala si Beatrix." Takang tanong ko. Nag-kibit balikat lang ito.

"Ikaw lamang ang makaka-alam niyan, ate. At ako po si Lucian. Halika, ate. Pupunta tayo sa bahay namin. Malapit lang naman 'yon rito." Tsaka niya ako hinila patayo kaya nag-pahila nalang ako.

Tulala lang akong naka-sunod sa bulilit na kasama ko. Dahil sa pagiging chismosa ko ay napadpad ako rito. Hays. Curiosity kill's a cat talaga!

"Narito na tayo, ate Beatrix." Napa-hinto naman ako't tumingin sa harapan ko at literal na napa-nganga. Ang laki ng bahay or should I say mansion ni bulilit!

Biglang bumukas ang gate at agad na kaming pumasok tungo sa loob ng mansion. Pinaupo naman ako ni bulilit upang tawagin ang ate daw niya.

Maya-maya lang ay naka-rinig ako ng mga yabag kaya't napa-lingon ako at bumungad sakin si bulilit at isang babaeng napaka-ganda. Kumurap naman ako. Pwede na 'to pang miss universe! Kaso medyo flat nga lang siya.

Ngumiti ako sa kanya at ganun rin siya sakin tsaka umupo sa kaharap kong mesa.

"Ako nga pala si Lucky. Ate ako ni Lucian. It's nice to meet you, miss?"

"Beatrix... Beatrix Lewrick." At ngumiti akong muli.

"So, nanggaling ka sa mundo ng mga mortal?" Tanong niya. Tumango naman ako.

"Pano ka napadpad rito?"

"Pumasok ako sa isang gubat tapos nagulat na lamang ako ng mapadpad ako rito." Tumango-tango naman ito.

"I see. By the way, di ka na makaka-labas sa mundong ito. Ang portal ay nawawala kaya nga't nagulat akong napadpad ka dito." Tumayo ito at tumabi sakin.

"By the way, can we be friends?" Tumango lang ako. Masyado akong na-shock sa i ang nalaman ko.

"Mamaya pala, i-eenroll kita sa pinapasukan kong paaralan upang mapalabas at ma-control mo ang iyong kapangyarihan." Tumango lang ako muli at nilingon siya.

"Saang paaralan?"

"Sa Magus Academy..."

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan pag-karinig ko sa pangalan ng paaralang 'yon. Pero, pamilyar sakin ito.

"A-ah sige" ngumiti naman ito at biglang nawala. W-what? Nasaan na 'yon?

"Nag-teleport patungo sa school niyo." Sabat ni bata.

"Ahh. Sige"

Hays. Ang boring naman dito. Dinukot ko sa bulsa ko ang apat na Ace of Cards sa bulsa ko't ngumisi ng palihim.

To be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Diamond Academy of MagesWhere stories live. Discover now