第九の。ninth life。

327 27 19
                                    

  第九の — red

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  第九の  red.

This seems right.

"Angaling mo talagang magpaint, hyung," puna ng batang may pula ang buhok at may balingkitang katawan.

Nilingon niya ito at nginitian bilang pasasalamat sa puri nito.

Jihoon knows the kid. Well, not really. Hindi niya alam ang pangalan nito o kung saan siya nanggaling. Kilala lang niya ang mukha ito. Sa dalas ba naman niya sa parkeng 'yon at sa dalas niyang makita ang batang 'to na tila ba nag-aabang parati sa kanya sa araw-araw na pagpunta niya sa parke para magpainting. Isang kutob lang naman na inaabangan siya ng bata. He noticed. Ilang beses na rin niya itong napansing paulit-ulit na dumadaan sa likod niya para lang sumilip sa ginagawa niya.

It took the kid a week before finally approaching Jihoon in a bold move, complimenting his works straight up with nothing but genuine praise and admiration.

Jihoon finds that fascinating, coming from a kid like that.

Base sa suot nito at anyo, mukha siyang isang pulubing palaboy-laboy sa kalye. Ngunit hindi kagaya ng mga batang kagaya niya na nagkalat sa buong parke, mukha itong walang interes sa pangungulit sa mga gumagala at imbes na mamalimos ay abala pa ito sa pagmamasid sa mga gawa ni Jihoon at panonood sa kanya habang nagpapainting o nagssketch.

That's what makes him different from the rest. Dahil din sa kakaibang interes ng bata, hinayaan ni Jihoon na paligiran siya ng batang may pulang buhok at subaybayan siya araw-araw habang gumuguhit o nagpapaint ayon sa gusto niya.

Umupo ang bata sa tabi ni Jihoon at pinagmasdan ang ginawa nitong painting na may kumikinang na mga matang puno ng mangha. Hindi tuloy maiwasan ni Jihoon ang mapangiti. This kid looks just like him when he was a kid, looking at his dad paint. Alam na alam niya ang kinang ng mga matang 'yon. They are the sparkles of passion; seeds that must be taken care of and nurtured. Improved. Guided.

"Gusto mo bang subukan?" tanong ni Jihoon sa bata.

"Ah! 'Wag na po. Baka maabala ko pa kayo!" pagtatanggi nito.

"Kung nakakaabala ka man, kanina pa kita pinaalis at hindi na kita inaya pang subukan ang magpainting, hindi ba?" ngumiti si Jihoon at inilahad ang isa pang paint brush sa bata.

Nagdadalawang-isip man, tinanggap ito ng bata pati na ang isang blankong canvas mula sa stand niya upang guhitan.

"Maraming salamat po!" masayang wika ng bata.

"No problem."

Dali-daling naupo ang bata sa damuhan at bitbit ang brush na may bahid na kulay green mula sa paggamit ni Jihoon, maingat niyang iginuhit ito sa gitna ng pahina. He giggled then pressed the brush harder unto the page to thicken the stroke. Lumingon ito sa kanya nang nakangisi kaya hindi napigilan ni Jihoon na suklian ito ng isa pang malaking ngisi.

Koi No Yokan / jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon