Nasa isang sulok ako ng aking madilim na kwarto,
Na tanging cellphone at lampara lang ang ilaw ko
Naisin ko mang matulog, ngunit di ko magawa
Dahil sa aking isip, di ka mawala-wala
Bawat lumilipas na gabi,
ballpen at papel ko ang aking katabi
Katabi at karamay sa pagdibdib ng mga masasakit na pangyayari
Sinusulat ang mga hiling, hiling na sana ay mangyari
Sa papel na ito, isusulat ko ang nadarama ko
Sa papel na ito, ibabahagi ko lahat ng masasakit na tinago ko
Saksi ang papel at ballpen sa pagtulo ng luha ko habang inaalala ang masasayang pangyayari na nagawa mo sa buhay ko
Pero sa pagbago ng taon,
kasabay rin ng pagbabago mo
Tila'y habang tumatagal, tumatagal nadin ang pagreply mo
Kumokonti nalang mga oras mo
At para bang nawawala narin ang pake moNalaman kong meron kana palang nagugustuhan,
Ang sweet nyo pa nga daw kung maglambingan
Nung may nagkwento sakin, nakangiti lang ako,
Para kunwari di ako nasasaktan
Pero nagulat talaga ako sa nabalitaan ko
Sa tuwing sasapit nanaman ang gabe umiiyak ako, hindi dahil sa hindi mo sa akin pinaalam,
Kundi dahil sana pala matagal ko ng pinaalam kung ano yung aking nararamdaman
Pero alam ko namang hindi e, hindi pwede
Kasi nga, "kaibigan mo lang ako"
Pero patawad, nagtaksil ako
Hinayaan kong mahulog ang sarili ko sa taong may iba namang gusto
Taong pagkakaibigan lang ang kayang ilaan sa mga katulad koHiling nalang na sanay di ka nalang naging kaibigan
At baka sakaling di na masaktan sa tuwing mariringi sayo na "kaibigan ko lang kasi yan"
Na sana nga una palang talaga hindi na kita naging kaibigan
Baka kasi sakali ngayon parehas na tayo ng nararamdaman
Ang hirap magtampo kapag kaibigan kalang,
Ang hirap magselos kapag kaibigan ka lang,
Pero kung sakaling ako ba sya,
sasabihin mo parin bang "kaibigan ko lang kasi yan!"
Kung sakaling ako ba siya,
pipiliin mo rin ako?
Kung sakaling ako ba siya,
magugustuhan mo rin ako?
Kung sakaling ako ba siya,
mas higit pa sa pagkakaibigan to